Entries for May, 2023


火曜日. May 2, 2023

Isoide imasu ka

Sighssss.

Last night, we were asked for our phone numbers para sa interview, then today, nagka panel interview kagad. Off ko, nasa bahay ako. I was asked to open my video when it was my turn. Buti nalang kumuha ako ng blazer at nag ayos ako ng buhok kahit paano. I feel positive about my performance during the interview, pero hanggat walang results, hindi parin ako sure.

Ang sabi, this week daw agad agad ang reprofile pag nakapasa. Nag aalala ko dahil ang flight ko sa Japan will be in 2 weeks. Kakailanganin ko bang i-cancel if matanggap ako? Hindi refundable yung flight. May mga reservations na rin ako na nakakahiyang i-cancel

Pag hindi ako pumasa, mamomroblema ako kung saan ko magtatrabaho. Pag pumasa naman ako, namromroblema ako sa upcoming travel ko. Either will cause problems, pero sana meron solusyon para sa lahat ng ito.

May away na nagaganap saming team. It's us against Charlie. Aalis nalang kami, nagkakaaway away pa. Yung pinaka close ko sa team, sigurado daw syang di papasa dahil hindi sya makabasa ng kanji at all. She was not able to go through with the reading test, at hindi na sila nag proceed sa writing test. Hindi ako magaling makipagkaibigan. Sa totoo lang nag aalala rin ako na bagong pakikisama na naman sa bagong trabaho. Sana tanggapin nalang kami lahat. Sana formalities nalang yung interview. 

Hayst. Sana maging masaya. Sana maging okay. Sana makalabas kami sa month na ito with our health and sanity intact.

Sana matuloy ako sa Japan. At sana wag akong mawalan ng trabaho. Sana parehas kaming matanggap ni Wendy sa JT.


04:56 PMにcinderellaareus によって書かれました。

コメントを書く


* * * *

火曜日. May 9, 2023

Today, I became a wolf

Kung totoo ang swerte at malas, pakiramdam ko, hindi ako swerte sa month na ito. Una sa lahat, yung matatanggal na ang JP team ng account namin, at heto at hinahanapan kami ng bagong account.

Pang 1.5, nagkaron ng announcement na the following week after ng interview namin with the other account e transition na daw namin sa new account. I was so worried dahil tatama sa VL ko, pero luckily, hindi natuloy. And bad side e, hindi ko parin alam ang kinabukasan ko sa company namin, kung makakapasok ba ko sa new account o hindi.

Pangalawa, nabasag yung water bottle ko 2 days ago.

Pangatlo, nagka pigsa ako a week before ako mag Japan. 

Pang-apat, yung power shutdown sa NAIA na kung nausog lang ng onti e nadamay sana yung flight ko. Siguro, swerte to in a way. Sana nga talaga. Please, Lord.

Panlima, pumunta ako ng hospital today, hoping to be prescribed with antibiotics and pain killer para nga sa pigsa. Pero ayun, nakita ko yung sarili ko na nasa operating room at nakikipag negotiate na baka pwede naman na after na ng trip ko sa Japan nila ako operahan. Hindi daw pwede. Huhu.

Luckily, sabi ng doctor, pwede pa rin naman daw akong mag Japan. Grabe, ang daming kaganapan na muntik muntikan na akong pigilang mag Japan. Juice colored.

Ang sakit ng surgery ko kanina. Sabi ng doc minsan daw talaga hindi tumatalab ng maigi ang anesthesia kung swollen yung area. Dama ko yung first 2 hagod ng hiwa sa balat ko. Mejo dama ko rin ng onti yung pagtahi nila at pagbuhol. Dahil di naman expected na ooperahan ako, ako lang mag-isa ang nagpunta sa hospital. If Mom was there, baka natulala yun sa dami ng dugo at sa panay "awooo awooo" ko from so much pain.

Epic tong experience na to. But I'm glad that I'm still alive. Thank you  Universe. 

-------

Sana matuloy ang Japan ko. Tokwa, isang linggo nalang, ang dami pang nangyayari. Mag eempake dapat ako ngayon, kaso nakita ko yung dugo na nag leak sa supposedly waterproof na dressing ng sugat ko. Kailangan ko ata muna magpahinga. Bukas, luluwas ako to get my laptop sa office. Pinayagan ako mag work from home. Tas yung actual schedule ng wfh ko e next week, so parang na extend. In a way, hindi naman siguro ganun kamalas ang buhay ko.

