Entries for April, 2020


木曜日. April 2, 2020

SKL

Share ko lang.

Unang commendation ko to sa trabaho kaya I'm very happy. Sinend ni User kay D, yung crush ko na TL namin. Habang natataranta ako sa pag resolve ng issue ng ibang user, sinend ni D yung screen shot ng commendation sa GC. Pampagana daw. Kinilig ako ng very slight. I actually knew though. Sinend kasi sakin ni user at ansabi, 3x nya daw sinend para sure. Tamis no?

Anyway, eto sya. Yiiiiiiii!

------

Hello D,

I am writing to you to let you know that I just had the most positive experience in problem resolution with Z. She did an excellent job in resolving a malware issue and she was so efficient. Her communication was excellent on next steps etc. via jabber. Her work was the most helpful and efficient service that I have received. She fixed a problem that has been ongoing and was a reoccurring issue. She should be commended for such excellent work.

You are very lucky to have her working with you.

Thank you to Z and to you for the excellent manner in which your team member worked to resolve the issue and it was a very pleasant experience interacting with her. She did a GREAT job!

Thank you,

-----

Kilig di ba? I'm so happy! T_T


03:58 AMにcinderellaareus によって書かれました。

コメントを書く


* * * *

木曜日. April 2, 2020

De de es

Ang dami sa kasama ko sa trabaho ang DDS. Yung iba, sinisimulan na kong awayin. Hindi ko sila mapatulan kasi sa kanila ako nagpapaturo. Lol. Some, I'm actually friends with.

Nagbibigay din daw ng subpoena para sa mga critics sa social media.

Ang effed up ng Pilipinas.

Ayoko rin masyadong panindigan ang mga pinaniniwalaan ko ngayon. I know in part, I understand in part.

Hindi ko maintindihan bakit hindi nila makita ang nakikita ko.

Pero the more kong tinitingnang ang behavior nila, the more kong nari realize na wala kaming pinagkaiba.

They too are fighting for what they believe in their heart to be right and true. I know really good people who support Duterte kahit wala syang malinaw na plano. Kahit dahas ang solution nya sa mga bagay bagay imbes na konkretong aksyon. Kahit walang balita kung saan nya ginamit 200+ B na emergency fund. Kahit pati donasyon ng mga tao gusto nyang i-manage lang ng makupad nyang gobyerno.

Pero. Ano bang pinagkaiba namin sa DDS?

My college friends and I are sharing the same laments. Sa kabutihang palad, parehas kami ng pinaniniwalaan kaya walang debateng nagaganap.

Some of them are calling DDS, bobo, tanga, uto uto.

Likewise, there are people from the other side na tinatawag naman kaming bobo, tanga, puro reklamo, puro kuda, at walang naitutulong sa bayan.

I'm starting to think that maybe both of us are right.

Para tayong pawn. Pinakawalan para mag away at magpatayan hanggang sa makalimutan natin kung ano ba ang tunay nating pinaglalaban.

Paano ba tayo makakaalis sa ganito? 

Right now, I'm doing all I can to keep my relationships in tact. Ok lang dun sa mga taong wala akong pake. I've long removed them from my friends list. But there are people I actually care about who are Duterte's apologists. People na hindi ko matatawag na bobo dahil alam kong hindi yun totoo. People who's character I can attest to, because I know who they are.

Bakit tayo umabot sa ganito?

I have a book about the art of seduction which I have read and re-read like a bible. A part of the book talks about mass seduction and it pretty makes sense. Even Hitler was an expert mass seducer.

Ano bang dapat nating gawin?

Kung susundin ko ang isa sa laws ng 7 Spiritual Laws of Success na Law of Least Effort, "everything is as it should be", it says.

Ewan ko. Kung mako contain ni Duterte ang buong coronavirus situation na ito, ok lang kahit kanya na yung 200B.

Naawa lang ako sa mga doctor at medical staff na hindi nabibigyan ng sapat na PPE. Nahahawa, nagkakasakit, namamatay.

