24 tickets today. There are over 40 tickets under my name na di ko pa nagagalaw. Iniisip ko kung kelan ba mauubos ang mga tickets na to. Basta, I will do my best, pero hanggang best lang.
About a week back, I had a mini argument with Robert, who is the sole Japanese speaker na kasama ko sa AM shift. Wala lang naman. Medyo nagulat lang ako kung saan nya napulot yung tibay ng sikmura to ask me kung ilan ang mga Japanese tickets ko. Wala naman akong planong makipag argument. Daming trabaho, sayang oras. Sinagot ko lang talaga yung tanong nya sabay send ng screenshot to show the glaring difference ng productivity naming dalawa. Lol.
Nag message si TL na wag ko na patulan. May long line pa ko ng users na naghihintay to be attended kaya hindi na rin ako nag reply.
Sa totoo lang, nakakainis. Style nya kasi yung pag may pinapa update na ticket sa kanya, di nya pinepending sa name nya. Update lang talaga. Kahit Japanese pa yung ticket. Di rin ako magtataka kung bakit kahit off ko may mga ticket endorsement parin sakin, kasi alam ko naman na hindi talaga sya maasahan.
He works sa office now. Stable ang internet connection at may working actual Avaya phone pero andami nya paring reklamo na parang sya pa yung dehado kaya halos hindi nya ginagalaw yung mga ticket na nasa pangaan nya.
Before Converge came, I've been using may cp's data para i-connect ang office pc ko sa internet. Pahirapan kumuha ng signal bago maka connect sa Avaya at madalas pa ma disconnect. Pero kahit ganun, hindi naman bumaba ng ganyan ang productivity ko.
Pero ok lang. I refuse to surrender my peace. Ayokong idagdag si Robert sa mga problema ko sa buhay.
I'd do my job. Same strategy. Hanggang kaya lang.
--------
An extension to our house is being constructed for a week now. May naging problema sa bubong and we had a mini argument over it kaya ang bahay namin na dating puno ng kulitan at tawanan e tahimik at wala nang kibuan. But I know we will get past this.
We could've prevented all this from happening kung nag drawing lang sana ako ng plano para sa ginagawang kusina. Pero pagod kasi ako sa trabaho at 2 days nga lang ang pahinga ko para magawa yung mga bagay na gusto ko, tapos nag do drawing pa ko?
Nakakainis lang we know very few competent workers who can replace. Lahat nasa malalayong lugar pa.
But again. I refuse to surrender my peace. We'll just do what can be done, then let the problem fix itself.
--------
Red alert today so there is this hammering pain in my lower abdomen. Kung ako masusunod, ayoko talagang pumasok. Kawawa lang rin kasi yung kasama ko sa trabaho today. 3 persons lang kasi ang agents pag weekend ng umaga. Pag Saturday nga, 2 lang kami. Kung sakin kasi mangyayari na ako lang mag-isa ang maiiwan mag susupport, iiyak siguro ako. Lol.
Pero kung si Robert siguro ang kasama ko, aabsent ako kahit weekend. Char.
--------
Andaming mahirap na ticket these days. Iniisip ko nga kung naging IT ba ang course ko at hindi Civil Engineering nung college, magiging mas madali ba para sakin to?
Pero di ba, nakakagawa nga ko ng Tabulas template without any knowledge in html, so siguro my future naman ako kahit paano sa trabahong to? Lel.
Andaming ginagawa. Ilang ticket kaya ang ibibigay sakin ni Divya bukas? Di ko pa nga nagagalaw yung iba.
--------
Pahihigpitin pa ang MECQ sa SJDM starting tomorrow. May announcement pa nga ang baranggay kanina. May liquor ban, mandatory na pag gamit ng face shield, curfew, bawal lumabas ang senior at bata, etc, etc.
Ok lang. At least mapipilitang hindi lumabas ng bahay ang mga magulang ko.
As long as I still have the people I care about, kahit ano pa yan, kaya ko yan.
10:12 PMにcinderellaareus によって書かれました。
コメントを書く