水曜日. June 10, 2020

Hello

Masaya ako today dahil  Wednesday na at off ko na naman bukas. Syempre, papasok parin naman talaga ko para sa dalawang oras na training. Pero kahit ganon, masaya ako today.

Assessment kanina. Nung unang tingin ko, feeling ko andali lang . Pero takte, lagpas 5 na hindi ko pa nasisimulan yung exam dahil sa call tas napasahan pa ko ng chat. Argness. Nataranta ako ng very slight dahil 6 ipapasa yung test. Pero in the end, ok naman.

Natuwa lang ako sa mga kasama ko sa trabaho. Ang babait kasi nila. Basta. Natuwa rin ako dun sa pinakabagong kiddo sa JP team. Smart kiddo. Suma Cumlaude sa UP Diliman under foreign language studies major in Japanese language. N2 passer. 1 take. Very smart kiddo, pero walang ka ere ere.

Tinatag na kasi ni TL name ko sa GC dahil past 6 na hindi pa ako nagpapasa. The kiddo then sent me a message saying, "sabihin nyo lang po if need nyo ng help". Tamis lang.

Sa totoo lang, nakakapagod parin. Pero bukod sa sweldo, bawing bawi rin ako sa bait ng mga kasama ko sa trabaho. I am more than grateful.

Nag voluntary OTY ako today para tapusin yung ang pag update ng 17 tickets na nasa pangalan ko. Kahapon, 32. Hindi ko na rin nagalaw yung ibang tickets. Bahala na. Sabi nga nung kasama ko, sa hanggang kaya lang dapat.

Mas kalma na ako ngayon. Although a few days ago, or even today, may mga times parin na nakakakaba, nakakataranta that sometimes I feel like smashing the keyboard. Sometimes I feel like crying. And on not so few occasions, I actually did cry. Lol. This girl rarely cries.

Iniisip ko na lang, umiyak din naman ako nung college. Pero kinaya naman. Kaya ko rin to.

Thankful ako sa lahat ng meron ako, at hanggang nandito ako, gagawin ko ang best ko. Pero kahit ganun, one day, yayaman ako enough to the extent na hindi ko na kailangang magtrabaho.

------

Will accompany Mom sa palengke bukas.

Tas sa Friday kukunin namin ang mga gamit ko sa place ko sa Manda. Dapat nung April pa ako naka alis dun kaso inabot ng lockdown. Iniisip ko kung pagbabayarin ba ko ng may-ari sa over 1 month na natengga dun ang gamit ko. Sana hindi. Takte.

Ok lang.

Birthday ng mama ko sa 23rd. Pinayagan akong mag leave ng TL namin. I am happy.

And babaw ng nga ganap nitong mga nakaraang araw. But I feel content. Ang mahihiling ko lang talaga ngayon e safety and protection sa aming buong pamilya, cat and dogs included.

Tapos syempre, siguro, mas maraming marami pera pa. Hehe.


11:02 PMにcinderellaareus によって書かれました。

コメントを書く


* * * *
Login to your account to post comment

You are not logged into your Tabulas account. Please login.

私について

My name is Z. Let's get along :)


ナビゲート

ホーム
アーカイブ
プロファイル
ギャラリー
お友達
Friendsof
お気に入り

メッセージボード



クレジット

レイアウト || zaia
画像1 || R A V E
画像2 || ruffled
パターン || hongkiat
ブロッグホスト || Tabulas
コンテンツ|| zaia


***

Google Analytics Alternative

http://www.hitwebcounter.com/
Counter For Wordpress


adopt your own virtual pet!
online
Online Casinos