Yung mga taong aalma dahil di nabigyan ng ayuda at wala nang makain na gusto nyang ipabaril.

Makatarungan ba na sila ang sakripisyo para magtagumpay tayo sa paglaban sa virus na to?

Ok kami ng pamilya ko ngayon. Sinabihan ko sila mama na wag muna lumabas kahit hanggang April 7 lang. Ubos na ang hipon. Hindi parin ako kumakain ng hayop na may backbone kaya gulay gulay at sabaw sabaw lang ang kinakain ko nitong mga nakaraang araw. Sa totoo lang, natututunan ko nang magustuhan ang lasa ng gulay. Sabi ni Mama, baka daw sardinas nalang kami next week. Isda yun. May backbone. Pero ok lang naman, mabubuhay naman ako sa puro kanin. Kung tutuusin, pwede naman akong hindi makialam. Ok naman kami ng pamilya ko.

Ewan ko. Kung hindi tayo mag rereklamo, paano maaksyunan ang kakulangan? Paano ang mga buhay na masasayang? Hindi ko maintindihan kung bakit may mga taong patuloy na sumusuporta sa leader na walang respeto sa buhay.

Sabi nya swerte daw ang mga namatay para sa bayan. Minsan tuloy naiisip ko nalang na sana sya rin swertehin. Pero syempre babawiin ko yun kasi kawawa naman ang maiiwan nyang pamilya.

Hayst. I feel so conflicted these days. 


02:13 PMにcinderellaareus によって書かれました。

コメントを書く


* * * *

金曜日. April 3, 2020

TINWIE

Good morning!

I just woke up. Napuyat ako kaka chat with friends and then sa panonood ng Chinese film na "This is not what I expected". Ang cute nung guy, naalala ko so Tony Stark. Kulang lang sa chemistry yung tandem nila ni girl, pero ok lang.

----

Umagang umaga mejo tumataas na ang kilay ko. One of the things I hate e yung pinapakialaman ako sa oras ko or yung tinuturuan ako kung anong gagawin ko sa buhay ko...

Or maybe sadyang bad trip lang ako sa taong to. Irita ako sa choice of words nya. Hindi ko mapatulan, dahil technically, wala naman syang sinabing masama. Sa totoo lang, nag iisip na akonh umattend, pero dahil pakialamero sya, ayoko na.

People are sensitive these days. Choice of words is very crucial. Bigyan ko kaya to ng seminar? Leche.


11:56 AMにcinderellaareus によって書かれました。

コメントを書く


* * * *

日曜日. April 5, 2020

5th

Half way palang nag shift ko, wala na kong ginagawa. Ngayon naiintindihan ko na kung bakit maraming may gustong weekdays ang off.

-------

Kamusta na kayo?

Ako, I'm all good. I'm actually getting cozy with this wfh setup kaya hindi ko gets kung bat may mga kasama ako sa trabaho na gusto nang matapos ang lockdown na ito. 

Iniisip ko lang baka masyado akong masanay sa hermit mode, makalimutan ko nang asikasuhin ang sarili kong lablayp.

--------

Nakakaaliw yung user na tinawagan ko sa webex kanina. Nagka on talaga ang video ni kuya. Infey, wafu. Hahaha. Mas type ko parin si Crush. Mas mukhang malinis.

Alam mo bang alam ko ang password ng cellphone ni Crush?

May record din ng boses ko sa phone nun (pero baka binura nya na). Lol.

Syempre, malamang for work-related reasons.

He called me kanina. Softphone setup. Para daw mabilis. Feeling ko kahit anong gesture ang gawin ng taong to, hindi ko rin mabibigyan ng malisya. Ang no-nonsense nya kasi e. Tipong kahit magjoke sya, hindi ka mangangahas na macarried away. Ewan ko din.

