Entries for March, 2020
Pangatlong araw ko palang sa night shift pero yung pagod ko, kumo quota na ng isang buwan. Pag sakay ko ng jeep, muntik ko nang sabihin sa driver, "Manong, can you grant me access to your screen?"
Takte. Awat naman na sa dami ng calls, Universe.
06:34 AMにcinderellaareus によって書かれました。
I asked our TL na mag split off ako this week dahil sasama akong gumala with our officemates, hoping she'll say 'no" because I really want to sleep this weekend.
She said yes. Hahaha!
Oh sya! Let's do this.
-------
1am ang lunch time ko. 3:27am ako nagpaalam kumain. Walang avail but I insisted na dapat 1am pa lunch ko. Buti pumayag si PM. Malapit ko nang kainin tong keyboard.
-------
Gutom na ko. Ano na, Shakey's.
-------
I miss my family. I've been going home on an empty house for days now. Parents were having hospital trips for Dad's operation. Niece is in Cavite. Sis-in-law in the hospital. Brother at work. Dog Gigi gone. Ilang araw na kong nalulungkot.
Pero ok lang. I comfort myself to the fact that I still have my family. They're just not around now. Well, except Gigi. Nakakalungkot...
-------
Wahhhh! Shakey's!!! ANO NA????!!!!!
03:47 AMにcinderellaareus によって書かれました。
If it costs you peace of mind, it's too expensive.
There is this person that I want to keep out of my life.
Sa kahit anong klaseng relationship, lagi naman na yung nagka cut ng ties ang nagmu mukhang masama. Siguro ako nga yung masama, but be it.
------
May pasok ako tonight because of slide shift. Hindi maganda yung hot air balloon event na napuntahan namin. Sumuko kami sa sobrang init at tumabay at nagpa aircon nalang sa kotse.
A and J were left on their own though. Mukhang na enjoy naman nila. The girl claims that she's yet to move on from her ex but her actions towards the guy display otherwise. As for the guy... hmmm... iba talaga pag may gusto ang lalaki sa babae no? Because if so, you'll know. He'll let you know. I think J found a good one. Wala naman bitterness sa part ko. Maybe konting inggit lang. Bihira na kasi yung lalaking mag eeffort ng ganyan.
-----
Woke up today with *'s message. I remember him saying the other day, "hindi mo naman ako pinapansin e". I don't know what to do with this person. It's been a while. I feel like I already forgot how to flirt. He doesn't have a car. He doesn't match A's salary. I'm not sure if he has the intellect to boot, but he do have a good taste in music. I can't say I'm interested, but I'm feeling kinda lonely right now.
Paano nga ulet mag flirt? Babae pa ba ko?
10:05 AMにcinderellaareus によって書かれました。
Ilang araw din kitang di na access, tabulas. Akala ko wala ka na for good. Thank you, Roy Kim, from bringing the site back. Bless you! <3
-------
Ambigat ng kaganapan sa 2020. And we're still on the first quarter.
Lockdown na ang Metro Manila dahil sa virus. I live in Bulacan. Katatanggap ko lang ng balita na pwede mag work from home sa company namin basta 1) may dsl na internet connection ka, 2) meron kang desktop PC. I don't have both. Sabi ni Yang, it could take 1 month daw para makapagpakabit ng dsl. Mukhang need ko talagang pumasok.
I had a dsat at work. This will drag my score down, when I'm not even doing that good in the first place. This is my first dsat. Ni hindi ko matandaan kung sino yung user sa dami ng tawag na nakukuha ko sa night shift. Ayoko na rin personalin pa. Siguro pagod lang rin sila, gaya ko. Iniisip ko lang, baka ma stuck na ko neto sa night shift.
Pero alam mo, sa kabila ng kaguluhan na to, nananatili parin akong positive sa trabaho ko dahil kay D---yung bago kong crush. O di ba, sumasaya talaga ang buhay pag may lalaking involved. Lol.
Gwapo si D. Isa sya sa mga TLs namin. Magaling sya, matalino. Hindi ko alam kung bakit hindi ko nagustuhan to dati kahit na papasa sya bilang type ko. Siguro dahil mejo strict sya. Pero lately, parang ang lenient nya na sakin. Naaawa narin siguro dahil late na rin kaming nakakapag lunch sa dami ng calls daily. Iniisip ko lang, ngayong may work from home option na at dahil techy si D, for sure may dsl yun kaya malamang nagwo work from home sya. Wala nang pangpa brighten ng araw ko sa office. Oh well...
