Entries for September, 2021
Ang cute ng boses nung kausap kong Japanese kanina. Para syang anime. Kinilig ako ng very slight.
Naalala ko pangarap kong mag asawa ng foreigner dati. Hindi ako masyadong attracted sa white. Mas bet ko yung asian.
Pero sa ngayon, hindi ko na alam. Ang dami kasing kaganapan at hindi ko na maisiksik ang mga bagay na feeling ko, hindi naman talaga mahalaga.
Balak kong maglayas samin. And I'm going to bring my parents with me. Normally, children run away from their parents, and not with them, di ba. LOL. It's kinda ridiculous. I'm having 2nd thoughts on bringing them though.
Brother and I had a fight again. Petty reasons as always. I wonder if this is how Dad felt when he and my late uncle, Tito Peping, were fighting. Tito was so much like my brother, you know. Except that my brother doesn't really hurt anyone physically.
I remember Dad used to say that Tito was actually very loving despite his nasty attitude. I can say that the same is true for my brother. A good man, with an evil temper.
Pero alam mo, I realized that you can love people all you want, but if you don't treat them well, then it's all useless.
USELESS.
I'm currently looking for a place to move in. Ang mahal. Ang hirap. Hindi practical. So, I'm challenging myself to gather a huge amount of money in 3 months. Enough to buy or build a house without taking a home loan. Sana kayanin.
I kinda feel sorry for Mom. When siblings fight, yung parents ang naiipit. She said she'll come with me if I'll move out. But I know it will break her heart if she'll leave my brother and her grandchildren. Naisip ko na rin na tiisin nalang ang ugali ng kapatid ko... pero kasi, I'll eventually leave anyway. I might as well do it now na mejo bata pa ko and can still earn much, lalo na't pandemic at mas konti ang gastos.
Nung una, mejo nalulungkot pa ko. Pero ngayon, mejo nakaka excite. I prefer to build the house, instead of buying ready built ones in subdivisions. Hindi naman kasi kami sanay sa sobrang liit na bahay. Will be meeting parin someone from Camelia homes this Thursday.
Pero icha challenge ko parin yung sarili ko to produce at least 1M in 3 months. Sana talaga magawa ko to.
05:07 PMにcinderellaareus によって書かれました。
Been busy lately. Paisa isang episode lang ng Bleach ng napapanood ko. Kagabi, I had a recurring dream about Rukia sticker at... tokwa, hindi ko maalala. Paulit ulit akong nananaginip ng same dream tas nagigising tas nananaginip ulet.
Haven't been feeling well these past few days. Mom and Dad are sick too. Bro and family are staying in their room most of the time para hindi mahawa ang mga bata. My baby nephew seems to miss Mom. Siguradong malulungkot sila pag lumipat kami ng bahay. I'm looking for a place near our house. I've been talking to a few agents, pero wala pang nakakapag dala sakin sa actual place. Dahil rin ata sa pandemic. Umaasa pa rin ako na hindi scammer tong mga to. Lol.
I have sold-out 3 items on my Shopee store. Not so much, pero gusto ko pa rin i-celebrate ang bawat progress kahit gaano kaliit. Sabi ng kasama ko sa trabaho, ang hirap daw magpayaman. Siguro totoo, pero ayokong ilimit ang sarili ko sa mga ganitong klaseng opinyon lalo na't hindi ko pa nasusubukan.
I shipped out an item earlier. Naka facemask ako while preparing at panay ang punas ko ng lysol sa bawat layer ng packaging para siguradong safe ang buyer ko. Hindi kalakihan ang kita, tas may deduction pa sa commissions, etc, mga 3-4% sya from sales. Pero kahit ganun, hindi ako nagtipid sa bubble wrap, at binigyan ko pa ng freebie stickers na gawa ko yung buyer. My negosyante mom may not approve, buy I'm kinda feeling generous these days. They are my first buyers. Kung wala sila, malulungkot siguro ako na walang pumansin sa shop ko. Sayang hindi ko nabigyan ng sticker freebie yung 1st ever buyer ko. Hindi ko kasi naisip agad.
