Entries for December, 2021
Meron promo yung Amex card ko. Every time I spend on a restaurant for at least 2k within the promo period, I'll get a cashback of 500. So parang pag kumain ako sa halagang 2k, 1500 lang babayaran ko. Not bad.
When my parents and I eat out, max na yung 1400 na bayad sa kinakain namin kahit mag take out pa. Hindi naman kasi kamahalan ang mga resto dito sa Bulacan. So I told my mom, I'll bring them somewhere nicer and she was like, "sa Solaire nalang".
Mom saw a picture of her old workmate in Solaire. Nagpicture lang ng food pero di kumain. Mahal daw kasi. I think my mom just want to show na sya e afford nya. Kahit ako naman talaga ang magbabayad. Lol.
Dahil malayo sa bahay, gusto rin ni mama na mag check-in nalang sa hotel. Checked and found na Solaire is fully-booked till forever. Looked for something else, and found Okada. Afford naman. Masakit nga lang sa damdamin yung presyo. I showed mom how much it costs, and she was like, "pang isang buwan na stay na ba yan?" LOL.
She also made me check kung magkakano abutin if lahat kami pupunta kasama yung kapatid ko plus wife and kids. The suite that will fit us all is worth a whopping P175,000!!! LOL. I think we can just book 2 connecting cheaper suites. That will be so much cheaper.
Of course, nauwi nalang ulet sa pangarap ang lahat.
But still, gusto ko talaga na a day will come na I can comfortably spend that much for myself and my family. Yung walang akong mafifeel na panghihinayang dahil I have a lot of money already.
Naalala ko lang yung mga bagay na pangarap ko lang dati. My family was poor. Kahit nung newly employed na 'ko hindi parin namin afford kumain sa buffet. I remember passing by City Buffet sa mall, and we were like, "kelan kaya tayo makakain dyan?"
Now, we can afford so much more.
Pangarap ko na one day, itong pangarap kong makapag hotel sa Okada ay magiging alaala nalang din...
dahil natupad na.
01:58 PMにcinderellaareus によって書かれました。
Grabe yung antok ko.
It's 3PM. My shift started at 9AM. Spent the 1st hour of my shift with the IT as I was not able to login. Tapos, until now, wala pa rin akonh calls, chats or backlogs. All good.
Antok na antok ako. Must be vaccine's side effect. Dad's a little worse. Nilalagnat sya ng bahagya. Mom said she's not having any side effect at all. Mine is same as the last time. Masakit na katawan. Masakit na braso, matinding antok.
Ika pitong araw na ng December. Next week, return to office na kami. 3 days lang naman. Hindi naman ako takot, tinatamad lang akong gumising ng maaga at mag commute. Tapos dala ko pa yung laptop.
May naiwan ba kong pagkain sa locker? Siguro expired, bulok, or nilalanggam na yun.
Kung tama ang alala ko, I was on night shift bago mag pandemic. Yung katabi ko na lagi kong tinatanungan about troubleshooting, nag resign na. Yung mga nakasama kong mag samgyeup, manood ng hot air ballon, etc, karamihan sa kanila, wala na rin. One of my officemates even died from COVID. Tapos buong CN team dissolved na.
Mejo nakakalungkot din. More than 2 years in the company, and I only spent 8 months of my stay sa office. The rest, work from home na. Pero kahit ganun, I did spend a few good times with the people here.
Okay lang yan. Siguro kailangan lang na mag move forward.
Ang tagal ko nang hindi nakikita ang mga friends ko. BFF had long been wanting to have a video call with me, pero kahit yun, pahirapan pa. Hindi kasi kami sabay ng rest days.
Nakakatamad.
03:25 PMにcinderellaareus によって書かれました。
Nung Friday, nilagay ko sa box yung mga damit ko for 3 days na papasok ako sa office. Isinama ko na rin yung pantulog ko na isusuot pag-uwi ko sa bahay. I just want these 3 days to get over with.
Yung automatic wristwatch na regalo sakin ng mama ko years ago, masikip na. Sinubukan ko iiextend yung bracelet, ayun, nasira. I'm pretty sure the shop can easily fix this. This has a lifetime warranty. Problema lang, wala akong maisusuot tomorrow. Yung iba kong relo, wala ng battery.
Keriboom boom.
Nakakatamad. For the nth time, tinanong ko kung anong floor nga ang workstation namin. Sana pwede mag sakit sakitan at mag stay nalang sa bahay.
Reresbak kami sa Thursday sa mall na hindi kami pinayagang mag dine-in dahil hindi pa kompleto ang bakuna namin. Now that we're fully vaccinated, siguro naman pwede na.
Miss ko na mag buffet and smoke-less grill. I've been browsing posts from the same resto para may idea ako kung anong kakainin ko. Nag research din ako kung pano makarami ng kain sa buffet. Sobrang bilis ko kasing mabusog. Isa sa mga tips dun e mag exercise daw. Kaya araw araw araw akong nag eexercise para marami akong makakain sa buffet. Lol.
