Isang malalim na buntong hininga. Hayssssst.
Naiirita ako sa maraming bagay. Ayoko nang maging corporate alipin. Kung tutuusin, wala naman talaga ako sa posisyon para mag reklamo, pero basta. Ayoko na nang ganito.
Yung kasama ko sa work, magtatayo na ng business kasama ang mga friends nya. Nag suggest sya sakin na mag stock market daw ako. Lol.
I do have money invested in stocks. I religiously set aside nearly 1/4 of my salary there every cut off. Though its growing naman, it's still very slow, and I'm still at the mercy of the market's performance. May pera rin ako sa lending. 5-10% per annum na interest. Again, it's also very slow. Same with gsave at 4% p.a. Nagastos ko pa a huge chunk of my savings to pay for my laptop. Bawi nalang ulet.
I also sell cat food. I can sell out about 1 sack in 3 weeks. Nasa 600 lang ang kita ko per sack. My cats consume 500 pesos worth of cat food per day. Yes, PER DAY.
Sahod ko parin ang main sourcce of income ko. I want to find a way to earn on the side, then eventually eliminate the need to work as an employee.
Binuhay ko ulet ang shop ko sa shoppee. Few hours after kong mag post, wala pa ring bumibili kaya napanghinaan kagad ako ng loob. Lol. Ang bilis mapanghinaan ng loob, parang engers lang. Sighs.
Ewan ko.
------
Release na ng bagong ep ng Boruto. Takaw oras pala mag add ng product sa shoppee, hindi na tuloy ako nakapanood. Nalaman ko rin na meron palang onepiece sa VIU. Hindi ko na kailangang pahirapan ang sarili kong manood sa Facebook. Mehehe. Meron din palang Slam Dunk dun, but I already finished Slam Dunk.
I just want to live an easy life. Nood ng anime, play with cats, attend ng learning events na interasado ako. Mga ganun lang naman ang gusto kong gawin sa buhay ko. Kaya ko naman gawin yun ngayon. Pero kasi....
Gusto ko maging malaya.
05:51 PMにcinderellaareus によって書かれました。
コメントを書く