Alam mo bang same kami ng birthday? Naniniwala ako na ang mga taong parehas ng zodiac sign, madalas parehas ang ugali. Ang weird lang, kami nga same birthday na, hindi naman magkaugali. Lol.

May boses ng babae sa kabilang linya nung tumawag sya.

...

Hayst, kailangan ko nang humanap ng ibang crush.

*EDIT

Biglang may pumasok na call. Takte, di na ko petiks. T_T


10:18 PMにcinderellaareus によって書かれました。

コメントを書く


* * * *

月曜日. April 6, 2020

Bagyo

Installed na ang softphone.

Puteeek, adaming calls.

May Japanese call pa ko kanina.

Halfway palang ng shift pagod na ko.

Ipinagpapasalamat ko lang talaga na nadyan si PK. Ano kayang gagawin ko pag wala yung taong yun?

Kaya kahit ang maldita nun, love ko yun.

Sana wag na sya umalis forever.

....

Yun lang. Super quick rest bago bumalik sa digmaan.

Jaa!


10:53 PMにcinderellaareus によって書かれました。

コメントを書く


* * * *

火曜日. April 7, 2020

Ghost

1:27AM. Nag out ako sa office ng ala una. Kahit may soft phone, halos lahat ng natatanggap ko nung bandang gabi na e hindi ko marinig sa kabiling linya. Tinuring kong ghost call. 16 calls today. Isa lang ata yung talagang nakausap ko. Hindi ko maintindihan kung bakit pagod na pagod ako.

Hindi ako nanood ng news today. Extended ba ang lockdown?

Kawawa naman ang kapatid ko. Paano sya makakapunta sa Cavite para samahan ang hipag ko na manganganak?

Mararaming pumupuri sa mga bansa na mahusay naha handle ang virus. Pero kung titingnan mo sila, kahit sila rin nag-istruggle. Talagang sinusubok tayo ng virus na to. Nakakatakot.

At alam kong hindi lang ako ang takot. At pag takot ang tao, lumalabas lahat ng defense mechanism nila/natin to cope.

Meron ako kakilala na medyo na off ako kasi pakiramdam ko sa sobrang takot nya, wala na syang pakialam kung anong effect ng gusto nyang mangyari para sa iba. Pero nung sinabi nyang hindi sya pwedeng magkasakit dahil kawawa naman ang nanay nya at sya lang ang inaasahan, mejo naiintindihan ko na. Nakakalungkot na minsan maiiset aside talaga natin ang pagiging humane pag nagkakagipitan na.

Sa totoo lang, madalas, wala rin naman akong pake.

Ang cheap ipagtanggol ang mga kawawa kung puro ka lang salita. Words are cheap. Action lang naman talaga ang nagka count in the end. 

Nakakabilib ang mga taong nagagawang tumulong at ilagay ang sarili nila sa panganib ngayong may krisis. Samantalang ako ni hindi makapagpaluwal ng isang libong piso para mapakain ang isang mahirap na pamilya sa loob ng isang linggo.

Gusto ko lang siguraduhin na laging may nakahandang pera para sa pamilya ko. Na pag nanganak ang asawa ng kapatid ko, hindi nya kailangang mamroblema kung saan kukuha ng pera. Hindi ko alam kung hanggang kailan ang lockdown. Hindi ko alam kung sasapat ba sa amin ang sahod ko. Paano kung biglang may magkasakit?

Scarcity mindset. Hindi ko naman talaga gusto to. Pero syempre uunahin ko parin ang pamilya ko.

Sana maraming nilagay ang Diyos na mabubuting tao para tumulong. Sana sapat ang resources nila para sa lahat nangangailangan.

Sana matapos na to. Sana talaga, Lord.


01:59 AMにcinderellaareus によって書かれました。

コメントを書く


* * * *

水曜日. April 8, 2020

Sui

5:24am. Ora orada, binago ang schedule namin sa office. 8PM to 5AM na ko.