3 days. Sana maging okay lahat.
-‐-----
There are just the 3 of us—Mom, Dad, and I—dito sa bahay. My brother and his family are in Cavite. They'll be spending Christmas there, so sa pasko, tatlo lang rin kami.
I plan to buy cakes tas big scoop na ice cream, kung meron sa mall malapit dito. Kung wala, I'll buy an ice cream from avocadoria. I've long been wanting to taste that. Gusto rin namin mag grill. Maybe the traditional way, or kung makakahanap kami ng electric grill na pang samgyeup, siguro yun na.
May pasok ako ng 25th, pero keri naman siguro magpuyat. Sana maging masaya.
Been checking this year's photos from my phone. A really good way to check the activities I had this year.
Walang remarkable. Walang kagila gilalas na bagay akong na achieve.
Alam ko, being alive at this point, and still having a complete family with all of us alive and healthy, e malaking blessings na. Pero kahit ganun, I still feel... disappointed ba? Sad? Discontent?
Siguro all of the above.
I haven't met my friends even once this year. Tamad na tamad rin kasi akong bumyahe. Feeling ko, buong taon ko, umikot sa pag-aalaga ng pusa.
I really love my cats though.
Still, siguro kung may feeling of dissatisfaction ka about your life, e dapat gumawa ka ng paraan to make some changes.
Hindi ko alam kung anong changes ba ang gusto ko. Sa bawat change kasi, laging meron kang comfort na kailangang i-sacrifice. And boy, this girl loves comfort.
Feeling ko, ang isa sa mga taon na pinakamaswerte ako e 2019. Ang daming naging blessings ko that year at andami ring memories na nacreate.
Kung tutuusin, I've never been less blessed in the years that follow. Siguro sadyang nakalimutan ko lang kung panong maging grateful kaya hindi na ganun ka blessed ang feeling.
On 2022, gusto kong maging mas masaya. And as a side effect, gusto ko maging mas mayaman pa.
04:09 PMにcinderellaareus によって書かれました。
Nakahanda na lahat para sa pagbabalik ko sa office. Nakalagay na sa bag yung office laptop ko, at napalaminate ko na rin yung vaccination card ko.
E kaso, ayun, bigla akong inuubo.
So ayon. Guess I need to wfh as usual.
04:20 AMにcinderellaareus によって書かれました。
Lagi talagang may happy feels pag Wednesday. Syempre pa, off ko na bukas. Masaya rin ako na hindi natuloy ang Return To Office ko. At least, hindi ako kailangang gumising ng mas maaga, at mag commute ng over 5 hrs to go to work and get back home. Next rto wil be next month pa. I'll have some time to prepare my heart. Lol. Balita ko pahirapan daw ang tools at internet sa office, tipong mas okay pa na nasa bahay.
Hindi ba talaga pwede forever nalang na work from home?
----
Andaming alalahanin these days. Nanganak ng 4 yung pusa ko. The mother was very sweet to her kittens, and I think that's already given dahil sya yung nanay. Nakakatuwa lang dahil my other female cat who is already neutered is playing mother to the kittens kahit di naman sya yung nanay.
One time, the mama cat was having her usual morning walk outside, so I took the time to play with the kittens. One of the kittens cried on top of his lungs. Dali daling pumunta yung neutered cat ko to calm the kitten down. F na F nya talaga ang pagiging nanay.
Sobrang gastos mag-alaga ng pusa. When I found out how much a certain fb page spends for the cat food for their 13 cats, I realized, theirs is even cheaper than how much I spend on cat food alone, considering I only have 3 cats.
Wala pa yung cat litter, vet expenses, toys at accessories.
Hindi talaga wise to keep these 4 kittens. Tokwa. Naawa lang ako sa mga pusa ko. Earlier I was trying to feed my cat, Iya, with a cheaper cat food brand. By cheaper, I mean 70 pesos per 400g can. Not cheap at all. Alam kong ayaw nya non, pero makakatipid ako ng 75% kung kumakain lang sana sila ng ganitong cat food.
I told my cat, "di ba love mo yung kittens? Kainin mo to, para di na natin ipamigay yung kittens." To my surprise, when I placed her on her cat bowl, aba kumain talaga!
Yun nga lang, nagsuka sya after.
Sighs. Ewan ko ba. Ano bang gagawin ko? Gusto ko na yumaman. Tipong hindi ako manghihinayang sa laki ng gastos ko sa cat food.
-------
Been trying to get rid of my excessive supply of yarn lately. Araw araw akong naggaganchilyo para maubos na. Doormat na waffle pattern ang ginagawa ko ngayon. Mahal ang ganitong klaseng yarn. Then if we are considering my hourly rate at work, multiplied by the number of hours I've spent to finish this, aba'y napakamahal ng doormat namin!
