Entries for August, 2020


月曜日. August 3, 2020

10:29

Naranasan mo na ba yung sa sobrang pagod mo parang nasusuka ka na?

9 calls, 18 backlogs.

There were days when I had more, pero siguro kaya nahihilo na ko sa pagod e dahil there were times na pinagsabay ko yung chat at call dahil nahihiya akong mag aux dahil konti ang tao namin.

This girl can't multitask. 

Ewan. Minsan mejo nakakainis na kailangan ko pang mag sorry pag mag a aux ako e ginagawa ko lang naman ang trabaho ko. Nung mga alas 3 na, kahit walang avail, nag lunch ako kasi mejo nagba black na yung paningin ko sa pagod at gutom.

With the intergration, dumami ang users na sinusupport namin. Hindi ko alam kung may mga nahire na ba, pero sa Japanese, training na daw. Kahit weekends, takte, queuing. 

Hindi pwedeng ganito. Ayoko magkasakit. Ayokong maospital ng dahil sa pagod. Hindi ako naglileave kasi kawawa rin yung mga kasama ko sa work na maiiwan para mag support.

Ilang araw na rin akong hindi makatulog. Naiisip ko yung mga tickets na nakapending sakin na hindi ko manlang nagalaw. At yung mga tickets na hindi ko alam kung paano ko ireresolve.

Pero takte, hindi pwedeng ganito. Ayoko paring mag ot.

Nung out ko na, nagtratrabaho pa si kuya. Oty. Sabi ko, "para tayong alipin no? Paid lang. Pero alipin parin."

Hayst.

I dont want to hate this job. I need this job. Dear Universe, please help me.


10:53 PMにcinderellaareus によって書かれました。

コメントを書く


* * * *

. August 4, 2020

Uncertainty

Just got a message a few hours back na makakaron daw ng language fluency interview ang Japanese team. Nakakatakot. Takte. Bakit parang wala namang ganun ang Chinese at Korean.

Alam ko marami akong reklamo sa trabaho, but Heaven knows I need this job. Kawawa naman ang nanay ko. T_T

Lord, please help me.


11:54 PMにcinderellaareus によって書かれました。

2 コメント


* * * *

木曜日. August 6, 2020

Thursday

Rest day today.

Dumating ang baranggay at nagkaron ng libre bakuna ng anti-rabies para sa mga aso at pusa. This is a yearly thing. Our pets seem to be calmer if I'm the one carrying them during vaccination, so most of the time, trabaho kong buhatin ang mga aso at itapat ng pwet nila sa maliit na butas na opening ng tindhan namin para ma injection-an. This year's a little different because we now have a cat. My cat is scared of strangers. Kahit sa kapatid ko takot yun. I asked the baranggay people na wag muna mag ingay para di matakot yung pusa. Needed to wrap my Juifen inside a jacket para di mangalmot at mangagat. After some hissing and clawing, we managed to have him vaccinated without getting a single scratch.

Also today, we had the language interview for work.

Know what, I have this japanese ticket na pinopreblema ko dahil di ko ma resolve. Because of this, part of me don't really mind getting kicked out of this job. Pero, takte, Universe, I need money.

Kung ako masusunod, I just want to spend time with my family, mag crochet, makipaglaro sa mga alaga ko at manood ng k-drama or anime. Nung kababalik lang namin sa taiwan, na home quarantine ako ng 16 days. Feeling ko kulang na kulang parin ako sa baksyon. Kahit wfh ako, during may workdays, naho homesick parin ako. Lol. Ang weird lang.

Gusto ko nang yumaman.


11:34 PMにcinderellaareus によって書かれました。

コメントを書く


* * * *

日曜日. August 9, 2020

Sunday

24 tickets today. There are over 40 tickets under my name na di ko pa nagagalaw. Iniisip ko kung kelan ba mauubos ang mga tickets na to. Basta, I will do my best, pero hanggang best lang.

About a week back, I had a mini argument with Robert, who is the sole Japanese speaker na kasama ko sa AM shift. Wala lang naman. Medyo nagulat lang ako kung saan nya napulot yung tibay ng sikmura to ask me kung ilan ang mga Japanese tickets ko. Wala naman akong planong makipag argument. Daming trabaho, sayang oras. Sinagot ko lang talaga yung tanong nya sabay send ng screenshot to show the glaring difference ng productivity naming dalawa. Lol.

Nag message si TL na wag ko na patulan. May long line pa ko ng users na naghihintay to be attended kaya hindi na rin ako nag reply.

