Grabeng pakikibaka sa work kanina. I sometimes feel like I'm holding on to the last strands of my sanity. Pagkatapos ng tabaho, dami pa gagawin, ie., makipaghabulan sa mga kuting para pilitin silang uminom ng gamot.
Nakakaaning. Pagod na ko. Pagod ka rin ba? Tokwa.
Iniisip ko nalang, as long as my loved ones are here, and we still have food to eat, then the heck with everything else. Kahit ano pa yan kaya ko yan.
--------
Bad trip pa ko sa isang kasama ko sa trabaho na gustong makipagpalit ng shift sakin. Kainis yung reason, hindi kapanipaniwala. May PTA meeting? Weekly? Ano yun walang trabaho lahat mga parents sa school ng anak nya. Tsaka nadun naman asawa nya. Kesyo nasa Manila daw, e online naman lahat ng meetings ngayon. Lol. Balakajan. Hahaha. Ganda ganda ng shift ko, ayoko makipagpalit. Ang tagal kaya nilang di nag calls at pumetix, tas ngayong babalik na sya para mag calls ulet, gusto nyang may shift sya sa weekends dahil konti calls dun. Neknek nya. Lol.
Tsaka bad idea na ilagay yun sa weekends. Sigurado pepetiks yun dahil wala bantay. Kawawa makakasama nya sa weekends. Feeling ko the best na talaga tong ganitong setup. Ewan ko lang kung papayagan sya ni TL. Bahala na.
--------
Hay... ang hirap nitong mga nakaraang araw, Universe.
06:30 PMにcinderellaareus によって書かれました。
コメントを書く