土曜日. May 15, 2021

Saan punta?

Dissatisfaction. Eto ata ang nararamdaman ko today. Maybe the same for these past years.

Pinanood ko ulet yung Slam Dunk. Hindi ko kasi yun nakompleto at paunti unti lang ang napanood ko dahil ata sa school. 70ish eps out of 101. Naalala ko ulet kung bakit ko pinangarap na matutong mag japanese at magpunta sa Japan. Tagalog dubbed yung pinanood ko. May mga part na naka Japanese at hindi naidub at wala ring subs. Nagbunga rin siguro ang mga pangarap, dahil naintindihan ko naman. Pati yung konting mali sa translation ng nakasulat sa title, nababasa ko rin. Olrayt di ba?

Nakakamiss yung mga panahon na meron pa akong pangarap. Yung seryosong pangarap talaga. Tipong handa kang isugal lahat pag nakakita ka ng opportunity na matupad yung pangarap mo.

Naalala ko dati, kaya ko gustong gusto ang mga anime kasi naiinspire akong mangarap at maging better. Gayang ngayong nanonood ako ng slam dunk. But it's so much different now though.

What can a 36 year old woman dream about?

I, too, had my own glorious days, you know. Hindi kasing dramatic ng pagkakapanalo ng Shohoku against Shoyo, but maybe a little close. What's even better was that they were real.

Saan ba nanggagaling ang dissatisfaction na ito?

Apparently, hindi pala talaga sa pera nasusukat ang success ng tao. Ang daming factor e.

Masaya ka ba sa ginagawa mo?

Masaya ba ang relationships mo?

Dama mo bang kapakipakinabang ka?

Napupunan mo ba financially ang mga pangangailangan mo at ng mga tao o bagay na mahahalaga sayo?

Siguro pag 'oo' ang sagot mo sa lahat ng ito, successful ka na ngang talaga.

Umupo ako nung isang araw para mag compute.

4% p.a. interest

12% tax (sa computation ko, nasa 15% ang totoong bawas).

Ilan ang need kong iinvest para magkaron ng kita mula sa interest na katumbas ng sahod ko para di na ko magtrabaho.

37M ang sagot. Kahit itabi ko pa kalahati ng sahod ko every month, it will take me 77 years para maka ipon ng 37M. Lol.

Hindi talaga investments lang ang sagot. Kailangan ko talaga ng cash flow.

Hindi rin siguro worth it na magtipid buong buhay mo. Ni hindi mo nga alam kung hanggang kelan ka mabubuhay. And for the same reason, ang sakit siguro to spend your life doing things you don't like to do just to earn money.

Ito ba yun? Yung source ng dissatisfaction? Hindi ko alam. It could also be my relationships. That department is in a really bad state at the moment.

Para ang poorly managed ng buhay ko these days.

------

Nilipat ng TL namin ang work sched ko sa 6AM-3PM. Starting on Monday daw. Magugulo ang rhythm ng buhay namin ng mga alaga kong pusa. Sobrang aga. Bahala na.

Ano bang gusto kong gawin? Nung bata pa ko, siguradong sigurado ako sa mga bagay na gusto ko.

Makagraduate ng 5 years lang without extension sa college.

Makapasa sa board exam, 1 take.

Matuto ng foreign language.

Pumunta sa Japan.

Early 20s nung matupad ko lahat ng mga pangarap ko. Hindi madali. Hindi joke yung hirap na pinagdaanan ko, at ang daming beses din akong umiyak. Pero naalala ko na those days, ganado akong bumabangon kahit alam kong magiging mahirap ang araw na haharapin ko.

Kaya ba ko naiinis dahil masyado nang madali ang lahat? 

Hindi naman sa madali. Nahihirapan din naman ako sa trabaho. Ewan ko ba.

Siguro gusto ko lang ng direksyon.


11:55 AMにcinderellaareus によって書かれました。

コメントを書く


* * * *
Login to your account to post comment

You are not logged into your Tabulas account. Please login.

私について

My name is Z. Let's get along :)


ナビゲート

ホーム
アーカイブ
プロファイル
ギャラリー
お友達
Friendsof
お気に入り

メッセージボード



クレジット

レイアウト || zaia
画像1 || R A V E
画像2 || ruffled
パターン || hongkiat
ブロッグホスト || Tabulas
コンテンツ|| zaia


***

Google Analytics Alternative

http://www.hitwebcounter.com/
Counter For Wordpress


adopt your own virtual pet!
online
Online Casinos