The money I've gathered so far from the sales e nasa 500 pesos. Mejo malayo pa sa target kong 3 million. But hey! I'm 500 pesos nearer to my goal!
Sighs. Not feeling well. Absent ako nung Monday. Kahit masama pakiramdam ko mula Tuesday, pinilit ko nalang magtrabaho. Nakakainis kasi magpaalam na di pumasok. Daming hanash. This is one of the things I hate about being an employee. Parang kailangan mong ma guilty twing mag-aabsent ka when you're not feeling well.
Nag-iisip pa rin ako ng ways para kumita. This consumes most of my time. Nakakadrain physically, mentally at emotionally pag marami ka nang ginagawa, tas marami ka pang iniisip. I just learned lately though na hindi naman ako required mag-isip talaga. And things feel so much easier pag hindi ka masyadong nag-iisip. Sana natutunan ko to dati pa. Lol.
-----
50 ish episode on Bleach. I'm starting to like it, but not as much as I love Naruto and Boruto. I watched the latest ep of Boruto last Sunday and will impatiently wait for the next ep sa susunod na Sunday. Ito ang nakakainis sa panonood ng incomplete series. After Bleach, I'll continue watching One Piece. Another incomplete series. Uhmp.
03:36 PMにcinderellaareus によって書かれました。
Still super sick. I closed my Shopee shop, so I can rest. It's not like I have hundreds of intered buyers, but answering even one query is enough to make my head spin.
Thermometer read 36.9. Wala naman akong lagnat. Pero masakit ang ulo ko, nahihilo, my joints hurt, feeling lethargic, at wala ring ganang kumain. I started eating only plain rice as I can't take the taste of any ulam. Yung ilang kutsarang kanin, pinipilit ko pang ubusin.
Mom and Dad are sick too, though they seem to have gotten a little better. Or at least, they can eat. I also heard Brother and Sis-in-law coughing. Nahawa na siguro sila samin. Sana ang mga bata ay hindi magkasakit. We walk around the house wearing facemasks for the kids' safety, though I admit, minsan nakakalimutan kong isuot yung sakin.
Ang problema ko e kung paano ako mag-aabsent bukas as I'm still sick. Dami na namang hanash yan, for sure. Maiirita lang ako.
Naiintindihan ko naman why companies are strict when it comes to allowing leaves for the employees. But it's not like we have unli leaves, you know. Isn't the limited number of leaves enough to prevent employees from abusing their privileges? Kailangan nyo ba talagang pagapangin ang mga may sakit na empleyado papuntang COVID-infested hospitals para lang makapag present ng medcert? Napaka inhumane na system talaga. Hindi naman ganito kaarte ang company namin dati.
Sighs. Bahala na talaga.
12:52 PMにcinderellaareus によって書かれました。
Still sick, pero pumasok na ko dahil nahihiya na kong magpaalam na hindi papasok at wala na rin kasi ako g leave. Baka wala na kong sahurin. Ika anim na araw na muna ng magkasakit ako. My sense of taste is back, but not my sense of smell.
It's Dad's 10th day of being sick. He seems fine now. Nagluluto na nga sya ulet. He's the one taking care of me and mom. It's Mom's 7th. Nauna syang nagkasakit sakin by 1 day. She's stil unwell, pero naglaba pa rin sya kahapon. I wish I have the money to buy yung washing machine japan style na isasalang mo lang tas paglabas sampay nalang. Or even better, yung paglabas naka plantsa na.
Sana gumaling na kami. Sobrang nakakapag-alala kasi.
Pagkapasok ko palang, nag iisip na kong mag half day. Andami nga lang naging kaganapan, hindi na ko nakapagpaalam. Now I have a little over 1 hour into my shift. Konting tiis pa.
04:54 PMにcinderellaareus によって書かれました。
Ika labing-isang araw ngayon. Bumalik na ko sa trabaho, dahil wala na kong sasahurin, at andami ko pang bayarin.
1 day lang ang ipinasok ko last week. Saka ko nalang siguro iisipin.
