August 2. Monday. Nakakatamad magtrabaho.
Ang work ko during weekends e petiks lang. parang extension ng rest days. Kung tutuusin, 3 days lang naman ako totoong nagtratrabaho. Hirap na hirap parin akong pilitin ang sarili ko.
Alam mo yung feeling na ayaw mo na magtrabaho, pero ayaw mong mawalan ng trabaho?
Syempre, kailangan ko ng pera.
Sick ang nga cats ko ngayon. Sinisipon silang tatlo. Iniisip ko kung magha halfday ako today to send them to vet, kaso I have to contact a user at 530 later. Nakakakaba pag may sakit ang mga hayop. Hindi ko kasi alam kung ano ba masakit sa kanila. I also don't trust the vet here. She doesn't seem to know what she's doing. Wala lang kasi talagang choice. Sya yung malapit e.
Nakakatamad.
Started watching Boruto. Over 10 eps na. Mejo nakakainis na mukhang weakling si Naruto dito. Tas si Shikadai, hindi kasing galing ng tatay nyang si Shikamaru. Pero siguro kasi 1st few eps palang naman. Maybe the characters will still develop over the next eps. Nakakalungkot din na parang hindi masyadong close ang ino-shika-cho ng generation na to. Though I really love Ino's son, Inojin. Mana sa papa nyang si Sai. Ang cute cute nya. Also Lee's son. Ang ku cute nila.
Alam mo bang kahit sa panaginip, nakikita ko ang Konoha. Lol.
------
Gusto ko na yumaman, para di ko na kailangan mag trabaho. Ano bang gagawin ko?
11:57 AMにcinderellaareus によって書かれました。
コメントを書く