-------
Ung isa kong crush, last day na sa company on Monday. Hindi kami magkikita for sure dahil nga panggabi ako. Sobrang thankful ako sa taong yun dahil sya ang nag hire sakin. Sana maging ok ang lahat sa lilipatan nyang work.
-------
Pabilis ng pabilis ang pagtaas ng cases ng COVID-19 sa Pilipinas. Kung nasan man ang future husband ko, sana ok lang sya at hindi sya tamaan ng virus, kasi, Lord, hindi pa kami nagkikita.
06:22 PMにcinderellaareus によって書かれました。
1:46PM. Hindi pa ako natutulog. Ang daming kaganapang negative pero wala ako sa mood na ikwento yun. I'm all feeling sunshiney right now kahit medyo heavy na ang head ko from lack of sleep.
Ampogi nung crush ko.
Sa sobrang tagal ko nang walang kaharutan, minsan kinakabahan ako pag nagagandahan ako sa babae. Baka kasi na convert na ko ng di ko namamalayan. Pero dahil sa crush kong to, sigurado akong babae talaga ko. Lol.
Ayoko sa lalaking masungit. Kaya nga di ko crush to dati e. Pero bumabait na sya lately. At lalong nag-iba yung tingin ko sa kanya dahil sa pinakita nya kagabi.
5PM sya pumasok. He was working fervently to fix the PCs we were supposed to bring home para makapag work-from-home kami. 3AM na, hindi pa pala sya kumakain.
Last night, most of us went to the office only to pick up our pc. Hindi naman talaga kami dapat papasok. But the manager said we should login to recieve calls para paid ang pagpunta namin sa office. It was then that D spoke and defended us to the manager. Promise, ang laki ng kina pogi nya nung mga panahon na yun kahit dati na syang pogi.
I've always seen D as someone hardworking. Kala ko sadyang workaholic lang sya. Mataas din ang standards nya sa trabaho. He expects this same standard to the people he works with. It never occurred to me that he'd care though. Suplado nga kasi yun.
Ayoko talaga sa lalaking masungit, but leadership is a quality in a man that I can't possibly ignore. And D has that. He excels on that. On top pa yan sa skills nya sa trabaho. Ang sakto naman sa taste ko nitong taong to!
Maybe that's why he's not single. Kasi, takte, makakaligtas ba sa babae yung ganyang klaseng lalaki?
D doesn't have a single post about his wife in FB. He doesn't really post so much, but he did post some pictures of his son. I wonder how his wife looks like. But regardless, takte, ang swerte siguro ng asawa neto, no? Kung naging jowa ko siguro to, baka ang dami ko nang nasabunutang babae. Hahaha.
------
Pinagdadasal ko, kasabay ng pagdadasal ko sa safety ko at ng family ko, na sana hindi tamaan ng coronavirus ang future husband ko. Sana rin may qualities sya na gaya ng kay D.
02:21 PMにcinderellaareus によって書かれました。
Talagang bang Day 3 palang ng home quarantine? Feeling ko nakaka 2 weeks na ko. Nakakaaning.
Ang daming bagay na hindi ko ikinatutuwa pero ayoko nang mag reklamo kaya hindi ko na rin isusulat dito. Ang dasal ko lang, sana matapos na to sa lalong madaling panahon.
Sa kwarto lang ako madalas nitong mga nakaraang araw. Lumalabas lang para mag wiwi at kumain. Pwede naman akong tumulong sa gawaing bahay, ayoko lang. Tingin ko kasi, mas healthy sa mga magulang ko ang maraming ginagawa. Pag bored kasi sila, lumalabas sila ng bahay with the excuse na bibili ng pagkain kahit sapat pa naman ang supply. Ayoko rin na tulog ng tulog si tatay sa tanghali dahil baka lalo syang ma high blood.
Ang boring ng buhay. Medyo nakaka depress.
On a brighter side, andyan pa rin ang ilan sa mga kaibigan ko para mangamusta.
Feeling ko, nasa saturate na ang utak ko sa social media.