Still sick. I've lost about 5 kilos already. Yung na pandemic fats na na accumulate ko sa isa't kalahating taon ng pandemic, na lose on the 8th day of being sick. I still keep on losing weight to date, pero di parin naman ako payat. Mga 18 kilo pa siguro.
I can taste food na. I eat like a normal person, but not yet on my "normal" standard. May ice cream pa ko sa ref, takot akong kainin dahil sa ubo ko. I fear eating anything for the same reason. I've been coughing a lot, I've been having muscle pain na sa abs. I often drink green tea, because it's the most effective way to tame my cough. As a result, eto, GERD. Sana kayanin ng tiyan ko.
I still can't smell. Palyado naman talaga ang sense of smell ko noon pa, but it was never like this na wala talaga at all.
Mom still feels weak. She's lost only 2 kilos as she tries to eat as often as possible to regain some energy. Payat din naman kasi si Mama. Sobrang nakakapag alala pag nagkakasakit ang parents, lalo't senior. Sana talaga gumaling na si Mama. And me too. And Dad too.
Namimiss ko nang huminga nang walang sumasabit sa lungs ko. Though I do feel a little better naman na, gusto ko parin maging healthy ulet.
antagal na napostpone ang mga plano ko sa buhay dahil sa sakit na to. Pero thankful na eventhough there's discomfort whenever I breathe, well, at least I'm still breathing.
Sana talaga gumaling na kami.
12:45 PMにcinderellaareus によって書かれました。
Ep 216. Malapit na ata ma deds si Kurama. Iyakan na naman to. Huhu
Daming nangki criticize sa Boruto, pero abangers naman sa new ep every Sunday.
Sighs. Nalulungkot ako. Kurama. Huhu. T_T
08:51 PMにcinderellaareus によって書かれました。
I learned that a former colleague attempted suicide.
I remember she was a sweet bubbly girl. Pretty smart. Suma Cumlaude in UP. She got accelerated twice when she was a kid, kaya bata pa grumadweyt. Bata pa.
She lost her mom March this year. Sabi nya best friend nya daw ang mom nya. Mukhang depressed pa rin until now.
Sa perspective ng taong tulad ko na walang kinalaman sa nangyayari, naisip ko na sayang sya, matalino sya, bata pa, at may bright future pang naghihintay sa kanya...
Pero kung iisipin...
Pag nawala na yung reason mo to keep on living... ano pang point no? Pano mo maiisip na bright ang future kung wala na dun yung taong gusto mong kasama sa future na pinangarap mo?
Iniisip ko kung tatawagan ko ba si former officemate. Anong sasabihin ko. Kung ako kasi ang nasa kalagayan nya, baka maisip ko rin na best option ko e sumama na sa mama ko.
Anong words of comfort ba ang pwedeng i-offer to someone who's falling apart? Siguradong masakit e. Siguradong mahirap. Madali lang sabihing "wag sumuko", but how about the pain that the sufferer has to live with everyday? Parang sinasaksak sa dibdib mo araw araw, pero "sige, go lang, kaya mo yan. Don't give up."
Tsk. Bullshit.
Hindi ko talaga alam sasabihin ko e.
*isang munting prayer na sana malampasan no rin yan, Former Officemate. And, kung totoo ang Diyos, sana tulungan ka nyang bitbitin ang sakit ng loss na nararamdaman mo. Isang mahigpit na yakap.*
01:15 PMにcinderellaareus によって書かれました。
Wednesday. Excited na ko matulog maghapon bukas at sa Friday. Mejo ok na ang pakiramdam ko kahit may ubo pa rin at wala paring pang-amoy.
Pero gusto ko pa rin mag rest. Siguro may halong katamaran na rin. For other people's safety rin naman ang di ko paglabas. I could have it, you know.
We plan to get vaccinated pag magaling na kami. Gusto ko magpa swab muna before vaccine. Sana covered ng card.
