Wednesday. Excited na ko matulog maghapon bukas at sa Friday. Mejo ok na ang pakiramdam ko kahit may ubo pa rin at wala paring pang-amoy.
Pero gusto ko pa rin mag rest. Siguro may halong katamaran na rin. For other people's safety rin naman ang di ko paglabas. I could have it, you know.
We plan to get vaccinated pag magaling na kami. Gusto ko magpa swab muna before vaccine. Sana covered ng card.
Magkano nalang kaya ang sasahurin ko next cut off? Kung hindi ako bumili nga laptop, mas marami siguro akong pera ngayon. Bumili rin pala kami ng ref. Nasira kasi yung ref. I still have money from investments, ayoko lang kasi talagang galawin muna.
Tumaas ang Globe sa stock market. Nung pumalo ng 60% ang kita ko nagbenta ako ng lakahati. With this stock alone, 2x na kong kumita ng tig 400 pesos this year. Hindi mo kikitain yan with the same amount kung naka tengga lang sa bank ang pera mo. Kaya I really love stock market. 2000 ang pinakamalaki kong kinita sa dividends palang. MBT. Favorite ko talaga yun dahil sobrang laki nila magbigay ng dividends.
Gusto ko na yumaman.
Gusto ko magkaron ng 3 million pesos bago matapos ang November 2021, para makabili na ko ng lupa at makapagpagawa ng sarili kong bahay.
Tapos gusto ko magkaron ng net passive income na 200,000 pesos per month.
Magpapatayo ako ng apartment for rent. Palalagyan ko ng ad space for lease. Tas pag hindi ako masyadong tinatamad, gusto ko mag franchise ng gasoline station... or courier service siguro.
Tapos, pag stable na ang kita from rental at business, magreresign na ko sa work... hopefully bago matapos ang 2022.
Sobrang pangarap ko talaga to.
Yung ipapagawa kong bahay, 2 storey rin. Same kwarto pa rin kami nila mama. May sariling kwarto ang cats, tas another kwarto for my work station tsaka lalagyanan ng damit.
Syempre may garden para sa mga halaman namin ni Papa. Tas may car...yung 8-seater para sakaling mamasyal kami kasama ng mga pamangkin ko. kaso kailangan ko rin ng driver.
May malaking terrace sa second floor. Portion of which, lalagyan ko ng bubong na see-through para tatagos pa rin ang araw. Para pag nagsampay ng damit, hindi na kailangan ipasok kahit umulan.
Dalawang malaking cr na parehas may hot shower. Tas may cr din sa room ng cats para mabilis i flush yung cat litter.
May open space sa 2nd floor na paglalagyan ng exercise equipment.
Malaki at organized ng kitchen. Sa dining area, glass walls, kita yung garden sa labas.
Dalawang tv lang. 1 sa sala at isa sa kwarto nila mama. Sa bahay namin ngayon, may tv sa kusina, sa 2 kwarto, sa tindahan at sa sala. Sa totoo lang, hindi ko gets bakit kailangan ng napakaraming tv.
Dapat may electric fan sa mga banyo.
Tas lahat ng section ng bahay, may relo. Pati sa banyo dapat may relo.
Magpapagawa rin ako ng tindahan para di ma bored si mama.
Tas malawak na cage for my dogs, Mihan and Kilay. Yung pwede sila mag jogging. Siguro room nalang sa labas. Basta di kasya ang mga cats, baka magulpi sila ng dogs.
Promise, araw araw akong maglilinis ng bahay. Or pag tinatamad ako, maghahire ako ng maglilinis.
Gusto ko matupad to.
------
Sarado parin ang shop ko sa Shopee. Paano ba ko kikita ng limpak limpak na salapi?
11:17 AMにcinderellaareus によって書かれました。
コメントを書く