Isang linggo magmula nung final interview. I was told I was going to be onboarded. Akala ko nga nasa J*I na ko before June, pero eto, June na pala. Siguro matagal talaga ang onboarding process. Hindi naman siguro nila babawiin yung pag congratulate nila sakin no?
Busy daw dun sa new account. Hindi ako excited. I mean, para lang naman akong lilipat ng kwarto. Same company. Same package. Sana mababait ang mga workmates ko Sana chill lang ang work load. Bahala na.
---------
I went and saw a different doctor a few days back. Mukhang di sya confident sa ginagawa nya, so I asked her, "mas maganda po ba na bumalik ako sa *insert hospital name here*," and she said yes. So I immediatly contacted the hospital, went there matapos kong dumaan saglit sa bahay.
Mas komportable sa hospital na to. They treat me well, like a VIP. Hindi rin need pumila. Malinis, at sapat ang lamig ng aircon. Nilinis nila ang sugat ko and used cheaper items para di na ko ma shock sa presyo. 7k, 1k of which, I needed to shell out. Oh sya, dito na nga lang talaga. My wound has gotten so much smaller now. siguro nasa 1.5cm nalang, but it's still open. Pinapabalik nila ako sa Doc sa Tuesday. I am thinking of skipping, kaso I developed some rashes sa wound area. Ayoko na lumala. Ayoko na operahan ulet. I guess I'm going.
Gah. Ang init. Hindi pala ako pwede magswimming. At nakakainis na hindi ko nagamit yung bath tub ng hotel nung nasa Japan ako.
Kelan kaya ako lilipat sa new account? Baka abutan ko pa yung next wfh schedule ko sa August. Sa new account, wala ng wfh setup. My thoughts fluctuates from neutral, to total indifference, to full-on worry. Tambak ba ng trabaho? Madali kaya mag leave? May power trip na boss kaya dun? Ewan ko. Bahala na. I guess malalaman ko nalang talaga pag nandun na ko.
------------
Gusto ko bumalik sa Japan. I spent so much more than my projected budget kahit halos hindi na ko kumain (mostly because I wanted to spend the little time I have sight-seeing instead of eating). Tataas pa ang pamasahe ng JR line by double by July daw, so sigurado mas marami na ang perang kakailanganin. Gusto ko ulet magstay sa Ikebukuro. Hindi ko masyado mapasyalan yung Sunshine city kahit nandun lang yung hotel. Gusto ko pa mag BL hunting. Sa totoo lang, life is so much bearable being a fujoshi.
Hayst. Gusto ko nalang mag stay sa bahay at magbasa ng BL manga. Ano kayang mangyayari sa buhay ko kung lagi akong ganito?
12:27 PMにcinderellaareus によって書かれました。
コメントを書く