Grabe yung antok ko.
It's 3PM. My shift started at 9AM. Spent the 1st hour of my shift with the IT as I was not able to login. Tapos, until now, wala pa rin akonh calls, chats or backlogs. All good.
Antok na antok ako. Must be vaccine's side effect. Dad's a little worse. Nilalagnat sya ng bahagya. Mom said she's not having any side effect at all. Mine is same as the last time. Masakit na katawan. Masakit na braso, matinding antok.
Ika pitong araw na ng December. Next week, return to office na kami. 3 days lang naman. Hindi naman ako takot, tinatamad lang akong gumising ng maaga at mag commute. Tapos dala ko pa yung laptop.
May naiwan ba kong pagkain sa locker? Siguro expired, bulok, or nilalanggam na yun.
Kung tama ang alala ko, I was on night shift bago mag pandemic. Yung katabi ko na lagi kong tinatanungan about troubleshooting, nag resign na. Yung mga nakasama kong mag samgyeup, manood ng hot air ballon, etc, karamihan sa kanila, wala na rin. One of my officemates even died from COVID. Tapos buong CN team dissolved na.
Mejo nakakalungkot din. More than 2 years in the company, and I only spent 8 months of my stay sa office. The rest, work from home na. Pero kahit ganun, I did spend a few good times with the people here.
Okay lang yan. Siguro kailangan lang na mag move forward.
Ang tagal ko nang hindi nakikita ang mga friends ko. BFF had long been wanting to have a video call with me, pero kahit yun, pahirapan pa. Hindi kasi kami sabay ng rest days.
Nakakatamad.
03:25 PMにcinderellaareus によって書かれました。
コメントを書く