26 calls today. Hindi na ghost calls lahat. Paano pa kaya pag umayos na ang soft phone? Nawala na ko ng ganang mag phish ng csat kasi anong point? Wala nang shift bid. Pang gabi parin ako.

Gusto ko lang magreklamo ngayon. Pagod na kasi ako. Pero kahit ganun, alam ko naman na blessing pa rin na meron akong trabaho. 1 day nalang, rest day ko na. Thank you, Lord.

Nakakalungkot din yung ganito no? Spending the rest of your week looking forward to your "weekend".

Magtatayo ako ng negosyo. Pag mayaman na ko, hindi na ko magtratrabaho. Balang araw matutupad ko rin yan. Pero bago yun, mag-aasawa muna ko.

Aliw na aliw ako sa mga anak na baby ng mga kaibigan ko. Halos lahat lalaki ang anak. Ang ku cute ng mga bata. Dati naiirita ko sa kanila, I don't know what changed that.

-------

First time mag reply nung crush ko na hindi ok emoticon lang. Muntik ko nang i-screen shot. Ano kayang nakain nito?


05:36 AMにcinderellaareus によって書かれました。

コメントを書く


* * * *

木曜日. April 9, 2020

Bitay

So I woke up on a gc convo with college friends:

S: Andaming lumalabas sa amin. Hindi na talaga matatapos to (ecq). Andaming pasaway. Nakakainis na.

A: Uu. Samin din, may mag-asawa pa nga na sabay namamalengke. E sinabi na nga na isa lang kada pamilya ang lalabas.

S: Dapat talaga ibalik na ang bitay.

AKO NA MAY PARENTS NA SABAY MAMALENGKE: *gasps and thinks silently*~ Luh, bitay kagad?!

Hindi ko hinuhusgahan ang mga kaibigan ako. Alam kong kagaya ko, stressed lang sila at nag-aalala dahil sa mga kaganapan. Ang sakin lang, palaisipan talaga kung bakit ang dali para sa ibang gawing solusyon ang pag kitil ng buhay. Takte, makaapak lang ako ng ipis, masamang masama na loob ko.

------

Maundy Thursday. First time kong walang pasok on a holy week in 7 years. Ok lang kahit walang triple pay.

Lumabas ako ng kwarto after shift ng mga 6AM. Gising na ang nanay ko at nag eexercise. Nag hilamos lang ako saglit at matutulog na sana but Mom said mag almusal muna kami.

Pansit canton, fita bisquit, milo at kape.

Napakasimple lang nga mga bagay na nagpapasaya sakin. Halos lahat naman ng kailangan ko sa buhay, I already have, right here. Sa bahay. Sa totoo lang, wala akong issue sa ecq. I know maybe not everyone is feeling the same way.

Sana ok lang ang mga kaibigan ko. If thinking about hanging ecq violators will help them cope better, I'll let them be. Saka ko na ieexplain ang point ko pag ok na ang lahat at hindi na kami stressed. Pero syempre, sana naman, wag magkatotoo na mauwi pa sa pagbitay. Madaling maabuso ang batas. Hindi madaling palitan ang buhay.


02:00 PMにcinderellaareus によって書かれました。

コメントを書く


* * * *

木曜日. April 9, 2020

L front

Ang sweet ni PK. Takte, na ko-confuse ako. Ang tagal ko ring naging crush to dati. E kaso di nga talo. Taken pa. Ok naman na. Naka move on na ko e. Naging mabuti pa kaming magkaibigan.

Ang visible nya lang kasi sa buhay ko lately. Sa kanya pa ko laging nagtatanong sa trabaho. Ang hirap kasing magtanong sa iba these days. Busy ang lahat, kaya yung iba, matagal mag reply. Pero si PK, laging nag rereply. Kahit rest days nun nakakapagpaturo ako dun.

Ang love language ko e "act of service" kaya the best way to make me feel loved e by helping me and making things easier for me. PK is just doing a very good job at that. This is insane no?

Makapag check nga ulet ng dating app.

