Sighssss.
Last night, we were asked for our phone numbers para sa interview, then today, nagka panel interview kagad. Off ko, nasa bahay ako. I was asked to open my video when it was my turn. Buti nalang kumuha ako ng blazer at nag ayos ako ng buhok kahit paano. I feel positive about my performance during the interview, pero hanggat walang results, hindi parin ako sure.
Ang sabi, this week daw agad agad ang reprofile pag nakapasa. Nag aalala ko dahil ang flight ko sa Japan will be in 2 weeks. Kakailanganin ko bang i-cancel if matanggap ako? Hindi refundable yung flight. May mga reservations na rin ako na nakakahiyang i-cancel
Pag hindi ako pumasa, mamomroblema ako kung saan ko magtatrabaho. Pag pumasa naman ako, namromroblema ako sa upcoming travel ko. Either will cause problems, pero sana meron solusyon para sa lahat ng ito.
May away na nagaganap saming team. It's us against Charlie. Aalis nalang kami, nagkakaaway away pa. Yung pinaka close ko sa team, sigurado daw syang di papasa dahil hindi sya makabasa ng kanji at all. She was not able to go through with the reading test, at hindi na sila nag proceed sa writing test. Hindi ako magaling makipagkaibigan. Sa totoo lang nag aalala rin ako na bagong pakikisama na naman sa bagong trabaho. Sana tanggapin nalang kami lahat. Sana formalities nalang yung interview.
Hayst. Sana maging masaya. Sana maging okay. Sana makalabas kami sa month na ito with our health and sanity intact.
Sana matuloy ako sa Japan. At sana wag akong mawalan ng trabaho. Sana parehas kaming matanggap ni Wendy sa JT.
04:56 PMにcinderellaareus によって書かれました。
コメントを書く