Woke up with bad colds, heavy head and nonstop cough. 2nd week palang ng taon nakadalawang absent na ko. Feeling ko, gumagawa lang ng dahilan ang katawan ko para makatakas sa trabaho.
Naiirita ako sa JP user na ina assist ko nitong mga nakaraang araw. Kung tutuusin, mabait naman sya. Nakakainis lang na araw araw syang nagpapa remote ng PC. Kahit na fix na yung initial issue, iimbento sya ng bagong issue na dapat i-fix. Feeling ko ginagawa nya na akong personal IT.
I gave him the final instructions yesterday, then closed the ticket. Sabi ko tawag nalang sya ulit kung may issue pa. Nung nag reply sya, nagpaparemote pa rin kaya hindi ko na pinansin. Na resolve na yung initial issue, at yung mga sumunod. Kung ia-assist ko pa sya, hindi na kami matatapos kaya, bahala na.
Sabi sa records, associate director daw to. Tokwa, bahala na talaga.
....
Nalala ko yung sinabi ng classmate ko nung high-school:
Gusto ko grumadweyt, ayoko na mag-aral. Gusto ko lang makipag kwentuhan sa inyo at maghappy happy.
Sa tingin ko ganito yung nararamdaman ko sa pagiging empleyado:
Gusto kong sumweldo, ayoko nang pumasok, gusto ko lang yumaman at mag happy happy.
Nung bata pa ko, I remember wanting to prove myself to the world. Ngayon, ewan ko. Parang gusto ko nalang yumaman. Or siguro, gusto ko lang maging malaya.
11:49 PMにcinderellaareus によって書かれました。
コメントを書く