Pero sana dinggin ng Diyos ang dasal kong matuloy sa Japan as scheduled, and makauwi rin as scheduled, safely, sa piling ng mga mahal ko sa buhay. Sana manatili akong safe and happy before, during, and after the trip. Sana may ma meet akong pogi. Haha. 

Basta, sana maging ok lahat.


03:10 PMにcinderellaareus によって書かれました。

2 コメント


* * * *

木曜日. May 11, 2023

Woes

I'm upset.

Nagsabi na ko sa TL namin that I'll be late today dahil pinapabalik ako ng doctor. Sobrang sakit ng procedure ngayon sa kabila ng anesthesia. Ngayon lang ako naiyak sa sakit dahil sa operasyon. Iniisip ko kung may lihim na galit ba sakin tong doctor na to. In fairness naman, mas maginhawa na yung pakiramdam ng sugat ko after the operation. 

Pero naiinis ako. I felt wronged. Feeling ko naperahan ako sa hostipal na to. Para sa pigsa, nagbayad ako last Tuesday around 18k tas today 37k! 37!!!!! E mas simpler yung procedure now kesa the last time, tas mas mahal pa? Hindi na kinover lahat ng hmo at philhealth kaya nag shell out pa ko ng 3k plus. Hindi pa kasama yung mga gamot. Ang kadudaduda pa e yung PF ng doc e 7k lang nung Tuesday, tas ngayon, 13k na. I can't help but think na dahil to sa alam nilang pupunta ako sa Japan. I needed to tell them, otherwise, I wouldn't know if it's safe to travel with this. Kala ba nila mayaman ako kaya nila ako pineperahan?

Nagkabiruan din kasi so I ended up telling them na magkakape lang ako kaya ako magja Japan, which was actually true.

I always dress na parang pulubi twing pupunta ako dun, napagkamalan pa rin ba nila akong mayayaman? Dahil lang mag ja Japan ako? Feeling ko naloko ako, it's not a happy feeling. The staff were kind to me, pero naiinis parin ako.

Open yung wound ko. Gaano na naman kaya kalaki ang huhuthutin nila sakin sa pagbalik ko sa hospital. Safe kaya lumipat ng doctor in my condition? I'm mad, pero hindi ako makapag maldita dahil feeling-close na sakin yung mga staff. And mabait yung isang babaeng doctor na kinocomfort ako pag natatakot na ko. Naiinis ako. Alam mo yung feeling na dinaya, niloko, inagrabyado, pinerahan... hindi masaya!

Bukod pa don, I also need to clean and dress the wound on my own habang nasa Japan. Ang dami kong hinaing sa buhay these days. Naiirita at naiiyak ako. For one, ayoko ng dugo. May pinapasok din na parang papel dun sa pinaka sugat. Fuck%&@shit, ang sakit. Kaya ko ba to? Well, wala naman akong choice. Kung sila maglilinis ng sugat, baka 50k na sunod nilang singilin sakin. Nakakainis. Ano bang gagawin ko para hindi na ako maabuso?

4 days ako sa Japan. 2 days, kakainin lang ng flight papunta at pabalik, so I only have 2 full days to explore. I initially plan to go to Kamakura, pero yung reservation ko sa coffee shop na gusto kong puntahan at sa exhibit ni Harada-sensei, mejo hindi maganda ang pagkaka arrange. Bukod pa dun, gusto kong i-explore sa Ikebukuro for BL related stuff. 

Gusto kong mag BL goodies hunting, pero gusto ko ring mag kamakura. Pwede naman i-jam-packed ko yung schedule ko, pero baka mapagod lang ako at marami akong mamiss na magical moments na nakita ko sana if I slowed down. Well, bahala na.

Sana makabalik pa ko sa Japan, tas kasama ko na sila mama. Dahil di wholesome yung pupuntahan kong exhibit, hindi ko sila isasama. Hindi pa clear ang future ko sa office. Sana makabalik pa rin ako.

Hayst. Ano bang pwede gawin sa namemerang doctor? Pano ko magsusurvive having to clean my own wound hanggang sa makarating ako sa Japan? Ano bang gagawin ko sa buhay ko?

Nakakairita. Nakakatakot. Gusto ko nalang kumita ng 1 million pesos monthly.


04:52 PMにcinderellaareus によって書かれました。

2 コメント


* * * *

金曜日. May 22, 2023

Tinik

Ugh. Ewan.

