Kaya mo bang ispend ang isang buong araw na hindi nagrereklamo.
Kaya ko to back in the day. Petiks naman kasi ang work ko noon. Pero ngayon, bwisit na bwisit ako sa ilan sa mga kasama ko sa work.
May admin issue daw kaya pag may ticket na need ng admin, papasa samin? Wow!
I had an admin issue before and it got fixed in less that 48 hours. Kahit wala pa akong admin, nakagawa naman ako ng paraan. Yung isang kasama ko na may admin issue, tinulungan pa nung isa kong kasama to get it fixed. Mali mali kasi ung request na sinasubmit kaya di naayos. Yung TL at SME namin, hinahayaan lang na yung agents e may admin issues. Ano kaya yun?
Ang toxic ko na siguro sa paningin nila dahil panay ang reklamo ko. Minsan naiisip ko rin na baka ako na pala yung mali.
kainis pa, pag check ko nung KB sa ticket, di naman need ng admin. Sya mismo nag attach nung KB. Nasabi ko tuloy kay TL na parang para paraan nalang lagi nyang ginagawang excuse na wala syang admin. TL is still neutral about it.
Ako ba yung mali? Posible. Naiirita talaga ko. Alam ko, there are bosses and officemates out there who are so much worse. Hindi naman ako galit sa kanila. Ayoko lang talagang i-tolerate.
Surprisingly, I feel a whole lot calmer after writing this. Salamat, Tabulas.
Ang hirap kumalma these days.
------------
Nalock ako sa loob ng banyo the last time. Sira yung knob. Hindi kumagat yung susi kaya sinira nalang ng tatay ko yung pinto ng banyo para makalabas ako.
Mom is pressing me about marriage lately. Sabi nya, pano daw ako pag wala na sila. Naalala ko tuloy nung nalock ako sa banyo. Kung mag-isa siguro ako sa buhay, anong gagawin ko para makalabas? Naisip ko e baka baliin ko yung shower at ipukpok ko sa pinto, to get rid of the knob. Naisip ko rin na siguro, mas mainam na pag nagpagawa ako ng bahay, wala nalang knob yung banyo.
Marriage. Ewan ko. Masaya ba talaga ang mga may asawa? Siguro hindi naman ganito lahat ng husbands, pero pag naiisip ko na sisigaw sigawan lang ako ng asawa ko, parang mas gusto ko nalang mag-isa kahit pa makulong ako sa banyo at walang tumulong sakin.
36 na pala ako. When my birthday came, I was thinking the whole time na 37 na ko. The days went by with me believing na 37 na nga ako, until bff sent me a belated happy birthday message with my correct age in it. Lol. Kung hindi nya ko binati, hanggang ngayon siguro, naniniwala parin akonna 37 na ko.
36... ano na? Anong gagawin ko sa buhay ko?
10:35 AMにcinderellaareus によって書かれました。
コメントを書く