---------

My friends had warned me against this dude. He's openly taken. Hindi daw kasi tama na ina update ako ng lalaking to sa buhay nya at nakikipag chat at 9 in the evening gayong hindi sya single. Keber lang sakin. Di ko naman type e. I reply because he's an intellectual and I'm getting really good infomation from him. 

Kung walang feelings, at hindi naman ako pumapatol sa mga flirty banat's nya, and I'm seeing this whole thing as purely an "intellectual exchange", nagkakasala parin ba ko?


08:48 PMにcinderellaareus によって書かれました。

コメントを書く


* * * *

金曜日. April 10, 2020

Good

Spent the day sleeping. Tapos gigising lang para kumain. Nakipagkulitan sandali sa nanay ko at ng solve ng mga iq test sa fb. Ngayon eto, nasa kwarto ulet. Tambay ulet.

Sabi ng author ng isa sa mga books na naging influential sakin, mas powerful daw ang QUIET mind kesa sa POSITIVE mind. Naging sobrang effective nito sakin. Ang problema ko lang ngayong ecq, pag sinusubukan kong i-quiet ang isip ko, nakakatulog ako. Pag nagpapa quiet kasi ng isip, bawal magsalita, bawal magbasa, bawal manood ng tv or vid... lahat ng ito bawal for 2 hrs or longer. The longer the better. 

Law of pure potentiality.

I manifested mostly money. Nakuha ko down to my last spec. Pero syempre, not without a cost. I also asked for a person or two,  LOL. Seems like the Universe processes people a little longer. I ended up returning the goodies like defective items.

The Universe holds so much power. I think, we already know this. We're just too lazy to rediscover. Sabi sa book, even the most successful people in the history knew this.

Naisip ko lang si Hitler. He had a problematic childhood. He didn't finish his education, and once lived in homeless shelters. But look at what he was able to achieve. Hitler was surely evil, but boy, he was great. His charisma, his brilliance, this evil who was able to gain power--worst combination ever--we all know how he made history, don't we?

No wonder, I've never trusted Duterte...

I downloaded Hitler's book, Mein Kampf. I only looked at the snippets. Natatakot akong basahin. I remember what I felt when I read portions of 48 Laws of Power, or Machiavelli's Il Principe. Hindi ako sigurado kung gaano ako kabuting tao. I've always felt drawn to this kind of Philosophy even back when I was younger. In a way, ang weird din na hindi ako naging DDS.

Good Friday ngayon. Rest day ko. As usual, tamad na tamad parin akong kumilos. Sakali mang ma emerse ako sa mga prinsipyo ni Hitler at lumabas ang pagiging evil ko, siguro magiging safe parin ang mga tao sakin. To achieve what Hitler had, kailangan mo kumilos. I mean, nakakatamad kaya.

Babasahin ko na nga ang Mein Kampf. Pero magcha charge muna ko. 


06:07 PMにcinderellaareus によって書かれました。

コメントを書く


* * * *

土曜日. April 11, 2020

Black

I should've slept few hrs ago as I'll be on an 8p-5a shift later. I ended up finishing up to ep 9 of this kdrama I'm watching. The female lead is a lawyer. So at the dining table kanina I told Mom I'd study law. I think my parents have had enough of my confusing life plans.

----

Red alert today, I'm having cramps. Ayoko sanang pumasok. Sana walang calls.

----

An acquaintance posted on fb that she's selling parts of her land in quezon. 50k, 100sqm. Sa 100k, i can buy a big enough land for a small house and s little garden. But if I want to build a farm, how much land do I need?

Minsan ang sarap magpakalayu layo no? Maiba lang. 


05:18 PMにcinderellaareus によって書かれました。

コメントを書く


* * * *

日曜日. April 12, 2020

Easter lang walang happy

Easter, yet I don't feel so happy. Must be the hormones.

Netong nakaraang holy week, walang naging news sa tv. Pero dahil naka see first sakin ang gma news sa facebook, ganun din.

