I'm upset.
Nagsabi na ko sa TL namin that I'll be late today dahil pinapabalik ako ng doctor. Sobrang sakit ng procedure ngayon sa kabila ng anesthesia. Ngayon lang ako naiyak sa sakit dahil sa operasyon. Iniisip ko kung may lihim na galit ba sakin tong doctor na to. In fairness naman, mas maginhawa na yung pakiramdam ng sugat ko after the operation.
Pero naiinis ako. I felt wronged. Feeling ko naperahan ako sa hostipal na to. Para sa pigsa, nagbayad ako last Tuesday around 18k tas today 37k! 37!!!!! E mas simpler yung procedure now kesa the last time, tas mas mahal pa? Hindi na kinover lahat ng hmo at philhealth kaya nag shell out pa ko ng 3k plus. Hindi pa kasama yung mga gamot. Ang kadudaduda pa e yung PF ng doc e 7k lang nung Tuesday, tas ngayon, 13k na. I can't help but think na dahil to sa alam nilang pupunta ako sa Japan. I needed to tell them, otherwise, I wouldn't know if it's safe to travel with this. Kala ba nila mayaman ako kaya nila ako pineperahan?
Nagkabiruan din kasi so I ended up telling them na magkakape lang ako kaya ako magja Japan, which was actually true.
I always dress na parang pulubi twing pupunta ako dun, napagkamalan pa rin ba nila akong mayayaman? Dahil lang mag ja Japan ako? Feeling ko naloko ako, it's not a happy feeling. The staff were kind to me, pero naiinis parin ako.
Open yung wound ko. Gaano na naman kaya kalaki ang huhuthutin nila sakin sa pagbalik ko sa hospital. Safe kaya lumipat ng doctor in my condition? I'm mad, pero hindi ako makapag maldita dahil feeling-close na sakin yung mga staff. And mabait yung isang babaeng doctor na kinocomfort ako pag natatakot na ko. Naiinis ako. Alam mo yung feeling na dinaya, niloko, inagrabyado, pinerahan... hindi masaya!
Bukod pa don, I also need to clean and dress the wound on my own habang nasa Japan. Ang dami kong hinaing sa buhay these days. Naiirita at naiiyak ako. For one, ayoko ng dugo. May pinapasok din na parang papel dun sa pinaka sugat. Fuck%&@shit, ang sakit. Kaya ko ba to? Well, wala naman akong choice. Kung sila maglilinis ng sugat, baka 50k na sunod nilang singilin sakin. Nakakainis. Ano bang gagawin ko para hindi na ako maabuso?
4 days ako sa Japan. 2 days, kakainin lang ng flight papunta at pabalik, so I only have 2 full days to explore. I initially plan to go to Kamakura, pero yung reservation ko sa coffee shop na gusto kong puntahan at sa exhibit ni Harada-sensei, mejo hindi maganda ang pagkaka arrange. Bukod pa dun, gusto kong i-explore sa Ikebukuro for BL related stuff.
Gusto kong mag BL goodies hunting, pero gusto ko ring mag kamakura. Pwede naman i-jam-packed ko yung schedule ko, pero baka mapagod lang ako at marami akong mamiss na magical moments na nakita ko sana if I slowed down. Well, bahala na.
Sana makabalik pa ko sa Japan, tas kasama ko na sila mama. Dahil di wholesome yung pupuntahan kong exhibit, hindi ko sila isasama. Hindi pa clear ang future ko sa office. Sana makabalik pa rin ako.
Hayst. Ano bang pwede gawin sa namemerang doctor? Pano ko magsusurvive having to clean my own wound hanggang sa makarating ako sa Japan? Ano bang gagawin ko sa buhay ko?
Nakakairita. Nakakatakot. Gusto ko nalang kumita ng 1 million pesos monthly.
04:52 PMにcinderellaareus によって書かれました。
2 コメント