We were at a mall in QC when Dad noticed the mall decorations overflowing with red. I told him, "baka kasi Chinese New Year". To which he responded, "hindi, dahil sa Valentines yan."
Valentines na nga pala. Akala ko ang pagiging wfh ang dahilan kung bakit walang ganap ang lovelife ko, but 2 years after return to office, I realized, it was never really the case. Oh well.
----
Nagpunta ako sa Quiapo with Mom and Dad. We ate something fancy before going there. Bakit kaya iba ang pakiramdam. Naisip ko lang na iba ang confidence ng alam mong marami kang pera.
Last Saturday, kahit sa sosyal kami kumain, wala yung usual na... angas ba ang tawag dun? Idk.
I like that part of myself. Yung maangas at confident sa mga bagay na kaya kong gawin. Akala ko dati natural ang confidence ko, pero lately, narealize ko na nakadikit pala yun sa idea na meron akong magandang trabaho.
Sa totoo lang, ayoko ng ganitong feeling.
Sinabi ko kay Mama na mas konti ang work lately. Nagdagdag kasi sila ng tao dahil na rin siguro sa andami naming reklamo. Sabi ni Mama, "oh okay na pala, wag ka na magresign. Di ka naman na pagod."
Alam mo bang natulog ako kagabi at gumising ngayong umagao dreading going back to work, kahit na work from home na ko? Nandun yung resign-na-resign-na-ako feeling, even though I have submitted my resignation already.
Ang gulo no? I love the version of myself na confident dahil marami syang pera, pero ayoko paring mag stay sa lugar na nagbibigay sakin ng confidence na yun.
Gusto kong maniwalang makakayanan ko parin to kahit hindi na ko empleyado. Na magkakaron parin ako ng maganda at masaganang buhay outside corporate world.
Matalino parin naman ako. Talented parin naman ako. At hindi naman nabura ang skills at achievements ko kasabay ng pag resign ko, kaya, kaya ko to.
Haaayst.
Payakap nga, Universe.
Tapos, pahingi ng passive income na 1 million pesos monthly.
------
Nanaginip yung tatay ko na mag-aasawa na daw ako.
Mas matangkad daw sa kanya. Medjo macho daw at kulot ang buhok. Lol.
I few days back, naglalaro ako ng game sa Netflix na Too Hot To Handle. Kulot yung nakatuluyan kong character. I wonder if Dad saw that. Although dun sa game, lalaki yung character ko, then lalaki rin love interest ko, para BL. Hahaha.
Tokwa, sa totoo lang, masama ata talaga sa lovelife ko ang BL hobby kong ito. Gah.
04:01 PMにcinderellaareus によって書かれました。
コメントを書く