Sa totoo lang, nakakainis. Style nya kasi yung pag may pinapa update na ticket sa kanya, di nya pinepending sa name nya. Update lang talaga. Kahit Japanese pa yung ticket. Di rin ako magtataka kung bakit kahit off ko may mga ticket endorsement parin sakin, kasi alam ko naman na hindi talaga sya maasahan.

He works sa office now. Stable ang internet connection at may working actual Avaya phone pero andami nya paring reklamo na parang sya pa yung dehado kaya halos hindi nya ginagalaw yung mga ticket na nasa pangaan nya.

Before Converge came, I've been using may cp's data para i-connect ang office pc ko sa internet. Pahirapan kumuha ng signal bago maka connect sa Avaya at madalas pa ma disconnect. Pero kahit ganun, hindi naman bumaba ng ganyan ang productivity ko.

Pero ok lang. I refuse to surrender my peace. Ayokong idagdag si Robert sa mga problema ko sa buhay.

I'd do my job. Same strategy. Hanggang kaya lang.

--------

An extension to our house is being constructed for a week now. May naging problema sa bubong and we had a mini argument over it kaya ang bahay namin na dating puno ng kulitan at tawanan e tahimik at wala nang kibuan. But I know we will get past this.

We could've prevented all this from happening kung nag drawing lang sana ako ng plano para sa ginagawang kusina. Pero pagod kasi ako sa trabaho at 2 days nga lang ang pahinga ko para magawa yung mga bagay na gusto ko, tapos nag do drawing pa ko?

Nakakainis lang we know very few competent workers who can replace. Lahat nasa malalayong lugar pa. 

But again. I refuse to surrender my peace. We'll just do what can be done, then let the problem fix itself.

--------

Red alert today so there is this hammering pain in my lower abdomen. Kung ako masusunod, ayoko talagang pumasok. Kawawa lang rin kasi yung kasama ko sa trabaho today. 3 persons lang kasi ang agents pag weekend ng umaga. Pag Saturday nga, 2 lang kami. Kung sakin kasi mangyayari na ako lang mag-isa ang maiiwan mag susupport, iiyak siguro ako. Lol.

Pero kung si Robert siguro ang kasama ko, aabsent ako kahit weekend. Char.

--------

Andaming mahirap na ticket these days. Iniisip ko nga kung naging IT ba ang course ko at hindi Civil Engineering nung college, magiging mas madali ba para sakin to?

Pero di ba, nakakagawa nga ko ng Tabulas template without any knowledge in html, so siguro my future naman ako kahit paano sa trabahong to? Lel. 

Andaming ginagawa. Ilang ticket kaya ang ibibigay sakin ni Divya bukas? Di ko pa nga nagagalaw yung iba.

--------

Pahihigpitin pa ang MECQ sa SJDM starting tomorrow. May announcement pa nga ang baranggay kanina. May liquor ban, mandatory na pag gamit ng face shield, curfew, bawal lumabas ang senior at bata, etc, etc.

Ok lang. At least mapipilitang hindi lumabas ng bahay ang mga magulang ko. 

As long as I still have the people I care about, kahit ano pa yan, kaya ko yan.


10:12 PMにcinderellaareus によって書かれました。

コメントを書く


* * * *

月曜日. August 10, 2020

Sudden thought

J? Kamusta ka na? May utang pa akong love letter sayo.

-------

Nagawa kong mag uninstall and reinstall ng Jabber on my own today. Parang anlaking ang achievement. Parang IT na IT na talaga ko! Lol.

Holiday in Japan today so there were very few calls and chats nung umaga. Wala rin si Divya so hindi nadagdagan ang sangkaterbang ticket na nasa pangalan ko. Nagka oras din ako mag test ng troubleshooting na gagawin ko sa isa sa mga Japanese users ko pag balik nila bukas.

Isa sa mga questions dun sa language interview e kung ano daw gagawin pag may teido warui (masama ang ugali) na user. Kahit yata sa english or tagalog e hindi ko alam ang isasagot ko sa tanong na to.

I have one ticket that's been keeping me awake at night. Difficult person kasi yung user. Hirap kausap. Ngayon ko lang na check, associate director pala sya. Sa kasamaang palad, may isa pa akong ticket na para sa kanya.Takte, bahala na.

Anong gagawin mo pag may difficult na user? 

