土曜日. September 25, 2021

Lupa

Saturday. Back to work. Nakakatamad, pero kailangan kong kumita.

Ang bilis tapusin ng squid game. Nanood lang kami ni mama the whole day kahapon. Binida ng pamangkin kong 6 years old na napanood nya rin daw. Naalala ko yung scenes na parang di nya pa ata dapat makita. Haha. But I'm sure her parents must've fast-forwarded that scene naman siguro.

Ang cute cute talaga ng pamangkin ko. Mamimiss ko sila pag lumipat na kami ng bahay. Pero around sjdm lang naman kami. Madali naman kaming makakadalaw, if ever. 

Sana matupad ang mga pangarap ko. At sana nandyan parin ang mahal ko sa buhay so I can enjoy living my dreams with them.

----

Nanganak pala ang isang friend ko. Baby no. 2. Parang kailan lang, pangarap lang nyang magka baby. Ngayon, naka dalawa na sya. Nag positive sa swab test ang friend ko..muntik na syang di tanggapin sa hospital nung manganganak pa lang sya. Pinaglaban ng asawa nya. Pulis din kasi. Sabi ng friend ko, ganun daw ang lalaking hanapin ko, yung kaya akong ipag tanggol. Lol. Loko talaga yung friend ko. May Covid na nga sya, love life ko parin inaalala. Lol. 

Hindi nya mapa breastfeed ang anak nya ngayon. At yung isa nyang anak na baby pa rin, iniwan nya muna sa nanay nya. I'm glad that my friend seems to be all positive kahit nagpositive sya sa covid. Pero sana gumaling na sya.

Si Indian din, kapapanganak lang sa baby no.2. Tapos namatay pa 2 siblings nya dahil sa covid. Ang alam ko 5 lang sila magkakapatid. The other 2 namatay na years back. Mag-isa nalang si yata si Indian.

Ang hirap ng buhay ngayon. Hindi ko alam kung wise bang mag buntis. Nag-aalala ako sa nga friend ko.

-------

Over breakfast kanina, I was happily talking about my dreams sa parents ko, and mom was like, "bago yan, intindihin mo e paghahanap ng mapapang-asawa".

Ewan ko ba. Pwede bang wag na? Masaya ba talaga? I wonder if the married people who encourage me to get married actually mean it. Feeling ko kasi they're just doing it out of habit, but I'm not really sure if they really like being there...being married, ganun. 

Kailangan ba talaga?

Pag nawala ang parents ko, mag-isa nalang ako. But I can't name a person I want to be with for the rest of my life e.

Sabi ng mama ko mag anak nalang daw ako. Takot ako maoperahan. Iniisip ko rin pag nagka anak ako, walang takas sa ganun kalaking responsibilidad. Bukod don, sa lahat ng nangyayari sa mundo, gusto ko ba talaga magdagdag ng human na magsa suffer kasama ko?

Ewan ko. Gumagana kaya tong matris ko? I don't even know.


01:14 PMにcinderellaareus によって書かれました。

コメントを書く


* * * *
Login to your account to post comment

You are not logged into your Tabulas account. Please login.

私について

My name is Z. Let's get along :)


ナビゲート

ホーム
アーカイブ
プロファイル
ギャラリー
お友達
Friendsof
お気に入り

メッセージボード



クレジット

レイアウト || zaia
画像1 || R A V E
画像2 || ruffled
パターン || hongkiat
ブロッグホスト || Tabulas
コンテンツ|| zaia


***

Google Analytics Alternative

http://www.hitwebcounter.com/
Counter For Wordpress


adopt your own virtual pet!
online
Online Casinos