I remember that poncho that Leni was wearing na biglaang sumikat. I found it nice since the time I saw it. Sabi tumatagal daw ng isang buwan ang paggawa ng ganung poncho. I hope the makers are selling it for the price that matches its worth. Lalo na't international nilang nabebenta.
Pero sana kung ako yung bibili nang poncho e makakuha ako ng mura. Lel.
Ang mumura ng bentahan ng hand-made products sa shopee. Sabagay, wala naman kasing bibili kung tataasan mo ng presyo. Pero keri. Di naman ako mahirap. Hahaha.
Ano kayang pwede kong gawin sa mga yarn ko na pwede kong pagkakitaan? Pwede kong gawing doormat lahat to, pero sayang naman. 40 pesos lang ang doormat sa palengke. Napakamahal nung yarn.
Pano ko ba ito ikayayaman?
Universe, gusto ko ng extra income na 2 million pesos per month.
04:24 PMにcinderellaareus によって書かれました。
18th day of the month, working from home.
Kahapon, bumili akong coke zero at vanilla ice cream na ginawa kong coke float kanina. Palaisipan sakin kung bakit magkaiba ang lasa ng coke zero sa plastic bottle vs coke zero sa can.
Yung nasa plastic bottle lasang may lason. Huhu.
Mas mura ang ang coke zero sa shopee. Free shipping, may cash back pa, hindi ka pa mahihirapan magbitbit.
Bibili dapat ako ng pang scoop ng ice cream. Naisip ko, pwede naman mag kutsara nalang. Kailangan mag tipid.
Hindi talaga wise. Pero nag aalala akong ipaampon yung mga kuting ko. Pero ayoko rin tipirin ang parents ko. Kaya siguro magtitipid nalang ako sa mga bagay na pwede naman tipirin. Syempre, kailangan ko rin maghanda para sa kinabukasan.
May mga nabasa ako sa mga cat adoption group na mga taong andaming inaadopt na kuting tapos ipapakain sa alaga nilang ahas. I can't let that horror happen to my cat's offsprings.
Hayyyst. Kaya ko to.
The new year brings so much promise. Universe, pahingi ng extra income na 2 million pesos per month, para hindi magutom ang mga pusa ko, at makakain parin kami ng masasarap na pagkain.
Kaya to!
-------
2022 will be the 10th year since Dad had a stroke. I've once read a comment from someone who lost a dad. Her dad survived stroke daw. He lived for 10 years pa tas na deds na. I've heard other stories from family members who've lost their loved once, 10 years after surviving stroke.
My dad is a goofy man. Pero pag nakasimangot sya, it's either galit sya, or may masamang nararamdaman. Lately whenever Dad is making that mainit ulo face, I'd ask him if he's feeling fine. After non, ngingiti at magkukulit na. Ewan ko kung pinipilit nya lang ba para di kami mag-alala. He often sways when he walks. His feet seems very weak. Pero in fairness naman sa tatay ko, pag umaakyat kami ng hagdan, mas ako pa yung hinihingal kesa sa kanya.
Sana praning lang ako. Dad was actually very healthy before he had a stroke. Madalas nyang sabihin na healthy body daw sya. In fairness again sa kanya, sya yung pinakamabilis na nakarecover noongmagkaron kaming lahat ng COVID-like symptoms.
Sana maging healthy si Papa forever. Sana si Mama rin. Sana laging healthy ang buong pamilya namin. Ako nang bahala sa pagpapa wealthy naming lahat. Basta sana kompleto at healthy kami forever.
------
2022. Kailangan magplano, kumilos, at magpursigi para sa mga pangarap.
11:43 AMにcinderellaareus によって書かれました。
6:30 am- wake up, feed cats, clean cats' room
7:30 am- eat breakfast
8:00 am- take a bath
8:30 am- set up pc for work, feed cats
9:00 am- work
11:00 am- 1st break, feed cats
1:00 pm- lunch, feed cats, wash cat bowls
4:00 pm- last break
6:00 pm- shut down pc, clean up desk, feed cats
6:30 pm- dinner
7:00 pm- evening shower, play with cats
8:00 pm- facial yoga, evening routine, feed cats
8:30 pm- prep bed
9:00 pm- sleep
Hindi talaga ko madisiplinang tao, but I religiously follow my schedule lalo na't may trabaho. Over 8 hours ang tulog ko daily. Hindi naman busy sa work. Nakapag crochet nga ko ng placemats while on shift e.
Pero ang daming bagay na di ko nagagawa lately. Hindi ako nakaka netflix, hindi rin masyadong nakakapag browse ng fb newsfeed, or kahit ng tabulas. Hindi ko pa natatapos ang FCON classes ko. I never had time to chat with friends, sobrang behind na rin ako sa mga new eps ng boruto.
