木曜日. December 18, 2021

Juuhachi nichi

18th day of the month, working from home.

Kahapon, bumili akong coke zero at vanilla ice cream na ginawa kong coke float kanina. Palaisipan sakin kung bakit magkaiba ang lasa ng coke zero sa plastic bottle vs coke zero sa can.

Yung nasa plastic bottle lasang may lason. Huhu.

Mas mura ang ang coke zero sa shopee. Free shipping, may cash back pa, hindi ka pa mahihirapan magbitbit.

Bibili dapat ako ng pang scoop ng ice cream. Naisip ko, pwede naman mag kutsara nalang. Kailangan mag tipid.

Hindi talaga wise. Pero nag aalala akong ipaampon yung mga kuting ko. Pero ayoko rin tipirin ang parents ko. Kaya siguro magtitipid nalang ako sa mga bagay na pwede naman tipirin. Syempre, kailangan ko rin maghanda para sa kinabukasan.

May mga nabasa ako sa mga cat adoption group na mga taong andaming inaadopt na kuting tapos ipapakain sa alaga nilang ahas. I can't let that horror happen to my cat's offsprings. 

Hayyyst. Kaya ko to. 

The new year brings so much promise. Universe, pahingi ng extra income na 2 million pesos per month, para hindi magutom ang mga pusa ko, at makakain parin kami ng masasarap na pagkain.

Kaya to!

-------

2022 will be the 10th year since Dad had a stroke. I've once read a comment from someone who lost a dad. Her dad survived stroke daw. He lived for 10 years pa tas na deds na. I've heard other stories from family members who've lost their loved once, 10 years after surviving stroke.

My dad is a goofy man. Pero pag nakasimangot sya, it's either galit sya, or may masamang nararamdaman. Lately whenever Dad is making that mainit ulo face, I'd ask him if he's feeling fine. After non, ngingiti at magkukulit na. Ewan ko kung pinipilit nya lang ba para di kami mag-alala. He often sways when he walks. His feet seems very weak. Pero in fairness naman sa tatay ko, pag umaakyat kami ng hagdan, mas ako pa yung hinihingal kesa sa kanya.

Sana praning lang ako. Dad was actually very healthy before he had a stroke. Madalas nyang sabihin na healthy body daw sya. In fairness again sa kanya, sya yung pinakamabilis na nakarecover noongmagkaron kaming lahat ng COVID-like symptoms. 

Sana maging healthy si Papa forever. Sana si Mama rin. Sana laging healthy ang buong pamilya namin. Ako nang bahala sa pagpapa wealthy naming lahat. Basta sana kompleto at healthy kami forever.

------

2022. Kailangan magplano, kumilos, at magpursigi para sa mga pangarap.


11:43 AMにcinderellaareus によって書かれました。

コメントを書く


* * * *
Login to your account to post comment

You are not logged into your Tabulas account. Please login.

私について

My name is Z. Let's get along :)


ナビゲート

ホーム
アーカイブ
プロファイル
ギャラリー
お友達
Friendsof
お気に入り

メッセージボード



クレジット

レイアウト || zaia
画像1 || R A V E
画像2 || ruffled
パターン || hongkiat
ブロッグホスト || Tabulas
コンテンツ|| zaia


***

Google Analytics Alternative

http://www.hitwebcounter.com/
Counter For Wordpress


adopt your own virtual pet!
online
Online Casinos