Nalulungkot pa rin ako na wala na sa company si TL D. Kahit mahirap ang buhay trabaho ko nung nasa night shift ako, it was so much more bearable to go to work knowing na makikita ko sya dun. Nung nag start ang work from home, kahit i-seen nya nga lang message ko sa GC sumasaya na ko. Lalo na pag nag cha chat sya. Or yung minsang tumawag sya para i-setup yung Avaya ko.
Nalulungkot ako. But I'm training myself to learn how to live with the sadness na resulta ng mga bagay na I can't really control. Na ok lang yung minsan malungkot ka kasi normal na reaction naman talaga yun.
You see, I'm not really expecting anything from this man, you know. He's married with a kid. I'm totally fine with just looking at the guy from afar as it makes my day a whole lot tolerable when he's there.
Tapos ngayon, wala na sya.
At kahit siguro isantabi ko pa ang pagtingin ko sa taong yun, bilang parte ng team, alam kong malaking loss ang pag alis nya samin.
Hindi ko alam. Ano bang gagawin ko?
Also, today nalaman ko rin na nag resign na rin si Eric. He's one of the very few genuinely nice men I know. Sobrang bait ng batang yun. Sabi ko nga sa kanya, if hindi nya bet yung malilipatan nya e balikan nya kami.
Tokwa, nakakalungkot.
----------
Andalas ng pag ulan nitong mga nakaraang araw. Nalulungkot din ata ang langit.
08:56 PMにcinderellaareus によって書かれました。
コメントを書く