When we were small, the world felt a whole lot bigger.
Nakakita ako ng sunog sa news. It brought back a few memories from the time nung bata pa ko.
I was born in Manila, and lived there until I was 4. We were renting a small room near talipapa. Shared yung bathroom. Tatlong pamilya ang magkakahati.
Tapat ng kwarto namin e sila Ate Dakloy. Kapatid nya si Ate Tessa, at ang tatay nila ay pulis. May lola rin silang naka wheelchair na minsan nang iniligtas ng tatay ko sa sunog.
Sa katabi namang kwarto ay sila Aling Fely. Anak nya si Weng weng dokleng. May Ate sya, nakalimutan ko na yung pangalan.
Sa second floor nakatira si Lolo. Sya yung may-ari nang bahay. Madalas nyang itapon yung laman ng arinola nya sa labas nang bintana, at minsan na kaming nabasa ng ihi.
Sa tabi ng bahay ay may maliit na eskenita. Pag katapos non, bahay na nila Princess. Sa abroad nagtatrabaho ang papa ni princess. Marami syang magagandang damit at manika.
Sa tapat ng bahay, may nagtitinda ng spaghetti na nasa plastic at may malalaki rin silang chichirya. Sa katabi nung tindahan, dun yung bahay nila Angie.
Sa may kanto ng lugar namin, may nagbebenta ng masarap na lugaw.
Madalas bumaha sa lugar namin noon. At ilang beses din na nagkasunog. Naalala ko nung lumikas kami dahil sa sunog. Naghintay kami sa may kanto hanggang sa mawala yung apoy.
Pag balik namin, okay pa yung bahay. Pero kila Angie, mas malaki yung naging damage. Naalala ko na mejo natuwa pa ko nun dahil nasunog na ang mga laruan ni Angie at di na sya makakapag yabang. lol.
Hindi siguro totoong inosente ang mga bata. Salbahe kasi ako nung bata. Lol. Pero baka ako lang yung ganun.
4 years lang akong tumira sa lugar na yun. Most of the years I've spent there, hindi ko rin masyado maalala dahil baby pa ko. Pero kahit sa mga sakuna na naranasan namin non, hindi ko naalala na natakot ako or nagpanic. Siguro may pagka field trip yung feeling sakin noon, twing lumilikas kami.
Mula ng lumipat kami sa Bulacan, naging smooth na ang buhay. Wala nang "field trip". Wala na ring masyadong kwento. Hindi ako masyadong close sa mga kapitbahay namin kahit nakakalaro namin sila minsan ng batohang bola. Hindi rin ako masyadong close sa mga pinsan ko dito kahit magkakalaro kami nung bata.
I wonder how different it would have been kung hindi kami umalis ng Manila. But I do think transferring here was our best choice.
05:30 PMにcinderellaareus によって書かれました。
コメントを書く