Entries for June, 2020
Training has started last Monday. 12 days daw ata ito. Ang lamig ng boses nung nga Indiano. Antok na antok ako, Bes. But to be fair, mababait naman sila.
Yesterday, I had this user na naiiyak na talaga ko dahil di ko ma solve yung issue nya. The whole training, I was thinking of his issue kaya wala akong na absorb. Sabaw na sabaw talaga.
They have recordings ng training. Aaralin ko nalang. Sana hindi ako makatulog.
Hayst. Know what, I asked the Heavens for this. Yung ituloy ng client yung contract samin. Ok lang naman. Ayoko rin naman mawalan ng trabaho, pero takte, mega brain bleed talaga.
Ang daming forms. Ang tedious ng process. Ewan.
Siguro hindi naman talaga namin to mage gets the first time di ba? Tatag nga ng mga kasama ko, ni hindi nag no notes.
Papasok pa ko para sa training bukas at sa Friday kahit off ko.
------
Work is easy.
Work is good.
Everything I need is coming to me.
Eto yung nantra ko araw araw bago pumasok. The fact na nakaka sign out parin naman ako ng buhay, siguro nga effective.
-----
Kailangan ko pang i-follow up ilang mga bagay bagay sa club. Konting ire nalang naman at makakatakas na ko sa position ko. Ang weird no. Alam ko naman na hindi nila kasalanan pero minsan naiirita ko sa kanilang lahat. Iniisip ko kung mas maigi bang lumipat sa ibang club. Pagnakikita or nakakausap or kahit naiisip ko lang sila, yung pagod feeling lang kasi ang tanging naalala ko.
-----
Will accompany Mom sa Starmall bukas.
Nasira yung tv. Aalamin lang namin kung pano setup ng warranty.
Naawa rin ako sa mama ko. Hindi mabubuhay yun ng walang tv. We do have other tvs at home, pero ito kasi yung pinakamalaki at ito yung nasa sala. Binaba nya yung tv sa tindahan at nilagay sa sala. Ngayon wala na syang tv sa tindahan. Sa totoo lang pinipigalan ko lang ang sarili kong bilhan sya ng bagong tv. Kailangan kong makaipon para sakali mang merong magkasakit sa amin.
Gusto ko nang yumaman. Alam ko balang araw, mangyayari yun dahil talented ako.
-----
Boring ng walang crush. Walang pang pasaya ng araw. Bilingual lahat ng nasa umaga. Mejo tropa na kasi yung mga yun. Kahiyaan ng i-crush.
Ang daming benefits kung maililipat ako ulet sa pang gabi. May crush na ulet ako, makakatakas pa ko sa unli-from, super brain bleed, tedious process na pag support sa japanese users.
Ewan ko. Tsaka sa panggabi kahit papano, nakakasabay ko sila mama mag almusal at tanghalian. Sa alanganin kong schedule now, wala na kong nakakasabay kumain.
Pero ok lang din. Kahit ano. Bahala na ang Universe.
-----
Ayon sa chismis nung mga nakaraang linggo, may apat na cases daw ng drug-related killings dito sa amin. Ngayon everytime na may naririnig akong pag putok, pakiramdam ko may bago na namang pagpatay.
I don't have the energy to browse my toxic fb timeline anymore. Hindi rin ako masyadong nakakanood ng tv. Hindi ko alam kung ano nang nangyayari sa mundo.
Kagabi, ipinagdasal ko sa langit ang presidente. For guidance, wisdom and protection. I also asked na sana hindi tayo masakop ng China.
Wala e. Hands up na ko.
10:46 PMにcinderellaareus によって書かれました。
My Avaya app stopped working today. For over 2 months, surely there were little issues here and there, pero ngayon lang to hindi gumana ng isang buong araw. Nag clear cache na ko, nag resetup na ko. Tinry ko na rin sa iba pang device, ayaw talagang gumana.