May online meeting din kami bukas. Kahit medyo nalulungkot ako, ayoko silang makita.
I will probably have an online conference with the ladies anyway. Might hit the sched. We'll talk about stockmarket, and I asked one of my girl-friends to invite her fiance along. He's an expert. He gives talks to big people about this subject kaya sobrang excited na ko.
Oh man, I can't snap out of this super low feeling.
Siguro kailangang kong lumabas ng kwarto.
07:21 PMにcinderellaareus によって書かれました。
Hello.
Day 4 ng home quarantine. Our baranggay will issue a quarantine pass that will enable just 1 person in every household na bumili ng grocery at gamot. 18-50 years old lang ang eligible, so either me or my brother. Brother is on work from home. So malamang, ako. Mom told me to lock myself up in my room, so when the baranggay people shows up, they'll have no choice but to name the pass to either of my parents. Ayaw kasi ni Mama na ipangalan sakin yung pass. Hindi daw kasi ako marunong mamalengke.
Hindi ko alam. Sa totoo lang, natatakot ako.
May mga usap usapan na may mga tricycle driver daw na nagbabalak nakawan ang Puregold dahil nga suspended ang byahe nila at wala silang makain.
Parang ganito ang inaalala ng tatay ko a few days back. Pag nagutom daw ang mga tao, baka dumami ang magnanakaw at akyat bahay.
Tumawag ang bestfriend ko kanina, kahit nasa Malaysia sya at nasa maayos na kalagayan, naisip nya pang alalahanin ang mga tricycle driver na mawawalan ng hanap buhay. Kawawa daw.
Ako, iniisip ko lang kung anong mangyayari sa pamilya ko.
------
Sinusubukan ng kompanya namin na magpadala ng PC saming mga bahay. Yung mga taga Metro Manila, nakuha na ang PC nila. Yung sakin, ewan ko. Mahigpit ang checkpoint dito sa Bulacan. Hindi ko alam kung papapasukin sila dito.
Sabi ng iba, mas marami pa daw namamatay sa ibang sakit kesa sa COVID19. Pero iniisip ko, kung meron pa bang ibang sakit sa kasaysayan na naging dahilan ng pagsasara ng mga paliparan, ng pagpapanic buying ng mga tao, at nang malawakang quarantine ng mga lalawigan.
Nakakatakot.
Sa sobrang takot ko at pag-aalala, hindi ko maintindihan kung paanong nagagawa ng iba na magpatuloy na mabuhay na parang wala tayo sa krisis.
Si Mel, gumawa pa ng GC kasama yung dati kong kasama sa trabaho na gustong gumaling sa English para daw maturuan namin.
Si Jane, nakipag video call pa para ipakita sakin yung baby nya na marunong nang sumipa.
Yung mga kasama ko sa club, busy sa pag aasikaso sa kauna unahan naming online meeting. Kinukumbinsi ako ng presidente na sumali.
At yung kaibigan kong si El Ey, naisipan pang mangumpisal ng damdamin sa taong nagugustuhan nya. Oo, sa kalagitnaan ng krisis ng coronavirus. Ayun, na reject sya.
Iniisip ko kung paano nila nagagawa ang mga bagay na to. Hindi ba kayo nag-aalala?
Mabilis uminit ang ulo ko nitong mga nakaraang araw. Hindi naman ito normal sa akin. Nangyayari lang ito pag takot at nag-aalala ko. Alam iyon ng nanay ko kaya madalas nya kong pagsabihan na wala naman daw mangyayari kung mag-aalala. Baka daw magdulot lang ito ng sakit sa akin.
Nagluto sya ng paborito kong champorado para sa almusal kanina. Araw araw rin na merong hipon sa hapag, bilang hindi naman ako kumakain ng karne ng hayop na may backbone. Binilhan nya rin ako ng lettuce dahil alam nyang mahilig ako sa salad.
Isa sa mga bagay na pinahahalagahan ko sa buhay ay ang aking kalayaan. Ngayong limitado lahat ng galaw namin dahil sa quarantine, natatakot talaga ako. Hindi na ko makapaghintay na bumalik ulit sa dati kong buhay.
Pero siguro, mali nga ako. Mali nga siguro na magpatalo sa takot at kalimutan na sa kabila ng lahat ng ito, pinagpala parin ako sa napakaraming bagay.
