水曜日. June 3, 2020

Reds

Training has started last Monday. 12 days daw ata ito. Ang lamig ng boses nung nga Indiano. Antok na antok ako, Bes. But to be fair, mababait naman sila.

Yesterday, I had this user na naiiyak na talaga ko dahil di ko ma solve yung issue nya. The whole training, I was thinking of his issue kaya wala akong na absorb. Sabaw na sabaw talaga.

They have recordings ng training. Aaralin ko nalang. Sana hindi ako makatulog.

Hayst. Know what, I asked the Heavens for this. Yung ituloy ng client yung contract samin. Ok lang naman. Ayoko rin naman mawalan ng trabaho, pero takte, mega brain bleed talaga.

Ang daming forms. Ang tedious ng process. Ewan.

Siguro hindi naman talaga namin to mage gets the first time di ba? Tatag nga ng mga kasama ko, ni hindi nag no notes.

Papasok pa ko para sa training bukas at sa Friday kahit off ko. 

------

Work is easy. 

Work is good.

Everything I need is coming to me.

Eto yung nantra ko araw araw bago pumasok. The fact na nakaka sign out parin naman ako ng buhay, siguro nga effective.

-----

Kailangan ko pang i-follow up ilang mga bagay bagay sa club. Konting ire nalang naman at makakatakas na ko sa position ko. Ang weird no. Alam ko naman na hindi nila kasalanan pero minsan naiirita ko sa kanilang lahat. Iniisip ko kung mas maigi bang lumipat sa ibang club. Pagnakikita or nakakausap or kahit naiisip ko lang sila, yung pagod feeling lang kasi ang tanging naalala ko.

-----

Will accompany Mom sa Starmall bukas.

Nasira yung tv. Aalamin lang namin kung pano setup ng warranty. 

Naawa rin ako sa mama ko. Hindi mabubuhay yun ng walang tv. We do have other tvs at home, pero ito kasi yung pinakamalaki at ito yung nasa sala. Binaba nya yung tv sa tindahan at nilagay sa sala. Ngayon wala na syang tv sa tindahan. Sa totoo lang pinipigalan ko lang ang sarili kong bilhan sya ng bagong tv. Kailangan kong makaipon para sakali mang merong magkasakit sa amin.

Gusto ko nang yumaman. Alam ko balang araw, mangyayari yun dahil talented ako.

-----

Boring ng walang crush. Walang pang pasaya ng araw. Bilingual lahat ng nasa umaga. Mejo tropa na kasi yung mga yun. Kahiyaan ng i-crush.

Ang daming benefits kung maililipat ako ulet sa pang gabi. May crush na ulet ako, makakatakas pa ko sa unli-from, super brain bleed, tedious process na pag support sa japanese users.

Ewan ko. Tsaka sa panggabi kahit papano, nakakasabay ko sila mama mag almusal at tanghalian. Sa alanganin kong schedule now, wala na kong nakakasabay kumain.

Pero ok lang din. Kahit ano. Bahala na ang Universe. 

-----

Ayon sa chismis nung mga nakaraang linggo, may apat na cases daw ng drug-related killings dito sa amin. Ngayon everytime na may naririnig akong pag putok, pakiramdam ko may bago na namang pagpatay.

I don't have the energy to browse my toxic fb timeline anymore. Hindi rin ako masyadong nakakanood ng tv. Hindi ko alam kung ano nang nangyayari sa mundo.

Kagabi, ipinagdasal ko sa langit ang presidente. For guidance,  wisdom and protection. I also asked na sana hindi tayo masakop ng China.

Wala e. Hands up na ko.


10:46 PMにcinderellaareus によって書かれました。

コメントを書く


* * * *
Login to your account to post comment

You are not logged into your Tabulas account. Please login.

私について

My name is Z. Let's get along :)


ナビゲート

ホーム
アーカイブ
プロファイル
ギャラリー
お友達
Friendsof
お気に入り

メッセージボード



クレジット

レイアウト || zaia
画像1 || R A V E
画像2 || ruffled
パターン || hongkiat
ブロッグホスト || Tabulas
コンテンツ|| zaia


***

Google Analytics Alternative

http://www.hitwebcounter.com/
Counter For Wordpress


adopt your own virtual pet!
online
Online Casinos