Siguro ito yung dahilan kung bakit pagod na pagod ako lately kahit di naman ako kulang sa pahinga.
Pagod? Or undermotivated? Hindi ko alam.
Our relatives in surigao del norte were badly hit by the typhoon. For days, mom was trying to get a hold of her siblings na dun nakatira. Kanina lang nya sila na contact.
Giba daw yung bahay. Wala namang namatay. I could hear their conversations over the phone, and Tita wasn't asking for anything. Yet my mom, who already sent some money, is still planning to send more.
Sa totoo lang, kuripot ang nanay ko. Pero sa mga panahong ganito, bigla syang nagkakaron ng pera.
I've watch Kryz Uy's post on what happened to their house in cebu. Ang ganda at anlaki ng 3-storey house nila, pero sobrang laki parin ng naging damage. Imagine what it can do to smaller houses.
Paano kaya magpapasko ang mga taong nawalan ng tahanan, kabuhayan, or worse, ng mahal sa buhay?
Sympathy is cheap. Alam ko naman. And I feel really cheap right now.
Wala akong extra money at the moment, but producing money should be easy.
Ayoko lang. Ewan.
...
Ang alam ko lang, pagod na pagod ako ngayon.
11:41 PMにcinderellaareus によって書かれました。
Started watching Demon Slayer. I watched the 1st ep ages ago. Kala ko pangit kaya di ko binalikan agad.
Bad trip lang, kung kelan napapamahal na sakin tong anime na to, isa isa nyang pinatay lahat ng paborito kong characters. Huhu.
Only 3 eps for season 3. Ongoing pala ito. Malamang dekada muna bago matapos.
Hayst. Rengoku-san. Huhu.
06:37 PMにcinderellaareus によって書かれました。
12:01 AM. It's no longer Wednesday.
A few hours ago, I finished watching "Love Hard" in Netflix. Kahit predictable, na enjoy ko pa rin.
------
Was on SL today—technically yesterday. Had a long-overdued follow-up check up with my eent. Lump in my throat. Mom has this bigger lump in her own throat, so I brought her along. From how the conversation we had with the doc went, Mom will probably go on a major operation. I'm hoping that mine will still be the same as how it had been for the last 3-4 years. Kasi naman, wala na kong leave. If I'd undergo a major operation, 2 weeks daw ang recovery period, meaning, 2 weeks akong walang sahod. We need money.
Bahala na. We'll be getting the results tomorrow. Sabi ng doc, if the lump is bigger than 1.5 cm, then kailangang operahan. Mine was 0.0xx cm 2 years ago. Nung kinapa ng doc, wala naman daw syang nasalat. Sana maliit parin.
Hereditary daw ang sakit na to. Kaya siguro parehas kami ni mama. I hope that my brother's children will not have this. My nephew, Kyler, has an inborn blood disease already. Pero mainam parin na macheck.
I'm glad that I enrolled Mom sa HMO namin at work. Wala na kong iintindihin sa gastos. Problema lang e yung mga house chores that mom usually do. She said she'll get a maid. Sana makakuha kami. She plans to have my tita find us a maid from their province. Hindi lang ako pabor na isasama nya pa yung tita ko rito sa bahay pag hinatid nya na yung maid. I get along with my other titas, i just don't like this tita in particular. I don't hate her. Ayoko lang na tumira sya ulet dito. Mom and I had a little argument because of this kanina.
Naiirita ako sa mga kamag-anak ng mama ko lately. Yung iba kasi kung makahingi ng pera sakin, hindi man lang nahiya e. I mean, it's kinda normal if they will ask my mom for money. Pero sakin? Seriously?
Ewan. Kahit yung mga bata dun, hindi ko naman inaanak, nanghihingi ng pamasko. Kahit load daw. Ako nga di naglo load e.
Aminado naman ako na mejo madamot talaga ko. Bukod don, ayoko rin talaga sa kanila. Wala akong binigyan kahit isa. Bwahaha!
I want to give my family a good life. By "family", I mean my parents, my brother and his family, and our pets—yun lang. It doesn't extend to my titos and titas, up to their apos sa tuhod. No way!
------
Takot ang mama ko sa dugo, injections, and things related to that. When we were at the hospital talking about her possible operation, I held her hand to check if it was cold out of fear—hindi naman.
We had a neck ultrasound and blood test. 1st time pala ng mama ko na magpa ultrasound. I asked her kung di ba sya inultrasound nung pinanganak kami ng kapatid ko. Sabi nya hindi daw, dahil walang pera.
I'm just glad that I have money now. That Mom doesn't have to worry about anything anymore.
Universe, I'm truly grateful. Maraming salamat.
Also, pengi pa ng mas maraming pera.
01:21 AMにcinderellaareus によって書かれました。