Magkano nalang kaya ang sasahurin ko next cut off? Kung hindi ako bumili nga laptop, mas marami siguro akong pera ngayon. Bumili rin pala kami ng ref. Nasira kasi yung ref. I still have money from investments, ayoko lang kasi talagang galawin muna.
Tumaas ang Globe sa stock market. Nung pumalo ng 60% ang kita ko nagbenta ako ng lakahati. With this stock alone, 2x na kong kumita ng tig 400 pesos this year. Hindi mo kikitain yan with the same amount kung naka tengga lang sa bank ang pera mo. Kaya I really love stock market. 2000 ang pinakamalaki kong kinita sa dividends palang. MBT. Favorite ko talaga yun dahil sobrang laki nila magbigay ng dividends.
Gusto ko na yumaman.
Gusto ko magkaron ng 3 million pesos bago matapos ang November 2021, para makabili na ko ng lupa at makapagpagawa ng sarili kong bahay.
Tapos gusto ko magkaron ng net passive income na 200,000 pesos per month.
Magpapatayo ako ng apartment for rent. Palalagyan ko ng ad space for lease. Tas pag hindi ako masyadong tinatamad, gusto ko mag franchise ng gasoline station... or courier service siguro.
Tapos, pag stable na ang kita from rental at business, magreresign na ko sa work... hopefully bago matapos ang 2022.
Sobrang pangarap ko talaga to.
Yung ipapagawa kong bahay, 2 storey rin. Same kwarto pa rin kami nila mama. May sariling kwarto ang cats, tas another kwarto for my work station tsaka lalagyanan ng damit.
Syempre may garden para sa mga halaman namin ni Papa. Tas may car...yung 8-seater para sakaling mamasyal kami kasama ng mga pamangkin ko. kaso kailangan ko rin ng driver.
May malaking terrace sa second floor. Portion of which, lalagyan ko ng bubong na see-through para tatagos pa rin ang araw. Para pag nagsampay ng damit, hindi na kailangan ipasok kahit umulan.
Dalawang malaking cr na parehas may hot shower. Tas may cr din sa room ng cats para mabilis i flush yung cat litter.
May open space sa 2nd floor na paglalagyan ng exercise equipment.
Malaki at organized ng kitchen. Sa dining area, glass walls, kita yung garden sa labas.
Dalawang tv lang. 1 sa sala at isa sa kwarto nila mama. Sa bahay namin ngayon, may tv sa kusina, sa 2 kwarto, sa tindahan at sa sala. Sa totoo lang, hindi ko gets bakit kailangan ng napakaraming tv.
Dapat may electric fan sa mga banyo.
Tas lahat ng section ng bahay, may relo. Pati sa banyo dapat may relo.
Magpapagawa rin ako ng tindahan para di ma bored si mama.
Tas malawak na cage for my dogs, Mihan and Kilay. Yung pwede sila mag jogging. Siguro room nalang sa labas. Basta di kasya ang mga cats, baka magulpi sila ng dogs.
Promise, araw araw akong maglilinis ng bahay. Or pag tinatamad ako, maghahire ako ng maglilinis.
Gusto ko matupad to.
------
Sarado parin ang shop ko sa Shopee. Paano ba ko kikita ng limpak limpak na salapi?
11:17 AMにcinderellaareus によって書かれました。
Saturday. Back to work. Nakakatamad, pero kailangan kong kumita.
Ang bilis tapusin ng squid game. Nanood lang kami ni mama the whole day kahapon. Binida ng pamangkin kong 6 years old na napanood nya rin daw. Naalala ko yung scenes na parang di nya pa ata dapat makita. Haha. But I'm sure her parents must've fast-forwarded that scene naman siguro.
Ang cute cute talaga ng pamangkin ko. Mamimiss ko sila pag lumipat na kami ng bahay. Pero around sjdm lang naman kami. Madali naman kaming makakadalaw, if ever.
Sana matupad ang mga pangarap ko. At sana nandyan parin ang mahal ko sa buhay so I can enjoy living my dreams with them.