I was off work Thur-Fri, yet needed to report for at least 2 hrs each day for the training. Nakakapanghina ng loob sa hirap. Sabi ng kasama ko sa team, sa sobrang hirap daw napanaginipan nya na daw yung training. Takte, me too! Hirap na hirap akong matulog these days sa kaba sa mga susunod na mangyayari.
I did ask the Heavens for help. Kasi hindi ko na talaga alam gagawin ko. I wonder if my broken Avaya is the Heavens way of helping me out. Syempre hindi ko parin alam. May usap usapan daw ng pagbabalik office for some people. With my Avaya not working, natatakot ako na baka bigla nalang akong papasukin. Ayoko pumasok, buwis-buhay from Bulacan to Quezon City. I have parents who are senior citizens. I have a kitten and 3 dogs. I can't risk passing the virus to them. Pero takte, ako lang ang inaasahan samin para sa panggastos.
Sighs. Hindi ko naman na talaga control ang mga bagay na to. Ang tanging option ko lang e to have faith... then let go.
Bahala ka na sa akin, Universe.
09:53 PMにcinderellaareus によって書かれました。
Day spent with emails and calls from IT. Nakakaaliw ang mga indiano no? Ang hilig sa Webex meeting. Mukha lang galit magsalita most of the time. Dahil siguro sa accent. Pero sa totoo lang, nababaitan ako sa mga taong to.
By the end, nakuha sa hotspot yung Avaya ko. Antagal kumilos ng Converge. Baka nakabalik sa ko sa office, wala parin kaming internet. Takte.
Monday na naman bukas. Hay, Lord, kaya ko to!
-----
I used to be very fond of this person, you know. Pero ngayon, kahit wala syang ginagawa, naiirita ako. Even at times when he seemed to mean well, nabibwisit ako.
Even the sweetest words taste bland these days.
Let's part ways. Please.
-----
Naipasa ko na ang ilan sa mga rewards para sa club. Unti unti ng nauubos ang mga nakakabad trip na pasanin ko sa buhay. Mejo natarayan ko pa yung isang member. I felt like I needed to remind that person that I'm not getting paid to do all these. Everyone else naman e ok. Sya lang yung nakakabwisit talaga e.
Hindi ko rin na appreciate ang offers of help kung iha-hassle muna ko bago tulungan. Nakakairita lang. Nakakairita. Basta.
After this, I'll remove majority of these people from my life. I have every right to do so.
Ayoko na.
-----
Someone confirmed na may mga kinausap daw na kailangang bumalik sa office. Yung mga may Avaya issue ata. Nakakainis na kung kelan may ganitong ganap e saka pa nagloloko yung Avaya ko. Sana ok na talaga to bukas.
09:57 PMにcinderellaareus によって書かれました。
Masaya ako today dahil Wednesday na at off ko na naman bukas. Syempre, papasok parin naman talaga ko para sa dalawang oras na training. Pero kahit ganon, masaya ako today.
Assessment kanina. Nung unang tingin ko, feeling ko andali lang . Pero takte, lagpas 5 na hindi ko pa nasisimulan yung exam dahil sa call tas napasahan pa ko ng chat. Argness. Nataranta ako ng very slight dahil 6 ipapasa yung test. Pero in the end, ok naman.
Natuwa lang ako sa mga kasama ko sa trabaho. Ang babait kasi nila. Basta. Natuwa rin ako dun sa pinakabagong kiddo sa JP team. Smart kiddo. Suma Cumlaude sa UP Diliman under foreign language studies major in Japanese language. N2 passer. 1 take. Very smart kiddo, pero walang ka ere ere.
Tinatag na kasi ni TL name ko sa GC dahil past 6 na hindi pa ako nagpapasa. The kiddo then sent me a message saying, "sabihin nyo lang po if need nyo ng help". Tamis lang.
Sa totoo lang, nakakapagod parin. Pero bukod sa sweldo, bawing bawi rin ako sa bait ng mga kasama ko sa trabaho. I am more than grateful.
