It's a really difficult day today. The appointment with the vet was 7:30. Mejo late syang dumating. My cat's surgery ran for just an hour, pero pakiramdam ko, sobrang haba ng araw na to.
Napaiyak ako when I saw how scared Iya was before the surgery. Sabi pa ng doctor, may resistance sya sa anesthesia kaya umiyak daw during operation. Awang awa ako sa pusa ko.
When we got home, she was very scared and didn't seem to recognize me. Seeing her looking so weak from the operation, naiyak na naman ako. Tas nung around 12 na when I'm supposed to make her eat and drink water, naiyak na naman ako dahil ayaw nyang kumain.
Siguro ang nakakaiyak e yung lumaki ng ganito yung pusa ko at never ko syang napalo, only to cause her this much pain dahil lang sa ayoko syang magkaanak. Kahit ilang sorry pa yung sabihin ko sa pusa ko, parang di sapat na compensation para sa pain na pinagdadaanan nya.
I've seen a lot of pages na nag aadvocate ng kapon sa mga hayop, at gets ko naman ang pinaglalaban nila. Hindi ko lang maisip kung paano nila nakayanang makitang ganito yung kundisyon ng alaga nila. Ang hirap. Sobrang hirap.
Hindi kumain si Iya the whole day today. Sabi ng doc, normal daw na walang ganang kumain sa 1st 3 days after ng surgery. Nakakapag alala parin. She used to cry for food less than an hour after getting fed. Madali kasi syang magutom. Tapos ngayon, biglang hindi na sya kumakain.
Problema ko pa kung paano ko sya paiinumin ng gamot bukas. Baka magwala yun, baka bumuka yung sugat. Paano pag di parin sya kumakain?
Sighs, hindi ko talaga alam.
Natatakot akong mawala sakin ang pusa ko. Sana makayanan namin to ni Iya.
11:24 PMにcinderellaareus によって書かれました。
コメントを書く