----
Nanganak pala ang isang friend ko. Baby no. 2. Parang kailan lang, pangarap lang nyang magka baby. Ngayon, naka dalawa na sya. Nag positive sa swab test ang friend ko..muntik na syang di tanggapin sa hospital nung manganganak pa lang sya. Pinaglaban ng asawa nya. Pulis din kasi. Sabi ng friend ko, ganun daw ang lalaking hanapin ko, yung kaya akong ipag tanggol. Lol. Loko talaga yung friend ko. May Covid na nga sya, love life ko parin inaalala. Lol.
Hindi nya mapa breastfeed ang anak nya ngayon. At yung isa nyang anak na baby pa rin, iniwan nya muna sa nanay nya. I'm glad that my friend seems to be all positive kahit nagpositive sya sa covid. Pero sana gumaling na sya.
Si Indian din, kapapanganak lang sa baby no.2. Tapos namatay pa 2 siblings nya dahil sa covid. Ang alam ko 5 lang sila magkakapatid. The other 2 namatay na years back. Mag-isa nalang si yata si Indian.
Ang hirap ng buhay ngayon. Hindi ko alam kung wise bang mag buntis. Nag-aalala ako sa nga friend ko.
-------
Over breakfast kanina, I was happily talking about my dreams sa parents ko, and mom was like, "bago yan, intindihin mo e paghahanap ng mapapang-asawa".
Ewan ko ba. Pwede bang wag na? Masaya ba talaga? I wonder if the married people who encourage me to get married actually mean it. Feeling ko kasi they're just doing it out of habit, but I'm not really sure if they really like being there...being married, ganun.
Kailangan ba talaga?
Pag nawala ang parents ko, mag-isa nalang ako. But I can't name a person I want to be with for the rest of my life e.
Sabi ng mama ko mag anak nalang daw ako. Takot ako maoperahan. Iniisip ko rin pag nagka anak ako, walang takas sa ganun kalaking responsibilidad. Bukod don, sa lahat ng nangyayari sa mundo, gusto ko ba talaga magdagdag ng human na magsa suffer kasama ko?
Ewan ko. Gumagana kaya tong matris ko? I don't even know.
01:14 PMにcinderellaareus によって書かれました。
Apektado talaga ko T_T.
If Leni will not run for President, then my hopes for a brighter future for the Philippines, wala na.
It was during the Vice Presidential debate in 2016 that I decided to vote for her. Hindi ko naman talaga sya kilala. Naisip ko pa nga non, "sino yan? Bigla nalang susulpot, tas VP kagad?"
Ang alam ko lang dati e asawa sya ng politiko na namatay sa plane crash.
It was her line, "pagsisilbihan ang mga nasa laylayan ng lipunan", that made me vote for her. For some reason, she ended up winning.
Ayon sa constitution, ang trabaho ng isang VP, basically, e to replace the president in case di nya na kayang mamuno, or kaya ma deds sya, or ma impeach. Kaya siguro hindi ko masyadong nadama ang existence ng mga previous VPs e dahil kasi nga naman, pagiging backup lang talaga ang trabaho nila.
But Leni was different.
Sa bawat national calamity, isa sya sa mga unang rumeresponde. Mapa bagyo, baha, putok ng bulkan, at kahit nung nagka problema sa Marawi, isa sya sa mga nauunang magsagawa ng relief operations. Isa syang napaka busying Bise.
Lalo syang nag shine nang nagka pandemic.
Nung nag struggle ang frontliners sa kakulangan ng PPE, nanawagan sya sa mga local designers to produce PPEs, and they provided PPEs to the frontliners.
Nung kasagsagan ng travel ban at nahirapang pumasok sa trabaho ang mga nurses at doctors, nagprovide sya ng shuttle services para sa frontliners at emergency workers.
Nung nakita nya ang need to expand COVID testing, nagtayo sya ng Swab Cab.
Nung nagkahirapang humanap ng hospital ang mga may sakit, tinayo nya yung E-Konsulta.
Ngayong kailangang maparami ang nababakunahan, gumawa sya ng Vaccine Express.
She did all these kahit hindi parte ng kanyang job description.