Nag voluntary OTY ako today para tapusin yung ang pag update ng 17 tickets na nasa pangalan ko. Kahapon, 32. Hindi ko na rin nagalaw yung ibang tickets. Bahala na. Sabi nga nung kasama ko, sa hanggang kaya lang dapat.
Mas kalma na ako ngayon. Although a few days ago, or even today, may mga times parin na nakakakaba, nakakataranta that sometimes I feel like smashing the keyboard. Sometimes I feel like crying. And on not so few occasions, I actually did cry. Lol. This girl rarely cries.
Iniisip ko na lang, umiyak din naman ako nung college. Pero kinaya naman. Kaya ko rin to.
Thankful ako sa lahat ng meron ako, at hanggang nandito ako, gagawin ko ang best ko. Pero kahit ganun, one day, yayaman ako enough to the extent na hindi ko na kailangang magtrabaho.
------
Will accompany Mom sa palengke bukas.
Tas sa Friday kukunin namin ang mga gamit ko sa place ko sa Manda. Dapat nung April pa ako naka alis dun kaso inabot ng lockdown. Iniisip ko kung pagbabayarin ba ko ng may-ari sa over 1 month na natengga dun ang gamit ko. Sana hindi. Takte.
Ok lang.
Birthday ng mama ko sa 23rd. Pinayagan akong mag leave ng TL namin. I am happy.
And babaw ng nga ganap nitong mga nakaraang araw. But I feel content. Ang mahihiling ko lang talaga ngayon e safety and protection sa aming buong pamilya, cat and dogs included.
Tapos syempre, siguro, mas maraming marami pera pa. Hehe.
11:02 PMにcinderellaareus によって書かれました。
Wala lang. Bad trep. Arrahwahahsji2sjha!
Lol.
Petix pag Saturday Sunday sa work. I used this time para mag review at panoorin ang recordings sa training. This girl is not so good with multitasking, so di ko alam. I was told I missed a chat. Pero I remeber keeping that window open and visible para kita ko pag may dumating. Feeling ko wala akong namiss. Pero ewan. I asked about it dun sa nagsabi and I gave possible scenario pa. In a way, siguro nga defensive lang ako.
Karma being a bigger bitch, naka projects pala ko for more than 80 minutes. Kausap ko kasi IT. Ang alam ko hindi kumagat yung aux 6 ko kaya nagpaalam ako na mag off ng data para walang pumasok na call habang kausap ko yung IT. Nakakainis lang. Kumagat pala yung aux 6. Hindi ko naman talaga alam. Nakakainis.
Ayoko lang isipin nila na nanlalamang ako sa trabaho. Although siguro hindi naman talaga nila iniisip yun. Nakakainis pa rin.
Totoo, paminsan minsan lumabas ako ng kwarto ko where I work to play with my cat pag sobrang avail. Pero bumabalik ako kagad para mag check ng chat. I dont really feel attacked. I just... I don't know.
The topics in the training felt a little easier when I watched it the 2nd time around. Pero out of 6 ata yun, 2 palang napapanood ko. Hindi pa naa upload nyan yung mga bagonv recording. Ayoko namang manood on my days off. Those days are for my family and the things I care about. In a way, maswerte pa rin ako na weekdays ang day off ko at I have the time to review while on shift during weekends.
Basta. Let's take it one day at a time. Kaya yan.
-----
Ang sama ng pakiramdam ko kanina. Lumelevel up ang ubo at sipon ko. Mejo nakakakaba kasi last Friday when we went out, nilibot ko yung parking lot para sa dala naming kotse. Naiwan ko kasi yung phone ko sa loob kaya di ko matawagan yung driver. Ang talino no? Ewan ko. Sa tagal ng pag libot ko, idk kung nakasalubong ko ba yung covid. To make things worse, I was in QC. Antaas ng cases dun.
