Work now. Relatively unbusy. In less than two hours, out na ko.
I miss my girl-friends from TM. Though we're still very active in group chat, nakakamiss na makasama sila sa mga TM-related adventures. Namimiss ko sumali at manood ng contest. I miss meeting new people. Parang ang interesting ng mga taong nami meet nila all over the world, now na naka online meeting na ang lahat. Ang pogi nung crush ng isa sa mga friends ko na TM from Japan. Single daw ata. Ayiiii!!!
Naalala ko tuloy si Saito. Una ko syang nakilala sa office pantry sa Main office namin sa Chiba. Nilalaro nya kasi yung bola nya ng soccer tas tinamaan ako sa paa. After nun nakipag kwentuhan na. Pogi kamo nun. Takte, ang dami kayang pogi sa kanila. Mejo nayabangan lang ako kay Saito kaya hindi ko sya siguro naging crush. Physically, sobrang perfect ang beauty nya sa taste ko. Si Shibuya-san ang naging crush ko non. Hindi sya kasing pogi, pero ang bait nya at mejo mahiyain. Kay Murakami-san ako madalas tuksihin ng lahat. Mejo naawa na nga ako sa taong yun. Sobrang lakas kasi mang asar ng mga kasama ko. Kamusta na kaya sila?
Ang tagal na panahon na pala ang lumipas. Ang dami nang nangyari. Nakakatuwa na ang dami paring magagandang memory na naiwan, kahit na yung mga tao na nasa memory ko, hindi ko na nakikita pa.
Gusto ko sana mag TM ulet. Kaso kahit wala akong pasok ng Friday, sobrang aga ng pasok ko the following day. Kaya ko naman magpuyat. But the cats sleep in my room. Kinukulong ko sila sa kwarto ko around 6pm tas lights off na by 8pm. Nakakaawa kasi pag nagbukas ako ng pinto sa umaga, tas humihikab pa sila. Sobrang nakakaawa. I want them to have enough sleep. Though they're bigger now, they're still kittens. Siguro may workaround naman. Bahala na. Mag-iisip ako.
Hayst. Nabobored ako. Kailangan ko ng konting challenge.
02:31 PMにcinderellaareus によって書かれました。
コメントを書く