Apektado talaga ko T_T.
If Leni will not run for President, then my hopes for a brighter future for the Philippines, wala na.
It was during the Vice Presidential debate in 2016 that I decided to vote for her. Hindi ko naman talaga sya kilala. Naisip ko pa nga non, "sino yan? Bigla nalang susulpot, tas VP kagad?"
Ang alam ko lang dati e asawa sya ng politiko na namatay sa plane crash.
It was her line, "pagsisilbihan ang mga nasa laylayan ng lipunan", that made me vote for her. For some reason, she ended up winning.
Ayon sa constitution, ang trabaho ng isang VP, basically, e to replace the president in case di nya na kayang mamuno, or kaya ma deds sya, or ma impeach. Kaya siguro hindi ko masyadong nadama ang existence ng mga previous VPs e dahil kasi nga naman, pagiging backup lang talaga ang trabaho nila.
But Leni was different.
Sa bawat national calamity, isa sya sa mga unang rumeresponde. Mapa bagyo, baha, putok ng bulkan, at kahit nung nagka problema sa Marawi, isa sya sa mga nauunang magsagawa ng relief operations. Isa syang napaka busying Bise.
Lalo syang nag shine nang nagka pandemic.
Nung nag struggle ang frontliners sa kakulangan ng PPE, nanawagan sya sa mga local designers to produce PPEs, and they provided PPEs to the frontliners.
Nung kasagsagan ng travel ban at nahirapang pumasok sa trabaho ang mga nurses at doctors, nagprovide sya ng shuttle services para sa frontliners at emergency workers.
Nung nakita nya ang need to expand COVID testing, nagtayo sya ng Swab Cab.
Nung nagkahirapang humanap ng hospital ang mga may sakit, tinayo nya yung E-Konsulta.
Ngayong kailangang maparami ang nababakunahan, gumawa sya ng Vaccine Express.
She did all these kahit hindi parte ng kanyang job description.
It was 2003 when I became eligible to vote. Nakasanayan ko nang hindi umasa sa mga politiko. Naging normal na sakin ang mga so-so na serbisyo—kung may serbisyo man at all. Pati na mga pangako na di naman talaga natutupad.
Pero kay Leni, nakita ko kung anong hitsura ng totoong public service.
Ang Office of The Vice President ay ISO certified for their office's quality management system. That is INTERNATIONAL level of standard.
Hindi rin sya pahuhuli pag dating sa transparency. Matapang nyang dinidisclose ang figures sa mga natatangap nilang donations sa Angat Buhay project at sa kung paano nila to ginagastos. 3 consecutive years nang HIGHEST rating ang natatanggap nila sa Commission on audit. She has a clean record in public governance. Nahihirapan akong mag-isip kung meron pa bang ibang tulad nya.
Hindi ko maisip kung bakit sinusulong ng mga tao si Bongbong Marcos. Ang kasalanan daw ng ama ay hindi kasalanan ng anak. Pero ang achievement ng ama, pinalalabas nilang achievement ng anak.
I checked what he had achieved nung nasa senate pa sya. Meron naman, pero hindi ganun karemarkable. Nasangkot pa sya sa pork barrel scam, at may commission on audit suit pa sya for plunder.
Si Leni ay kama, si Bongbong ay putik. Bakit ba natin pinipilit bumalik sa pagkakalugmok sa putik?
Leni seems to be thinking of giving way so long as it will prevent Marcos and Duterte to go back to power. Bakit kailangan natin mag settle sa lesser evil if the heaven-sent, Leni, is already here naman?
Ewan ko. Bahala na.
04:15 PMにcinderellaareus によって書かれました。
コメントを書く