Start na ng school year ng mga pamangkin ko tomorrow. Technically, mamaya. Siguradong matraffic tomorrow. I'm thinking of going to metro to get bank statement. Sa Shangri-la branch ang bank ko. I live in Bulacan. Mga 8 hrs akong babyahe balikan to get it. Pahupain ko kaya muna ang traffic ng pasukan?
So, I registered my non-existent business in DTI. Gusto ko kasing buhayin ang Lazada/Shoppee shops ko to sell my old books and other stuff. Better the hassle now, kesa ma hassle ako sa shipping methods later. Plus, I want to be ready sakaling eto na pala yung turning point ng pagyaman ko. Yiii. Lol.
So yeah, mas stricter na ang requirements sa mga online shopping platforms these days. Need na nung BIR kemerut. To get that, need mo muna mag register ng business sa DTI, then brgy clearance, then bank statement. Iniisip ko rin mag apply ng BMBE para walang tax. Sabi ng Nanay ko hinahassle ko lang daw ang sarili ko, magbabayad pa ng tax para kakarampot na kita. But I want to try doing it, so less do this!
May nakita ako sa IG na couple na nag business ng personalized laser-printed stuff. They looked successful, so I checked their shop. Based sa computation ko on their earnings, hindi iyun lalagpas ng 120k. Lifetime earnings na yun ng business nila at hindi for a month lang. Hindi pa deducted yung puhunan. Iniisip ko parang kulang to for me to get back to my old lifestyle. Kahit yung Chinese workmate ko before, sabi nya mas malaki daw ang kita namin sa office bilang bilinguals, kesa mag put up ng business.
Haaa, ewan. Bahala na.
------
Naubos ang oras ko from playing Harvest Moon this week. Over 10 years na sa kalumaan tong game na to. I wonder which games do the kids these days play.
Grabe ang pag uulan netong nagdaang week. Ang sarap tumunganga at humilata. I do miss going out a bit, pero taong bahay talaga ako through and through. I just realized I'm an actual NEET. OMG.
Anyway, whatevs. Hinihintay ko lang na sipagin ako.
------
Gusto kong mag Yabu. Mom said, di naman daw masarap. Mas sulit pa daw ang City Buffet na mas marami pang choices at mas mura kung weekdays. Pero sa totoo lang, parang humihinto ang mundo ko pag kumakain ako sa Yabu. Hindi ko makalimutan ang sarap ng miso soup, at ng cabbage na may goma sauce, masarap din yung salmon katsu nila pati prawn. Gah! Gusto ko mag Yabu! T_T
I love miso soup. I only bought 1 pack from my trip to Japan. I'll buy so much more next time. Sana talaga may next time pa.
Ugh... gusto ko mag Yabu. Now na. :' <
01:14 AMにcinderellaareus によって書かれました。
コメントを書く