Bumalik ako from Japan to Manila nung Friday. CR palang, damang dama ko na kung gaano ka-inconvenient mabuhay sa Pilipinas. CR talaga ang una kong na miss. At naiirita ako na ang lalaki ng basurahan sa banyo dahil hindi pwede i-flush yung tissue sa inidoro. I miss Japan. Sana makabalik ako. Sana madala ko rin sila mama dun. Sayang naman yung multiple visa ko kung hindi ako babalik.

Gah.

Pagkauwi ko nu Friday, biglang nag sink-in lahat ng problema ko tungkol sa pagbitaw ng account namin sa Japanese team. Bumuhos lahat ng takot at pag-aalala, muntik na ko mag hyperventilate. Mom knew. And she was like, may pension naman daw sila, at may trabaho naman daw ang kuya ko kaya hindi naman daw kami magugutom. I don't think I can ever live without my mother. I want to do everything for her, and give her everything. Pano ko gagawin yun kung wala na akong trabaho? In a way, alam kong maswerte ako that I still have my family.

Monday before I leave, I was waiting for a message from J*I. Sila yung account na aampon dapat sa JP team. After ng language assessment, nag message pala sakin yung J*I for an interview. 10years bago ko nabasa. After the interview the Friday before I leave, sinabi ko na sa kanila na magja Japan ako. Sabi nung interviewer, ita try nya daw i-schedule ako last Monday for the interview. Walang dumating.

Mejo hindi na ako umaasa, pero pasado alas dos kanina, nag message sila. As usual, late kong nabasa. Sa Friday yung 2nd interview ko. 

6 kami si team. 5 yung nagkapag language assessment na, hindi kasama si Robert dahil paimportante sya. Out of 5, 4 yung nakapag initial interview. And out of 4, ako lang yung minessage for 2nd interview. Pero ibang team ata yung tumatarget dun sa dalawa, but still, walang feedback dun sa kanila. I am happy. Nakakataas ng tingin sa sarili na ako lang yung natira. Pero hindi ko alam kung ano na pag tapos nito. Tungkol sa SAP yung work. Pinagreview ako ng interviewer, and I tried. Pero hindi ko talaga masyado maintindihan. So, ewan ko. Anong point na mas malayo ang naging progress ko compared sa mga kasama ko kung hindi naman ako makukuha? Lol.

Bahala na.

Sa totoo lang, gusto ko nalang hintayin na matanggal ako sa work. Para sa separation pay, syempre. Tas magpapahinga ako ng 1 month para mag-isip ng gagawin ko sa buhay ko. Parang ayoko na kasi mag trabaho. Gusto ko na kasi yumaman. Pero realistically, kaya ba to? Sa tamad kong to?

Isa sa main reason ng pagpunta ko sa Japan e yung 3D latte art sa Tokyo. Alam kong walang ganun sa Pilipinas dahil nag try ako hanapin. Feeling ko madali lang gawin. Gusto ko magtry at gawing negosyo... tapos?

Hah. Bahala na.

----

Gusto ko ng poging Japanese jowa na magdadala sakin sa Japan. Arg.


07:14 PMにcinderellaareus によって書かれました。

コメントを書く


* * * *

金曜日. May 26, 2023

Last Woman Standing

Final interview ko with the other account kanina. Chika chika lang naman pala, nag todo review pa ko. Pero ok na rin, pinilit ko isiksik lahat ng natutunan ko sa interview para di sayang effort. Few minutes after nung interview, nagchat yung manager to congratulate me, at ioo-onboard na daw ako. 

Ok, ano na?

Kanina handa na kong mag English teacher sa Japan kahit 2 years lang at humanap ng mapapang-asawang hapon. Ok. Siguro maghahanap nalang ako sa dating app.

Ah, ok. Ano na?

Ako palang ang natatanggap sa bagong account. Hindi ko alam kung ako palang ba, or ako lang talaga. Walang happy feeling, pero mas okay na to kesa nag aalala kung anong mangyayari sa future ko. Well, nandun pa rin naman yung pag aalala, pero at least, may trabaho pa ko. 

For now, bahala na.


07:00 PMにcinderellaareus によって書かれました。

コメントを書く


* * * *
« 2023/04 · 2023/06 »

私について

My name is Z. Let's get along :)


ナビゲート

ホーム
アーカイブ
プロファイル
ギャラリー
お友達
Friendsof
お気に入り

メッセージボード



クレジット

レイアウト || zaia
画像1 || R A V E
画像2 || ruffled
パターン || hongkiat
ブロッグホスト || Tabulas
コンテンツ|| zaia


***

Google Analytics Alternative

http://www.hitwebcounter.com/
Counter For Wordpress


adopt your own virtual pet!
online
Online Casinos