土曜日. June 26, 2021

Btw

Saturday and I'm back to work.

I hate how I feel about it. I mean, I've got a good job that pays me well. The job itself is not so bad. Hindi ko alam kung anong iniinarte ko. Bahala na.

Gusto ko nang yumaman. Mayaman enough to never work anymore.

-----

Kulit ng panaginip ko kanina. Nasa school ako. May exam daw. Math. Keber daw sakin kahit late dahil magaling naman ako sa Math. Promise, hindi ako ganun ka arogante nung nag aaral pa ko. Hindi ko na natapos yung test, nagising na ko.

Tingin ko, math lang yung  bagay na kaya kong pag trabahuhan nang hindi iniinda ang hirap. Nung bata pa ko, akala ko gusto kong magsulat. Pero twing nagsusulat ako, dama kong pinipilit ko lang angbsarili ko. Hindi ganun pag math e. Siguro magugustuhan ko rin ang chemistry. Hindi lang kasi kami nagkaroon ng pagkakataong magkakilala ng lubusan. Distracted ako sa cocc nung hs, nung college naman, walang kagana gana yung teacher ko dun.

Kung yumaman nga ako to the point na di ko na kailangan magtrabaho, anong gagawin ko sa buhay ko?

Gusto ko matry mag work sa hotel. Kahit yung sa reception lang, or taga serve ng food sa dining area, ganun. Lol, anlabo talaga ng mga trip ko sa buhay.

-------

Ang haba ng Naruto. Season 8 na ko. Mukhang di kompleto yung nasa Netflix. I already found the rest elsewhere. Pati mga movies. Iniisip ko pa if panonoorin ko yung boruto. Dun ata madededs si naruto. Huhu. Sana fake news lang.

Grabe ang tibay ng gumawa ng series at manga na to, no? Great job, though.

-------

Ano bang gagawin ko sa buhay ko? I need this job. I need money. I don't think I'll ever find another company who will pay me this much. Hindi native level ang Japanese ko at wala ring background sa IT. Sinwerte lang talaga, di ba?

Alam ko namang malaking blessings to for me. I'm truly grateful. Naiinis din ako na nararamdaman ko to.

Tokwa. Help me, Universe. Penging passive income na 2 million pesos per month, please!

-------

May sakit na naman ang isa sa mga cats ko. Bringing her to the vet today after my shift. Wala kasi yung vet kahapon. Private vet to dahil maaga ang public vet. Di na kami aabot. Wala pala akong pera. Mehehehe. I rarely keep cash. Nanghihinayang ako mag withdraw from gsave. Sayang interest. Sana sapat na ang 500.

Sana ok lang ang pusa ko. I don't really trust private vets. They all seem to be after the money instead of the animal's welfare. Kainis. I wish I can send my Iya to the city vet. They have better facilities there.

Mag aral nalang kaya ako mag vet? There will be no safer hands for my cats than mine, di ba? 


07:02 AMにcinderellaareus によって書かれました。

コメントを書く


* * * *
Login to your account to post comment

You are not logged into your Tabulas account. Please login.

私について

My name is Z. Let's get along :)


ナビゲート

ホーム
アーカイブ
プロファイル
ギャラリー
お友達
Friendsof
お気に入り

メッセージボード



クレジット

レイアウト || zaia
画像1 || R A V E
画像2 || ruffled
パターン || hongkiat
ブロッグホスト || Tabulas
コンテンツ|| zaia


***

Google Analytics Alternative

http://www.hitwebcounter.com/
Counter For Wordpress


adopt your own virtual pet!
online
Online Casinos