Sa totoo lang, ayokong kausapin ang mga kaibigan ko. Gusto ko kasing magmukmok at isipin ang nga bagay na inaalala ko, pero makukulit ang mga kaibigan ko. Ipinagpapasalamat ko na hindi sila basta bastang sumusuko sa akin.
And my pure mother. Sumasayaw sayaw pa sya kanina kahit alam nyang mainit ang ulo ko. Paminsan minsan, kumakanta sya in silly lyrics as if telling me na, it's ok, we can take things lightly.
Marami pa kaming pagkain.
Gumagawa rin naman ng paraan ang kompanya namin para makapagtrabaho kami.
May kuryente, may tubig, may cellphone, may internet.
Siguro hindi naman talaga kailangang magpatalo sa pag-aalala.
Sinend ko kay El Ey yung picture ng crush ko. Kahit sya, umagree na gwapo. Tinanong nya ko kung sure ba akong hindi bading to. Kasi nga, ang daming kong nagustuhan na bading dati. I told her, hindi bading si crush. May anak nga eh. Sabi nya, umiwas daw kami sa taken. So I told her na inspiration lang naman. Bukod kasi sa gwapo to, magaling din at matalino. She understood.
So I look at crush's picture and somehow the world seem to feel a little less crueler. Takte, ang gwapo talaga nitong lalaking to. Sa totoo lang, hindi ako mahilig sa gwapo. Kaya nga hindi ko nagustuhan dati to e.
Ang sarap nya lang rin talagang tingnan. Sa totoo lang, mas bet ko ang mga lalaking masarap kausap. Hindi ko alam kung masarap ba sya kausap, kasi pag nasa trabaho ako, takot ako sa taong to. Mahigpit nga kasi sya. Pero sa kanya parin ako laging nagtatanong pag hindi na alam ng mga katabi ko ang sagot sa tanong ko. Magaling nga kasi sya. Hayyyy, namimiss ko na yung crush ko.
Nasa gitna na tayo ng krisis, pero takte, naiisipan ko pang kumerengkeng.
Pero sa totoo lang... mas kalmado na ko ngayon.
Salamat, Crush.
04:16 PMにcinderellaareus によって書かれました。
A doctor I'm acquainted with posted a notification for his patients saying he won't be able to give online consultations anymore as he will be going on a 24-hr hospital duty.
My tears are falling as I type this. I don't know. I feel like Doc A is going to a battle with no guarantee that he'll be going home alive. Will he die? I feel so sorry. I'm so sorry. While I'm here, safe at home, there are people who are risking their lives in the call of duty amidst the pandemic.
Heavens, isn't this enough already?
---------
I have a colleague who just left the company. Her new employer had extended her supposed start date due do the lockdown. She's now wondering what would happen to her if this community-wide quarantine continues.
I read somewhere that there are downsizing happening in some BPO. There are companies from Europe who are closing down due to this COVID situation and are due to open until further notice. I wonder what will happen to those people who have lost their job now that we're all in crisis.
I feel grateful that the company I'm with is still up and running. That despite the lockdown, they've tried their hardest to send our PCs to our homes. That they're keeping the business afloat.
I am grateful. I will always remember this, company#4. Thank you.
------
Sana ok lang ang lahat ng mga taong mahalaga sa akin.
Sana manatiling safe si Doc A habang nagliligtas sya ng buhay. He's a good doctor. He's a good person. Please protect him and his family. Heavens, please. Protect all of our doctors, nurses and everyone who are saving lives at the expense of their own. Awat na po sa casualties. God, tama na po.
10:46 AMにcinderellaareus によって書かれました。
Sis-in-law's pregnant and is due to deliver a month from now. It must be tough for her with the COVID situation and all. We just found out that the Mayor of Naic was tested positive. Sis-in-law's tito, who is a politician, had a contact with the mayor and is now a PUM. Dumaan pa daw sa bahay ni sis-in-law her tito. That's why my brother keeps on sighing these days. Sobra sobrang siguro ang pag-aalala nya lalo na at hiwa hiwalay sila.
I just read a post encouraging the people who are working from home na galingan. Kasi daw, mas ok yung ganitonh setup. Bawas polusyon dahil di ka na ba byahe. Mas may time ka pa sa mga aso mo at mga mahal mo sa buhay. Mas mahaba ang tulog, etc, etc. May point naman...