Kung ibang nationality, parang mas madali i-handle. But Japanese are particular when it comes to politeness. Kaya hindi ko talaga alam.

11:51 na. Ang hirap matulog these days.


11:53 PMにcinderellaareus によって書かれました。

コメントを書く


* * * *

火曜日. August 11, 2020

Byouki

2 days nalang at off ko na, napa absent pa ko.

This could be just allergies. Madalas naman talaga akong may sipon. Pero takte, ansakit ng ulo. Parang may sariling buhay. 

Andami pa man ding ticket. Tokwa. Baka lecturan ako nung user kong assoc director pag next week ko pa sya mabalikan. T_T

Gusto ko na rin mag message kay Divya na, "I am absent and sick today. Please don't add more tickets under my name." 

Lagot ako neto bukas. : (


09:56 AMにcinderellaareus によって書かれました。

コメントを書く


* * * *

土曜日. August 15, 2020

Saturday

My daydream last night involved a scenario on what I'm gonna do if mabibigyan ako ng chance na bumalik sa past at baguhin ang mga decisions ko sa buhay. Minor stuff. Tingin ko wala naman talaga akong pinagsisisihan sa mga pinaggagagawa ko noon. 

Pero kung bibigyan ka ng chance na bumalik sa past to start over again, babalik ka ba?

Ako, hindi na siguro.

--------

When was the last time I left the house?

Nakalimutan ko na ang feeling ng nakasuot ng sapatos. When we went to SM few months back, naka tsenelas at harabas clothes lang ako. Lol. Ok lang, naka mask naman. They wouldn't know it was me.

I have absolutely no problem about having to stay home. Nalulungkot lang ako because my niece and nephew are not here. A day before they left to Cavite for my baby nephew's vaccine schedule, I was watching tv with my niece and she told me, "Tita nalulungkot ako. Ayoko kasi pumuntang Cavite. Gusto ko dito." She never said anything like this when her mother is around. Kawawa naman ang pamangkin ko. Naiwan pa nila yung dede nya rito sa bahay.

When she said that, I told her na uuwi lang rin naman sila agad. But then, MECQ happened. And now I don't know if they'll be able to go back home after 18th. I miss my niece so much. T_T

Nakakapraning to have children at a time like this. 

------

Ewan ko kung guni guni ko lang, pero parang ang cute ni kit neito. Ang galing nya pa. Fit. At may taste pa sa sapatos.

Pag natapos ang pandemya lilipat na ko sa Cainta. 

Char.


10:33 PMにcinderellaareus によって書かれました。

コメントを書く


* * * *

. August 24, 2020

Rise and shine

Monday na naman.

Sira ang tools kahapon. Took calls and chats kahit walang tools, so by the evening, I'm seeing my name sa gc with our QA justifying to those who didn't want to auto-in dahil may tools issue din na bakit naman ako daw kumuha pa rin ng calls at chats kahit walang tools. Lol.

Takte, ang hirap kaya. Naawa lang talaga ko sa kasama ko. 2 lang kasi kami. Sana ayos na ang tools today. Baka hindi ako payagang mag aux dahil kinaya ko naman mag auto in kahapon. Jusko, good luck talaga.

-------

Iniisip ko kung magsusubscribe ba ko sa netflix. Mura lang naman, pero so far, ok naman yung mga libre sa fb. Takte, ang hirap lang hanapan ng movie si papa. Unli scroll down. 30 minutes na wala pa rin syang napipili.

To Netflix or not to Netflix.


08:31 AMにcinderellaareus によって書かれました。

コメントを書く


* * * *

月曜日. August 24, 2020

Cras

I was expecting 3 users. Nagulat ako nung over 20 na yung nag join sa webex meeting na nisetup ko. Panel kung panel. Tokwa. Pinagpawisan ako ng very slight nung hindi kumagat yung password synch. Buti nagawan ng paraan. 

He sounded like a true legit Japanese. Pero nung nag English sya, Pinoy accent. Tapos pangalan nya, tunog Indian. Tried to search his name sa fb, takte, andaming may parehas na pangalan.

Natuwa lang ako on how he helped me explain things dun sa mga kasama namin sa webex meeting. Bait kausap e. 

I have no idea how he looks like, pero cras ko to.

Sa dami ng users from different countries na sinusupport ko araw araw, sana may mabingwit naman ako kahit isa. Yung pogi, mabait, matalino at maraming pera.


