火曜日. May 9, 2023

Today, I became a wolf

Kung totoo ang swerte at malas, pakiramdam ko, hindi ako swerte sa month na ito. Una sa lahat, yung matatanggal na ang JP team ng account namin, at heto at hinahanapan kami ng bagong account.

Pang 1.5, nagkaron ng announcement na the following week after ng interview namin with the other account e transition na daw namin sa new account. I was so worried dahil tatama sa VL ko, pero luckily, hindi natuloy. And bad side e, hindi ko parin alam ang kinabukasan ko sa company namin, kung makakapasok ba ko sa new account o hindi.

Pangalawa, nabasag yung water bottle ko 2 days ago.

Pangatlo, nagka pigsa ako a week before ako mag Japan. 

Pang-apat, yung power shutdown sa NAIA na kung nausog lang ng onti e nadamay sana yung flight ko. Siguro, swerte to in a way. Sana nga talaga. Please, Lord.

Panlima, pumunta ako ng hospital today, hoping to be prescribed with antibiotics and pain killer para nga sa pigsa. Pero ayun, nakita ko yung sarili ko na nasa operating room at nakikipag negotiate na baka pwede naman na after na ng trip ko sa Japan nila ako operahan. Hindi daw pwede. Huhu.

Luckily, sabi ng doctor, pwede pa rin naman daw akong mag Japan. Grabe, ang daming kaganapan na muntik muntikan na akong pigilang mag Japan. Juice colored.

Ang sakit ng surgery ko kanina. Sabi ng doc minsan daw talaga hindi tumatalab ng maigi ang anesthesia kung swollen yung area. Dama ko yung first 2 hagod ng hiwa sa balat ko. Mejo dama ko rin ng onti yung pagtahi nila at pagbuhol. Dahil di naman expected na ooperahan ako, ako lang mag-isa ang nagpunta sa hospital. If Mom was there, baka natulala yun sa dami ng dugo at sa panay "awooo awooo" ko from so much pain.

Epic tong experience na to. But I'm glad that I'm still alive. Thank you  Universe. 

-------

Sana matuloy ang Japan ko. Tokwa, isang linggo nalang, ang dami pang nangyayari. Mag eempake dapat ako ngayon, kaso nakita ko yung dugo na nag leak sa supposedly waterproof na dressing ng sugat ko. Kailangan ko ata muna magpahinga. Bukas, luluwas ako to get my laptop sa office. Pinayagan ako mag work from home. Tas yung actual schedule ng wfh ko e next week, so parang na extend. In a way, hindi naman siguro ganun kamalas ang buhay ko.

Pero sana dinggin ng Diyos ang dasal kong matuloy sa Japan as scheduled, and makauwi rin as scheduled, safely, sa piling ng mga mahal ko sa buhay. Sana manatili akong safe and happy before, during, and after the trip. Sana may ma meet akong pogi. Haha. 

Basta, sana maging ok lahat.


03:10 PMにcinderellaareus によって書かれました。

2 コメント


* * * *
Login to your account to post comment

You are not logged into your Tabulas account. Please login.

Comment posted on May 11th, 2023 at 02:21 PM
♥♥♥ wow. have a safe and happy trip. i would like to go to Japan too. nakita ko 150K yata something ang tour ahahha makikita mo na talaga ang pogi na hinahanap mo dun. yikitu!
Comment posted on May 11th, 2023 at 03:45 PM
Tenchuu!!! 4 days lang ako. Nasa 40 to 50k lang budget. Mag DIY ka lang, Schwarzie! Masyado malaki yung 150k. Kasama ko sa work 90k lang nagastos for 9 days.

Sana nga may mameet akong pogi. Hahaha!

私について

My name is Z. Let's get along :)


ナビゲート

ホーム
アーカイブ
プロファイル
ギャラリー
お友達
Friendsof
お気に入り

メッセージボード



クレジット

レイアウト || zaia
画像1 || R A V E
画像2 || ruffled
パターン || hongkiat
ブロッグホスト || Tabulas
コンテンツ|| zaia


***

Google Analytics Alternative

http://www.hitwebcounter.com/
Counter For Wordpress


adopt your own virtual pet!
online
Online Casinos