I learned that a former colleague attempted suicide.
I remember she was a sweet bubbly girl. Pretty smart. Suma Cumlaude in UP. She got accelerated twice when she was a kid, kaya bata pa grumadweyt. Bata pa.
She lost her mom March this year. Sabi nya best friend nya daw ang mom nya. Mukhang depressed pa rin until now.
Sa perspective ng taong tulad ko na walang kinalaman sa nangyayari, naisip ko na sayang sya, matalino sya, bata pa, at may bright future pang naghihintay sa kanya...
Pero kung iisipin...
Pag nawala na yung reason mo to keep on living... ano pang point no? Pano mo maiisip na bright ang future kung wala na dun yung taong gusto mong kasama sa future na pinangarap mo?
Iniisip ko kung tatawagan ko ba si former officemate. Anong sasabihin ko. Kung ako kasi ang nasa kalagayan nya, baka maisip ko rin na best option ko e sumama na sa mama ko.
Anong words of comfort ba ang pwedeng i-offer to someone who's falling apart? Siguradong masakit e. Siguradong mahirap. Madali lang sabihing "wag sumuko", but how about the pain that the sufferer has to live with everyday? Parang sinasaksak sa dibdib mo araw araw, pero "sige, go lang, kaya mo yan. Don't give up."
Tsk. Bullshit.
Hindi ko talaga alam sasabihin ko e.
*isang munting prayer na sana malampasan no rin yan, Former Officemate. And, kung totoo ang Diyos, sana tulungan ka nyang bitbitin ang sakit ng loss na nararamdaman mo. Isang mahigpit na yakap.*
01:15 PMにcinderellaareus によって書かれました。
コメントを書く