Pero para sa taong single, I think this is a terrible idea.
------
Naiirita ko pag may nagme message from dating apps. Like, really?Naiisip mo yan habang nasa krisis tayo? Pero siguro tama lang naman na patuloy paring mabuhay sa kabila ng kaguluhan. Na hindi naman kailangan paikutin mo lang ang mundo mo sa pag-aalala sa kung anong mangyayari sa kinabukasan. Gaano ba kalaki ang pag-asa natin.
I'm not even scared of dying. I'm just scared of not being able to get my life back. My freedom back. My plans back. Alam ko, may ibang tao pang may mas mabigat na problema.
Makikita ko pa kaya ulet yung crush ko?
Yeah. I'm not any different. Lol.
02:16 AMにcinderellaareus によって書かれました。
Unang off ko simula nang mag wfh ako.
Wala lang. Parang may work din. Di ko mapigilang magbasa ng chat sa group chat na pang work. Nakichismis na rin ako ng kaunti. Natutuwa ako na natagpuan ko ang company na to bago ang COVID-19. Natutuwa ako na natagpuan ko ang company na to, period.
---
My ladies are planning for an e-numan sesh on Saturday. May work ako nun. Hahabol nalang siguro ako. Gusto ko ng moscato. Or anything sweet. Puro dry ang wine dito sa bahay. Magso softdrink nalang ako.
Kung tutuusin, hindi naman talaga ako gala, kaya ok lang ako sa buong quarantine setup na to. Nakakausap ko parin ang mga friends ako, nakakasama ko ang parents ko, at nakakapagdilig pa ko ng halaman.
Ngayon ko narealize na hindi pala ganun ka importante ang mga bagay na pinaglalaanan ko ng oras noon. Kasi kahit ngayon na hindi ko na yon nagagawa, ok naman ako. Hindi ko naman namiss.
Hindi man masyadong ramdam, alam ko, binabago tayo ng krisis na to. Siguro pag labas natin, pag nasurvive natin to, magiging better na tao na tayo.
Lagpas isang linggo na ako sa bahay. Nagbago man ang buhay ko, hindi ako nakakaramdam ng lack sa ngayon. Pakiramdam ko kasi, lahat ng kailangan ko, nasa akin na. Kahit ang totoo nyan, wala akong masyadong pera. Haha. Pero ok lang.
Ok rin yung ganito no? Simple.
10:25 PMにcinderellaareus によって書かれました。
Z: sino ba yang DJ Loonyo na yan?
Z: *searches on Facebook*
Z: ooooooooh, nice!
*about 10 vids later*
Z: hmp, mas gwapo parin si D
*watches some more*
Lol.
---
Sumasayaw kaya si D?
09:13 PMにcinderellaareus によって書かれました。
I've been reading Deepak Chopra's 7 Spiritual Laws of Success. These laws have been helping me lot and I feel like it is because of these laws that I'm having a lot of good stuff.
The laws speak of detachment.
The laws speak of non-judgment.
Ang hirap hirap i-practice ng mga bagay na ito these days.
Nakakagalit maging parte ng bansa na pinamumunuan ng isang payasong humingi ng emergency power para magpapicture kasama ng pritong isda.
Tapos sasabihin nyang maswerte ang mga tao (doctors/frontliners) na namatay para sa bayan?
These lives were wasted dahil sa kakulangan mo, g*go.
03:50 PMにcinderellaareus によって書かれました。
Naisip ko lang.
Malabo talaga siguro na maging malapit ako dito sa crush ko kahit tropa levels lang, kasi, takte, kahit tambakan nya pa ng smileys yung mga IM nya twing may pinapasa syang ticket sakin e hindi parin mawala wala ang takot ko sa taong to.
Ba't kaya ganun no?
------
I brought the hot pack to my parents' room as Dad requested. He gave me a wide-toothed smile as I handed the hot pack to which I said something like, "luh, parang baliw", and laughed.
The truth is I'm scared of losing that smile. I'm scared of losing my parents and anyone from my family. I stopped drinking vitamin c because I'm scared that our supply won't suffice for my parents to take until this whole outbreak is over. I'm scared.
Ano bang gagawin ko?
03:24 AMにcinderellaareus によって書かれました。