Relatively petix at work on a Wednesday. Baka mamaya pa dumating ang calls pag work hours na sa India.
Over 100 eps in Boruto, I'd probably spend my rest days watching.
Ang cute ni Mitsuki. Sana magtuluyan sila ni Chocho. I understand why a lot of people hate this anime, but I think it is because we love Naruto so much, we want Naruto and his friends to keep shining even on Boruto. Pero kasi, if gagawin yun ng writer, maa outshine talaga ang tunay na bida sa next generations e.
Sumulat kaya ako ng sarili kong anime?
Lol. I can't draw. Maybe I can. Pero nakakatamad e.
----
Spent over twice my usual spending this cut off. Cat food lang naman ang madalas kong pagka gatusan. My cats live on wet food alone, and they seem to know the difference between cheap and expensive brands. Hindi nila kinain yung mas murang cat food na binili ko galing China. And "mura" means less than 40 pesos apiece, which is not mura at all. Sayang. T_T
A few days back, nakakita ako ang super cute na kuting sa kalye, tilapia color, which I really like. I was carrying my cat, Iya, then, and we were on our way back home from the vet. Meow ng meow yung tilapia kitten at sinusundan kami. If I was with Mom then, she'd probably pick up that kitten and bring it home.
Saludo ako sa mga taong nag rerescue ng mga kuting. Totoo namang nakakaawa. Hindi ko parin kinuha yung pusa because I have to think of my own cats' welfare. I mean, if you have children, you won't go around picking street kids to bring home with you, di ba? I do feel sad about the choice I took. I don't have an excuse. I still wish na sana may nakakita sa kuting na yon na mas mabuting tao kesa sakin.
----
Iniisip kong bumalik sa TM para magkaron ng konting saysay ang pandemic days ko. Kung babalik ako, dapat by October para sakto sa renewal. Pero kasi, aabot sa election ng officer ang membership ko if so. Natatakot lang akong ma elect. Maybe I won't, since maraming mga new member na hindi ako kilala. Pero kahit ganun, mahirap paring ipagsapalaran. I still remember how I felt the last time I've been an officer. Ayoko na bumalik dun.
But I do want to take this chance to meet people from other countries. It's now possible to attend meetings from around the world bilang online na ang meetings. Maybe I can join another club. Pero kasi, kahit sagad sa buto ang pag-ayaw ko sa pagiging officer, family parin ang tingin ko sa Elite. If I'm to go back, I think it has to be Elite. Pero iniisip ko kung practical bang maging emotional about things kung magiging hadlang lang yun sa goals ko.
Jay once invited me to join her club. Maybe I can join her club instead. Pero baka i-push nya akong gawing officer. Yun lang naman talaga ang issue ko. Gusto ko lang maging normal na member. Ayoko na ng dagdag na responsibilidad. Hindi ba talaga pwede yun? Posible rin na baka praning lang ako.
Another option is to wait for the election before I renew. Kaso next year pa yun. Baka tapos na ang pandemic. Sa totoo lang, namimiss ko na ang TM. Pati mga friends ko dun. Pero hindi ko parin ma shake yung umay feeling twing naiisip ko yung mga days na officer pa ko. Trauma ba to?
Marunong pa kaya ako mag speech? Namimiss ko na sumali sa contests.
----
Nung isang gabi, nanaginip ako ng naka recieve daw ako ng mga regalo. Ang pinaka gusto ko raw e yung rubber shoes na blue kasi sakto sakin ang size. Size 9. Dun sa dream, mas gusto ko daw sana yung pink, pero nagustuhan ko parin yung blue rubber shoes. I also received a pink one daw, kaso sobrang laki sakin.
Tas biglang nasa loob akong ng bahay na parang model house na napuntahan namin before. Tas nandun si Konohamaru.
Then, just 2 nights back, napanaginipan ko si Partner. Funny, the following day, nakita ko yung kakilala nyang hapon sa Eat Bulaga. Foreignoys ata ang nasa bawal ang judgemental. I wonder if Partner was also there. Hindi ko napanood lahat e. He'd already joined that segment a number of times already though.
Hindi ko matandaan ang panaginip ko kagabi.
Teka, 1st break ko na. Jaaa.
10:55 AMにcinderellaareus によって書かれました。
コメントを書く