08:54 PMにcinderellaareus によって書かれました。

コメントを書く


* * * *

火曜日. August 25, 2020

Random

When I was younger, I used to wear my busyness like a badge of honor. I still do sometimes. Pero minsan, parang masaya rin yung may time ka na tumahimik sa isang sulok para mag munimuni.

-----

Salmon belly ang ulam namin kanina. Masarap naman. Hindi ko lang maintindihan kung bakit laging belly at wala manlang laman. One time, Dad mixed salmon with bangus, akala nya we wouldn't notice. 

I started eating fish about a month or so ago. Naisip ko kasi yung mercury poisoning sa hipon. When I watched a vid on fb where a fishing hook got stucked in a shark's mouth, I felt sorry. Then there's that feeling again na parang wala akong karapatan to feel sorry because I eat their kind. Siguro kaya ko naman maging complete vegetarian. Or maybe I just need to stop watching animal videos.

Alam mo bang ang sarap pala ng barrio fiesta bagoong? Sobra, best bagoong ever.

Takte, ano ba to. Puro food ang naiisip ko. Kakakain ko lang.

------

Been watching the kdrama, Healer, kaya lagi akong puyat. Having watched a lot of kdramas, I know they all follow the same formula. Pero kahit ganon, nakakahook parin. My top 3 faves remain to be:

1. It's okay, that's love

2. Pinocchio 

3. I am not a robot

Any kdrama and movie recommendations?

-----

1 day nalang, off ko na. Yehey.


09:57 PMにcinderellaareus によって書かれました。

3 コメント


* * * *

水曜日. August 26, 2020

East or West

Episode 13.

Huminto na ko ng panonood a little past 12 pero di ako makatulog. Takte yung cliffhanger na ending. At yung east or west part, putek, nakakakilig. Mahal ko na yata si Healer.

----

4 more hours at work. Hilong hilo talaga ko sa antok today. Babawi nalang ako after ng day off ko.


03:00 PMにcinderellaareus によって書かれました。

コメントを書く


* * * *

木曜日. August 27, 2020

Kitsui

Dad promised to pay, so to Netflix it is!

Sa dami ng choices, umikli lalo ang maikli kong pasensya at attention span. Puro umpisa lang napapanood ko at wala akong natapos.

But today, I finished Healer.

Nakakainis yung ganitong feeling. Parang napamahal ka na sa mga characters, tas ngayong natapos mo na, you feel lost and nowhere to go. Takte, ganito rin pakiramdam ko dati everytime na natatapos ko kada book ng Harry Potter. Same with my other favorite series.

Tokwa, nakakalungkot.

About a week back, brother was raving about this movie he watched. The title's Fabricated City. Watched it kahit talagalized at low quality. My brother rarely rave about movies kaya nacurios din ako. Infey, maganda.

That's why I landed sa Healer. Naghanap kasi ako ng kdrama na nadun yung bidang guy. Ji Chang Wook. I love the charater, but the actor himself, kamukha ni Y. Pati mannerisms maraming common. That part, I don't like. Haha.

Thinking of watching another drama from this dude. Sobrang pogi and perfect ng mga bida ng kdrama, nakaka frustrate. I remember Y was like that when we first met. Until I get to know him better. Lol.

Hayst. Can't shake this sad sad feeling. Maybe I should just watch another series.

-------

Trabaho, tv, kain, tulog, crochet, repeat. It's not really bad, pero minsan mapapaisip ka talaga na, ganito nalang ba?

Don't get me wrong, I love staying home... iniisip ko lang kung healthy ba para sa tao yung too much comfort. I feel like I should be using this time to find a way to get myself off the cage of employment and be free. Own my time. Pero alam mo, this cage is one of my biggest blessings. 

See, right now, the cage means, protection. And provision. That's why I'm really really thankful for this cage.

But I can't stay here. I would like to believe that I'm not meant to be caged. Pero, ano bang dapat kong gawin?


09:07 PMにcinderellaareus によって書かれました。

1 コメント


* * * *
« 2020/07 · 2020/09 »

私について

My name is Z. Let's get along :)


ナビゲート

ホーム
アーカイブ
プロファイル
ギャラリー
お友達
Friendsof
お気に入り

メッセージボード



クレジット

レイアウト || zaia
画像1 || R A V E
画像2 || ruffled
パターン || hongkiat
ブロッグホスト || Tabulas
コンテンツ|| zaia


***

Google Analytics Alternative

http://www.hitwebcounter.com/
Counter For Wordpress


adopt your own virtual pet!
online
Online Casinos