Naranasan mo na ba yung sa sobrang pagod mo parang nasusuka ka na?
9 calls, 18 backlogs.
There were days when I had more, pero siguro kaya nahihilo na ko sa pagod e dahil there were times na pinagsabay ko yung chat at call dahil nahihiya akong mag aux dahil konti ang tao namin.
This girl can't multitask.
Ewan. Minsan mejo nakakainis na kailangan ko pang mag sorry pag mag a aux ako e ginagawa ko lang naman ang trabaho ko. Nung mga alas 3 na, kahit walang avail, nag lunch ako kasi mejo nagba black na yung paningin ko sa pagod at gutom.
With the intergration, dumami ang users na sinusupport namin. Hindi ko alam kung may mga nahire na ba, pero sa Japanese, training na daw. Kahit weekends, takte, queuing.
Hindi pwedeng ganito. Ayoko magkasakit. Ayokong maospital ng dahil sa pagod. Hindi ako naglileave kasi kawawa rin yung mga kasama ko sa work na maiiwan para mag support.
Ilang araw na rin akong hindi makatulog. Naiisip ko yung mga tickets na nakapending sakin na hindi ko manlang nagalaw. At yung mga tickets na hindi ko alam kung paano ko ireresolve.
Pero takte, hindi pwedeng ganito. Ayoko paring mag ot.
Nung out ko na, nagtratrabaho pa si kuya. Oty. Sabi ko, "para tayong alipin no? Paid lang. Pero alipin parin."
Hayst.
I dont want to hate this job. I need this job. Dear Universe, please help me.
10:53 PMにcinderellaareus によって書かれました。
コメントを書く