水曜日. December 15, 2021

Extra

Lagi talagang may happy feels pag Wednesday. Syempre pa, off ko na bukas. Masaya rin ako na hindi natuloy ang Return To Office ko. At least, hindi ako kailangang gumising ng mas maaga, at mag commute ng over 5 hrs to go to work and get back home. Next rto wil be next month pa. I'll have some time to prepare my heart. Lol. Balita ko pahirapan daw ang tools at internet sa office, tipong mas okay pa na nasa bahay.

Hindi ba talaga pwede forever nalang na work from home? 

----

Andaming alalahanin these days. Nanganak ng 4 yung pusa ko. The mother was very sweet to her kittens, and I think that's already given dahil sya yung nanay. Nakakatuwa lang dahil my other female cat who is already neutered is playing mother to the kittens kahit di naman sya yung nanay. 

One time, the mama cat was having her usual morning walk outside, so I took the time to play with the kittens. One of the kittens cried on top of his lungs. Dali daling pumunta yung neutered cat ko to calm the kitten down. F na F nya talaga ang pagiging nanay.

Sobrang gastos mag-alaga ng pusa. When I found out how much a certain fb page spends for the cat food for their 13 cats, I realized, theirs is even cheaper than how much I spend on cat food alone, considering I only have 3 cats.

Wala pa yung cat litter, vet expenses, toys at accessories. 

Hindi talaga wise to keep these 4 kittens. Tokwa. Naawa lang ako sa mga pusa ko. Earlier I was trying to feed my cat, Iya, with a cheaper cat food brand. By cheaper, I mean 70 pesos per 400g can. Not cheap at all. Alam kong ayaw nya non, pero makakatipid ako ng 75% kung kumakain lang sana sila ng ganitong cat food.

I told my cat, "di ba love mo yung kittens? Kainin mo to, para di na natin ipamigay yung kittens." To my surprise, when I placed her on her cat bowl, aba kumain talaga!

Yun nga lang, nagsuka sya after. 

Sighs. Ewan ko ba. Ano bang gagawin ko? Gusto ko na yumaman. Tipong hindi ako manghihinayang sa laki ng gastos ko sa cat food.

-------

Been trying to get rid of my excessive supply of yarn lately. Araw araw akong naggaganchilyo para maubos na. Doormat na waffle pattern ang ginagawa ko ngayon. Mahal ang ganitong klaseng yarn. Then if we are considering my hourly rate at work, multiplied by the number of hours I've spent to finish this, aba'y napakamahal ng doormat namin!

I remember that poncho that Leni was wearing na biglaang sumikat. I found it nice since the time I saw it. Sabi tumatagal daw ng isang buwan ang paggawa ng ganung poncho. I hope the makers are selling it for the price that matches its worth. Lalo na't international nilang nabebenta. 

Pero sana kung ako yung bibili nang poncho e makakuha ako ng mura. Lel.

Ang mumura ng bentahan ng hand-made products sa shopee. Sabagay, wala naman kasing bibili kung tataasan mo ng presyo. Pero keri. Di naman ako mahirap. Hahaha.

Ano kayang pwede kong gawin sa mga yarn ko na pwede kong pagkakitaan? Pwede kong gawing doormat lahat to, pero sayang naman. 40 pesos lang ang doormat sa palengke. Napakamahal nung yarn.

Pano ko ba ito ikayayaman?

Universe, gusto ko ng extra income na 2 million pesos per month.


04:24 PMにcinderellaareus によって書かれました。

コメントを書く


* * * *
Login to your account to post comment

You are not logged into your Tabulas account. Please login.

私について

My name is Z. Let's get along :)


ナビゲート

ホーム
アーカイブ
プロファイル
ギャラリー
お友達
Friendsof
お気に入り

メッセージボード



クレジット

レイアウト || zaia
画像1 || R A V E
画像2 || ruffled
パターン || hongkiat
ブロッグホスト || Tabulas
コンテンツ|| zaia


***

Google Analytics Alternative

http://www.hitwebcounter.com/
Counter For Wordpress


adopt your own virtual pet!
online
Online Casinos