Sleepy day at work. I should've slept early. I wonder if I'll finish all the good BL mangas in this lifetime.
---
Tita left last night after a long vacation here in Luzon. When I came to our sala this morning, she was no longer there. I thought I'd feel a little sad whatsoever. I didn't. Tita is an unmarried woman. It must be sad not having anyone miss you, or at least a little sad when you're no longer around.
My niece and nephew are sweet, clingy kids. They seem to love me now, but I'm not sure if they will remain that way once they get older. Iniisip ko kung naiinggit ba ko sa mga kakilala at kaibigan kong bumuo na ng sarili nilang pamilya... pero hindi e. Hindi talaga. Sa totoo lang, hindi ko maintindihan kung saan nanggagaling ang dissatisfaction na ito.
---
Ang mahal na ng pamasahe. Around bente yung itinaas. Yung dating 65 sa ordinary bus, 80 na ngayon. Yung 75 sa aircon, 92 na ngayon. Imagine kung minimun wager ka tas araw araw kang nagkocommute sa ganito? Ubos sa pamasahe yung sahod mo. Nakakaawa rin talaga.
Kahapon, nakasabay ko sa elevator pauwi yung workmate ko na binoto si baby em. Natanong ko lang naman yung sa carousel. Sabi nya kasi hanggang sa December daw libre pa ang sakay sa carousel, sabay banat nang, "wala e, galing kasi ng binoto ko e".
Nakakasuka.
Pero alam mo, sabi sa nabasa ko, lahat naman ng tao e merong bad side. Ang mahalaga e kung good sya sayo. Tingin ko, may point naman, kaya ok lang.
---
Pag yumaman ako, magtatayo ako ng underground na mala-Avengers headquarters. Mang he-headhunt ako ng mga individuals na magaling sa pakikipaglaban. Itetrain ko sila para maging superheroes na lalaban sa kasamaan.
Sa dami ng mayayaman sa mundo, meron na kayang gumagawa neto?
Sana magkaron ng alien invasion, tas kikidnapin nila lahat ng masasama, then torture train them until they get reformed into a better human beings, bago sila ibalik sa earth.
Tokwa, bukod sa super heroes at alien invasion, may pag-asa pa ba tayo? Pinipilit ko naman, pero ang hirap palang hindi mainis sa nga taong patuloy paring naniniwalang tama ang sinoportahan nila.
But freedom means allowing people to have their opinion. And I love freedom. Haaaaaaaaaaaaaaaaay.
I need to read more BL.
09:55 AMにcinderellaareus によって書かれました。
コメントを書く