I popped 2 tablets of lysine kagabi tas 2 tablets ulet ngayon. Nag extreme measures din ako based sa mga recommendation ni Ted sa Earthclinic. After a few hours, no more cough and runny nose. As far as I know, di kasali ang runny nose sa symptoms ng covid. Still, better be safe than sorry. I feel totally fine now.
Monday ulet bukas. Panibagong pakikibaka. Bring it on
-------
Nakakaramdan na ko ng boredom at kaunting need for human interaction, pero ayoko parin lumabas ng bahay.
Nakakamiss makipagharutan. With all the kamundohan aside, in pure innocent liking, sa tingin ko, bilang babae, mas sumasaya ang buhay kung meron kang at least isang lalaki na... ano nga yung term? Tinatangi? Basta.
Naiirita ako lahat ng nagme message sakin. Isa lang naman ang lalaking nagugustuhan ko at the moment, may asawa't anak pa. I can't find time to meet new people online kasi bukod sa mejo busy naman talaga ako e, wala lang, nakakatamad din.
Ano bang gagawin ko para lumiwanag ang kinabukasan ng lovelife ko?
I actually like my life as is. Ang daming mababago pag may nadagdag na tao sa buhay mo no. Pero sa ngayon...
Alas dyes na. May pasok pa bukas. Saka ko na to iisipin.
Ja!
10:14 PMにcinderellaareus によって書かれました。
11:31pm. Hindi naman maganda ang mood ko kaninang umaga pero ngayon parang ok na.
Birthday ng mama ko bukas kaya naka leave ako. Bibili ako ng mamahaling cake bilang nakatipid naman kami ngayon dahil hindi na kailangan mag buffet.
Pero more than anything else, I am grateful for the life of my mother.
-------
Hindi ganun kabusy sa trabaho ngayong araw. Busy ata si Divya kaya di nakapag assign ng tickets. Pero di ko parin natapos lahat ng english tickets ko dahil late na naibigay. Nakalimutan kasi akong bigyan ni TL. 18 tickets today. Hindi naman talaga yun konti, pero mejo hindi ako satisfied pag hindi pumapalo ng bente ang tickets ko. I have this workmate na kasama ko sa japan team na nakakatapos ng over 40 tickets sa isang araw. Nakakapag chika chika pa sya nyan, samantalang ako, haggard na haggard na sa bente. On top of that, andami nya pang nakukuhang csat. Wala lang, ang galing lang. Talent kaya yun?
I keep my notes organized at work. Meron din ako templates para sa emails, chat and whatnot. Nag shortcut key rin ako sa notepad para madaling buksan, at may key words lahat ng items sa note ko para madaling i-search... ano pa kayang kulang? paano kaya maging productive at efficient pero kalmado pa rin no? This officemate is far from being calm though. Pero kahit na, ang galing nya parin.
-----
A friend sent me a message yesterday asking me why i didn't renew sa elite. Later on, the friend offered to pay for my renewals. Funny because this was the 2nd time that someone offered to pay para mag renew ako. Iniisip ko kung mukha ba talaga akong mahirap. Lol.
Few months ago, this same friend also offered to pay for my joining fee to some club-related event na nakalimutan ko na kung ano. This time again, I declined. Hindi naman ako ma pride na tao. I'm comfortable in receiving people's generosity. Kaya lang naman ako nag decline, kasi ayoko talaga. Mejo na konsyensya rin ako ng very slight kasi baka kaya willing sya magbayad ng renewals for me e dahil need pa nya ng more members sa club nya. In a way, I really felt sorry.
It's not really an issue with money. Sa totoo lang, excited na kong matapos ang month na ito para makalaya na ko mula sa club. I want to feel like I own my time again. Ayun lang naman. I still plan to go back. Maybe on the same club. Maybe on a different one. Hindi ko pa naiisip. Basta sigurado ako na gusto ko parin maging world champion balang araw.
Pero sa ngayon, gusto ko muna maging malaya.
------
Tinext ko si meguri kanina. Nagpahelp sa japanese email ko for work. Nahihiya na kasi ako magtanong sa mga kasama ko sa trabaho. As always, mabilis naman syang nag reply.