Hindi comforting ang nababasa ko sa news. It doesn't help that friends are forwarding stuff they read sa mga samu't saring naming gc. Surely, there are people who try with all they might to spread hope, pero I don't know.

Hindi ko alam kung paano natin malalagpasan to. Hindi kami bati ni God. Nahihirapan akong magdasal lately. Sighs.

Feast of Divine Mercy next week (Sunday after Easter). Promise ni Jesus, "all the divine floodgates to which graces flow will be opened" daw sa araw na to. Inadvance ko na yung dasal ko pero uulitin ko pa rin.

Sana ok kayong lahat.


02:25 PMにcinderellaareus によって書かれました。

コメントを書く


* * * *

. April 13, 2020

so ano

4:43pm. Alas tres ata ako nagising kanina. Been feeling a little hopeless these days, kahit na kung tutuusin, ok naman kami.

Dumaan sa baranggay ang mama at kapatid ko kanina. Humingi ng permit na makalagpas sa checkpoint para makauwi si kuya sa cavite. Malapit ng manganak si sis-in-law. Mukhang pumayag naman yung kapitan.

Bigla kong naalala yung convo namin with our Indian General Manager. Last year kasi sinabi nya na nag dedecide palang client if they will renew our contract or not. Sabi jan 30 mag dedecide. Hindi ko na nabalitaan what happened.

I directly sent a message to my supervisor to ask. Medyo vague yung answer, pero sabi nya, safe naman daw kami. Hindi ko alam.

My friend Bea's boyfriend/fiance is a man from a prominent family, that if id write the guy's last name here, people will probably recognize. He's surprisingly kind and easy to talk to. Sobrang layo sa ugali ng mga alta sa mga telenovela. He's pretty smart too. I like him as a human being.

He's an atheist though. Im cool with that. It's just that some of his posts bothers me.

I think it's unfair to tag people as evil just because they don't believe in God. There are countless churchgoers who are evildoers so much more than these atheists. Sometimes I feel like some of his posts makes sense. Ive comfronted the Heavens about this. I dont know.

How are you coping with ecq?

Though we are all fine now, Ive been kinda feeling low and hopeless. I feel tired of fighting for what I believe to be right. I feel tired of doing things that I think I'm supposed to do. I'm tired of trying to explain my point, or trying to understand other people's point. I'm tired of dealing with people in general. Ive left some gc's and I have a long line of unread messages already.

Wala na kong pake


05:26 PMにcinderellaareus によって書かれました。

コメントを書く


* * * *

水曜日. April 15, 2020

Hmmmmft

D: lagi akong ol dito. Pwede magtanong po.

Z: sige po. Baka kasi busy ka, TL.

D: kahit busy *smiling face*

----

Tapos pag tinanong mo di naman sasagot. Anlabo kausap nung crush ko. Smh.

*********

"Bat ambait mo sakin, mahal mo ba ko?"

I was getting ahead of myself nang maisip ko na parang hindi e. May mali e. Hahaha.

Off nya ngayon. Nag message sya sa Jabber. Nabored siguro, nagtrabaho parin. Sakto may call ako nun. Sya yung kinulit ko kung anong gagawin. E ayun, 10,000 screen shots later, ayaw parin maayos yung issue. Nagulat nalang ako, nagreremote na pala sya sa user ko. Ayun, sya na nag resolve. 

Sa totoo lang, nakakapagod ang trabaho ko lately. Pero kahit ganun, I really like it here. Kasi I like the people here. And among the people that I like here, he's one of my favorites. Sana wag sya mapagod na tulungan ako.

Pero ok lang rin, kahit di nya na ko tulungan. Basta wag lang sya mawawala. 

Sana wag sya mawala.


06:45 AMにcinderellaareus によって書かれました。

コメントを書く


* * * *

木曜日. April 16, 2020

Emoticon Parade

Kapapasa nya lang ng chat tas sabay magmemessage sya ng, "Z, projects?" Nang-aasar ba to?