It was 2003 when I became eligible to vote. Nakasanayan ko nang hindi umasa sa mga politiko. Naging normal na sakin ang mga so-so na serbisyo—kung may serbisyo man at all. Pati na mga pangako na di naman talaga natutupad.
Pero kay Leni, nakita ko kung anong hitsura ng totoong public service.
Ang Office of The Vice President ay ISO certified for their office's quality management system. That is INTERNATIONAL level of standard.
Hindi rin sya pahuhuli pag dating sa transparency. Matapang nyang dinidisclose ang figures sa mga natatangap nilang donations sa Angat Buhay project at sa kung paano nila to ginagastos. 3 consecutive years nang HIGHEST rating ang natatanggap nila sa Commission on audit. She has a clean record in public governance. Nahihirapan akong mag-isip kung meron pa bang ibang tulad nya.
Hindi ko maisip kung bakit sinusulong ng mga tao si Bongbong Marcos. Ang kasalanan daw ng ama ay hindi kasalanan ng anak. Pero ang achievement ng ama, pinalalabas nilang achievement ng anak.
I checked what he had achieved nung nasa senate pa sya. Meron naman, pero hindi ganun karemarkable. Nasangkot pa sya sa pork barrel scam, at may commission on audit suit pa sya for plunder.
Si Leni ay kama, si Bongbong ay putik. Bakit ba natin pinipilit bumalik sa pagkakalugmok sa putik?
Leni seems to be thinking of giving way so long as it will prevent Marcos and Duterte to go back to power. Bakit kailangan natin mag settle sa lesser evil if the heaven-sent, Leni, is already here naman?
Ewan ko. Bahala na.
04:15 PMにcinderellaareus によって書かれました。
Namatay kahapon ang pinsan ng pinsan ko sa side ng mama nya. The kid was 24 years old. Covid. Pero sabi sa news, 3 days na daw na walang nadadagdag na covid death sa bansa. Ano yun, hindi sya counted?
Joke time lang ba talaga ang numbers na nakikita natin sa news? Ano pa ba ang pwede nating paniwalaan?
08:18 PMにcinderellaareus によって書かれました。
Wednesday. Konting tumbling nalang off ko na.
Been feeling generally well. Bumalik na ang pang-amoy ko. Pati timbang ko malapit naring bumalik sa dati. Tokwa.
Papagaling ba ubo ko a few days back, pero nasobrahan ata ako ng cookies, eto't inuubo ulet.
Yung stock ko ng junk food, expired na ata. Pati mga juice sa ref, ang tagal nang naka tengga dun. Nung kumain ako ng chichirya, makunat na. Mga 3 weeks din kaming nagkasakit.
Nakakatamad.
Ang swerte ng mga taong nilu look forward ang bawat araw na papasok sila sa trabaho. Ako kahit sabado at linggo at work kung saan wala naman maysadong ginagawa, tamad na tamad parin akong pumasok.
But I'm thankful for this job. Kailangan ko to e. Pero gusto ko paring maging malaya. Kailangan ko nang yumaman.
Ang weird nang mga panaginip ko few days back. Yung isa love life. Yung isa naman meron daw akong limang anak. Hahaha. Tokwa.
Magandang dream daw ang mga bata. Dadami ba yun pera ko? Lol.
Sweldo na. Mga 1 day lang nakaltas sakin. Thank you, Universe. Pero malaki pa rin ang babayaran sa credit card, so inubos ko ang pera ko sa gsave to pay everything off. Mom said, "okay lang yan, ang mahalaga magaling na tayo." I totally agree.
Makakabawi din ako, at mag iipon muli. I'm still making sure na regular ang pag invest ko sa stock kahit wala na kong kapera pera. This is my hope to achieve yung pangarap ko maging mayaman enough para di na magtrabaho.
For the 2nd time this year, nag increase ulet ang sweldo ko. Really, this company is not bad, you know.
Pero balang araw, matutupad ko rin ang mga pangarap ko. Sana. Bahala na.
04:02 PMにcinderellaareus によって書かれました。