Dati kong boss si meguri. Nasusungitan ko nga to dati kasi naiirita ako noon at nakukulitan sa kanya. Pero ngayon, even years after he left the company, hanggang sa ako rin, nakaalis na, andyan parin sya, always ready to help. Isa sya sa biggest blessings na binigay sakin ng langit. Minsan feeling ko angel talaga sya na nalaglag lang dito sa lupa. Nakakatuwa na nabigyan parin ako ng mga taong tulad nya sa buhay ko kahit ang totoo nyan, mejo masama talaga yung ugali ko. Lol.
-------
Napupuyat ako kahahanap ng bibilhing knitting yarn sa lazada. Kabibili ko lang sa sm, palengke at bookstore. Ni hindi pa ko marunong mag knit. When I told bff I'm learning how to knit, she was like, "di ba tinuro satin yan nung highschool?"
Medyo na confuse ako, I felt like I had an amnesia because I have absolute zero recollection on learning crochet. Then I remembered na excempt nga pala ko sa home economics nung hs.
I want more yaaaaaaarn!!! T_T
-------
Hindi perfect ang mga pangyayari nitong mga nakaraang araw. Pero araw araw, laging merong pwedeng ipagpasalamat.
Salamat, Universe.
12:25 AMにcinderellaareus によって書かれました。
44 tickets today. Nabigyan nga ata ako ng tickets while on leave. Lol. Nag ot ng very slight. Ni endorse ko na yung dalawa. When Carina asked if nabigyan na ko ng ticket nung morning, nagsabi na ko na meron akong sangkaterbang japanese tickets. Hindi ko rin naman kaya pang galawin yun kung bibigyan nya pa ko ng English tickets.
Still, no complaints, no surrender!
Off ko ulet bukas. There are talks na babalik daw ulet ang mga checkpoint sa lugar namin. May nagpositive kasi sa kabilang baranggay. Baka daw may mamasyal dito na taga roon.
Dad hasn't been feeling well lately. His heart rate keeps on shooting up. We're scared of bringing him to the doctor dahil baka ipa-quarantine sya at lalong magkasakit pa don. May mga kakilala akong doctor, nahihiya lang talaga ako magtanong. May online doctors ba? Pano kaya ang setup? By appointment ang opd sa hospital malapit samin. Dad is having regular consulation para sa prostate. He usually go on his own. Pero dahil madalas sya mahilo these days, will accompany him sa hospital on Friday.
Nakakatakot. Ayoko pumunta sa hospital. Huhu.
Sighs.
We were supposed to go to sm tomorrow to buy phone pang bday gift kay mama. Pero dahil sa bagong covid scare, takot na naman kaming lumabas.
-------
Ang pogi nung kapitbahay namin. Crush ko to nung bata pa ko. Mas pogi sya nung bata pa ko. Para kasi syang si Rukawa sa Slam Dunk. Pogi parin naman sya ngayon. Pati yung younger brother nya pogi din. That guy's around my age, di ko manlang na bingwit. Ang awkward ko kasi dati around handsome men. Lol.
Anyway, ka chat ko si neighbor kanina. Wala lang, ang bait nya pala. Iniisnab isnab ko to pag nakakasalubong ko sa labas. Dapat stoic para di mahalatang kinikilig. Haha. Takte, ang highschool.
But this guy is already on his nth wife. Ayoko maging n+1.
-----
Napanood ko sa news kanina about this woman na umasenso sa looob lang ng 3 months na lockdown. Nakabili na sya ng kotse at nagpapatayo pa ng ikatlong store nya.
I haven't felt this envious in a while.
All this time, iniisip ko na kailangan ko ng mahabang panahon para matupad ko ang nga bagay na gusto ko. Yet someone was able to do it in just 3 months!
Ano bang pwede kong gawin?
10:54 PMにcinderellaareus によって書かれました。