Tas pag nag explain ako na may chat and remind him na sya nagpasa, babanat naman sya ng "ok po, galit ka po?"

Gah! And the emoticon parade didn't help. It actually felt more ominous than friendly. 

Tingin ko nami misunderstood ko lang tong taong to. Siguro mabait talaga sya. Hindi ko ma explain kung bakit takot ako dito.

Ba't ko nga crush to? Ahhhhh. Kasi gwapo.

----------

Shift ended about an hour ago gutom na ko. I don't feel like eating. I'm feeling upset over the same old issue that has been making me upset for over a year now.

I don't really know how to resolve this. The more I speak about it, the more it upsets me. Kaya madalas, ni le let go ko nalang. I hope that one day, as I let this go, it will just naturally go away for good.

I feel so unloved today.


06:21 AMにcinderellaareus によって書かれました。

コメントを書く


* * * *

金曜日. April 17, 2020

Off1

So, paano magsisimula?

He approached in a diplomatic way. I'm not that harsh. I told him I've been busy. And that I've long been wanting to take a leave of absence. I don't know why talking with this person makes me feel emotionally exhausted every time. Siguro hindi nya naman talaga kasalanan. He said there are only 2 months left for the term, and asked for us to finish this together. I still feel tired. I know we're not at odds. If anything, we're actually allies. But... I don't know. 

I hope he'll stop pushing me into giving more time and energy than I have. I think this is the only way I can stay.

---------

Thursday off and I spent most of the day sleeping. Parents sleep early these days so I really only get to see them during meal time. Nasanay na akong gising sa gabi, kaya ito, gising pa ko.

Mejo tinatamaan ako ng lungkot these days. At siguro pagod din. Yung emotional na pagod na hindi napapawi ng tulog at pahinga. 

ECQ blues? 

Anong magandang Kdrama pang divert? Takte, di kaya ng puso ko yung Hotel del Luna. Pakdis, ang scary!


02:50 AMにcinderellaareus によって書かれました。

コメントを書く


* * * *

. April 19, 2020

FDM

Sighs.

Feast of Divine Mercy today. Isa sa mga araw na inaabangan ko taon taon. Mula kasi nabasa ko yung excerpt ng diary ni Sr. Faustina, mas lalo akong na amaze sa bait ng Diyos.

Pero kanina, kakahanap ko ng full text nung diary, I came across an article na hindi naniniwala. This article didn't come from an atheist but from a catholic.

2 popes daw ang hindi kumilala sa claims ni Sr. Faustina at na seal pa ang diary nya kasama sa mga dangerous artifacts. 

May nag sabi sa comment na since si pope john paul ii ang kumilala kay sr. Faustina, pollish pope just wanted to have a pollish saint lang daw. 

Some quoted a bible verse about false prophet deceiving many.

Tapos mercy should come with 50% penance daw.

Fear the lord. Fear the lord.

Sighs. 

Am I better off becoming an atheist?

I loved that merciful God I found through the Divine Mercy. Hindi ba sya totoo? False prophet ba si faustina? Penance? Penance?  Fear the Lord? May pag-asa ba talaga ang mga sinners?

I don't know. Hindi ko talaga alam.

Sabi ng isang pari dati, malalaman mo daw na evil ang isang bagay if it's destroying you.

The feast of divine mercy filled me with hope and made me love God even more. Evil ba yun?

Also, sa parable ng prodigal son, when the son came back, sinabi ba nung tatay na magsisi ka muna bago kita tanggapin? Di ba wala namang ganon. Malayo palang yung son, sinalubong nya na. Hindi humingi ng explanation or kahit sorry. Agad pa syang nagpatawag ng party. Pinarusahan nya ba? Hindi. Hindi naman di ba.

Penance my foot.

