Entries for July, 2020
Luneeeeeeees!
Ang busy nitong nga nakaraang araw feeling ko robot ako. Lol.
Bukod sa sangkaterba kong tickets, andaming for installation tasks na pinagawa si divya over the weekend. Kumuha ako ng 21. Ngayon may 35 pending tickets ako, lunes na lunes. Pag binigay pa ko ng mga 30 ni divya, iyak nalang. Lol.
Penging super powers, Universe.
------
I talked to Ms. P, yung pinaka head ng branch namin sa Pru, to express my desire to remain in the team kahit wala akong nabebenta. Ang mga kailangang gawin:
Mag install ng Telegram.
Umattend ng mga branch activities .
Yada yada.
Also, if I am to go back, I'll probably need to buy a laptop or iPad para makabenta.
Iniisip ko kung magiging worth ba to ng lahat ng hassle.
Tsaka sa dami ng ginagawa sa work, iniisip ko if kaya pa ba talaga.
-------
Wala naman talaga akong problema sa pera sa ngayon. Gusto ko lang kumita pa outside my job. Gusto ko na kasing yumaman. And it's not really about the riches, it's more about the freedom it can offer.
-------
Dad's birthday on Thursday. Maybe a few days after that, uuwi dito sila kuya. Mamimeet ko na ang bago kong pamangkin, at makikita ko ulet ang una kong pamangkin that I so much miss.
Life is good.
Note perfect, yes.
But good.
08:26 AMにcinderellaareus によって書かれました。
Just turned 1 year today.
Happy anniversary, Work.
09:36 AMにcinderellaareus によって書かれました。
Wednesday is over. I just wrapped up my work week 3 hours ago. Nag OTY na ko ng mga 1hr pero di ko parin natapos mga tickets ko.
Bahala na. Hanggang kaya lang.
I had this 1 user na halos dalawang oras kong sinupport. Badtrep. May email nga sya ulet bago ko mag out. Yoko na. Bahala yan.
TL asked me to interview an applicant for a Japanese post. Language assessment. I wonder how will that applicant feel once he found out how much is the salary here. He's asking price is a little lower than we have here.
Takte, ok naman dito. Ok naman talaga. Lahat ng pangangailangan ko sa buhay and more, natutustusan ko dahil sa trabahong to. Siguro pagod lang ako.
Gusto kong yumaman. And no, it's not about money because I do have money. I want to be free. Basta. Ewan.
Ang busy nitong mga nakaraang araw.
Mabagal ang pc. Mabagal ang net. Sa sobrang inis ko, natutunan ko nang magmura. It didn't speed up the internet connection and didn't really do me anything good... pero.
Takte, ang hirap hirap kumalma these days. Siguro pagod lang ako. Pano ba mawala tong pagod?
My brother's family is back in our house. My niece is as sweet ang cute as ever, and my new baby nephew is absolutely adorable. I love them so much.
I also have a beautiful cat I named Jiufen, but often calls Penngoy or Jupengpeng or Pengoloid.
And of course, my lovely family.
Ok naman ang buhay e. Okay naman talaga.
The downside of loving people, or any life forms in general, e andun yung samo't saring fear. Of losing them. Or them getting hurt. And so on.
I have a tita who is sick of cancer. I just heard Mom said na sabi daw ng doctor, wala na daw magagawa kay Tita. Prayers nalang daw.
Sabi nila, ang mga successful na tao daw e nagpa plan ahead for the future. Hindi ko magawa yun. Paano naman ako magpaplano kung hindi ko alam kung nandun pa ba ang mga taong mahalaga sa akin. Anong point ng success kung wala sila?
Tita has been sick for a while now. When COVID-19 had never been heard off, everytime na kumakain kami sa mga unli restaurant, we bring our titas along. Minsan nagpakain ang kapatid ko nung birthday nya, he specifically asked to bring our titas along.
I remember Tita always seemed happy pag nasa restaurant kami. She'd always explain why she chose a particular food in her plate, and with a jolly face, make some comment. Nung birthday ko, dinala namin sila sa Sambo Kojin. Sa standard na pamilya namin, sosyal na yun. Tita was very much looking forward eating there. Naikwento kasi ni Mama how it is like sa Sambo Kojin. I remember Tita was so excited that she reminded me about it every time na makikita nya ko. And when the actual date came, binigyan nya pa ko ng gift.
Pag prayer lang ang pag-asa mo, may pag-asa ba talaga?
Hindi ko alam. Basta ang alam ko lang, sa araw araw na kasama ko pa ang mga taong mahalaga sa akin, sobrang pinagpala na ko.
Wala akong pasok bukas at sa Friday. Makakalaro ko ang pamangkin ko ng mas matagal. Makakasama ko ring manood ng tv sila Mama't Papa. I am more than thankful, Universe.
Please help my tita.
01:20 AMにcinderellaareus によって書かれました。
From 12am to 9pm, 10am to 7pm na ang shift ko today and for the rest of the week. Thur Fri pa rin ang off.
Robot mode more than ever. Japanese agents were down to 2. Nung 4 pa kami pagod pagod na, ngayon nangalahati pa.
Over 40 tickets, 20+ lang ang nagalaw ko. TL asked me to interview applicants for the Japanese language assessment. Kahit tambak ang tickets ko, I obliged. Kawawa rin kasi. Wala naman siyang ibang maasahan. Alangan namang si Robert.
Nagtanong na rin ako kay TL kung talaga bang 2 lang kami. Binanggit ko na rin na hirap na kami sa dami ng tickets at nagagalit na yung ibang user. Baka kasi hindi nya alam. Hindi ko rin maintindihan kung bakit ang daming japanese speakers sa gabi e halos wala namang Japanese users sa ganung oras.
Siguro may reason. Hindi ko lang talaga alam kung ano. Basta alam ko lang, nakakapagod. I actually thought of working overtime para matapos to kaso pumipitik pitik n yung sakit ng ulo ko. Bahala na. I will do my best, pero hanggang kaya lang.
Mejo natouch ako kay Niren. Lahat kasi ng tasks na binigay nya sakin today e naka English na at ipapasa nalang. Kinuha nya pa yung isa kong ticket. Salamat, Niren. T_T
---------
Birthday ng kapatid ko today. Kahapon, for the 1st time since community quarantine, pinapasok sya sa office ng company nila. When he got home, his daughter was there happily greeting him. It was then that I thought that, "oh, someone owns my brother." Then, I also realized that no one owns me. But it's nowhere near a bitter realization of any sort. More like recognizing something obvious. Ganun. Like, "ay, green pala yung dahon," or "ay, blue pala yung langit." Hindi naman talaga bitter. May liberating feeling pa nga e. Yung tipong, "wow, no one owns me! I'm free!"
I don't think being owned by someone is bad thing though.
Nakakatawa lang na while I was doing all these muni muni, napalingon ako and saw my cat lovingly looking at the lizard on the ceiling. Narealize ko tuloy na, "nah, this silly cat owns me." LOL! And it's not really so bad.
--------
1 day to go at off ko na. Gusto ko manood ng anime movies at mag crochet lang buong araw at makipaglaro sa mga pamangkin ko.
Isang araw pa. Fight!
10:53 PMにcinderellaareus によって書かれました。
Dumating n yung Converge. Makakapagtrabaho na ako ng maayos.
Bago matulog, sis-in-law went into my parents room and saw the 3 of us looking down with a cellphone in our hands, not talking. Lol.
Still, I'm happy I'd be able to work better now. Sakto lunes bukas.
---
Busy as ever. Dalawa parin ang j-agents sa morning. Sa dami ng makakasama ko sa umaga, si Robert pa. Takte.
Pero ok lang. Kaya yan.
Just got an email galing sa TL namin na crush ko. I, and someone from the Chinese team, were added daw sa queue ng Bio****. Backup lang naman daw in case may tumawag outside support hours. Ewan ko. Bat di nlng gawing backup ang lahat para mas magaan ang work load. Though sbi unlikely rin nmn daw n may tumawag. Pero ok lang. Fight!
Same strategy ulet this week. Will do my best, pero hanggang kaya lang.
11:29 PMにcinderellaareus によって書かれました。