Bahala kayo. Basta~

The floodgates to which graces flow daw are open today. We have two hours pa. Ask away! ^<


10:03 PMにcinderellaareus によって書かれました。

コメントを書く


* * * *

月曜日. April 20, 2020

Men and stuff

Ang gwapo ni Attorney. Natataranta yung mga babae. 

Tas si Mr. Chill, may workout vid. Nagkakagulo yung nga kakilala nyang bading. Ang daming mejo mahalay na comment, pero mabait si Mr. Chill. As usual, kalma lang sya. Alam mo, hanggang ngayon, para sakin ang perfect parin nitong taong to. Kaso, ayun nga, nagkahiyaan na e.

Then, R and the wife. Keri lang. It doesn't hurt one bit now. I just read from the wife's post that he forgot an important date. He wasn't like that when he was with me. Pero pwede rin na that's just a side effect of marriage. Ok na. Lubayan na natin sila.

Then, the master. Hands off na ko dito. He's better off with that nice kiddo his age. I seriously don't want to get in the way.

Tas si M. Alam mo, ang yaman neto at ang cute ng pets nya. Haha. But when we went out years ago, awkward, with kuliglig in the background. To think andami naming common interests. Hindi ko rin alam.

Ang daming lalaking ok no? Yung single, tas straight. Siguro, if kikilalanin ko yang mga yan isa isa, at least isa man lang dyan mahuhulog ang loob sakin. Tas yung mga hindi mahuhulog, siguro pwede kong maging mabuting kaibigan, di ba?

Naiirita na kasi ako sa taste ko. Sablay e. 

------- 

Yung hiniling ko sa Divine Mercy last year e maextend pa ang buhay nung aso kong super sick nung nga panahon na yun. Almost 1 year din na naextend ang buhay nya, kahit papano.

This year, bukod sa pagkawala ng COVID, hiniling kong makapag buo ng sarili kong pamilya. Next year. Agad agad. Lol.

Ibibigay kaya ng Langit?


09:57 AMにcinderellaareus によって書かれました。

コメントを書く


* * * *

水曜日. April 22, 2020

Water

Wednesday na. Konting tiis nalang at "weekend" ko na.

I know I'll be in deep deep shit kung mawawalan ako ng trabaho, pero... ewan! ECQ blues parin ba to?

Few days back, an officemate who was assigned to a morning shift asked me if gusto kong makipagpalit. Andami kong reklamo sa dami ng trabaho sa night shift, ewan ko rin kung bakit ako tumanggi. Lol. Matagal tagal na rin magmula ng nagkaroon ako ng Japanese call.

Allergic na allergic ako sa mga messages these days. Lalo na pag galing sa club. Ewan ko. I don't want to hear from anyone. Work is stressful enough, naiirita ko sa mga taong mas madami pang demand kesa sa boss ko. I know they are trying to be more careful lately. I just can't find it in my heart to care anymore. Ang alam ko lang, pagod ako. At iniisip ko palang na kailangan ko silang kausapin, napapagod na ko. I feel like I've reached my limit. Two months left for the term. After neto, ayoko na talaga.

Ang gwapo nung crush ko. Humaba na buhok nya kaya nilagyan nya ng head band (?). Takte, ang cute cute! May kapatid ba to? Hahaha. 

Hayst. Wala lang naman. Taken yan e. Tamang eye candy lang. Mas bearable kasi ang trabaho pag merong gwapo. Hahaha. Kahit ang suplado kamo nyan.

Pwede kaya mabuhay with least resistance? Hindi naman ako ganun katamad. Willing akong magtrabaho. Hindi ako takot  mahirapan, pero sana sa something na magaling ako. Sa totoo lang, ang nagpapa stress sakin dito sa trabaho ko e yung mga times na clueless ako sa gagawin ko kaya kailangan ko pang mang bulabog ng ibang tao para tanungin. Ayokong ayoko na nangha hassle ng ibang tao, kaya mas lalo akong naiistress. Ginagawa ko naman lagi yung best ko. Ang hirap paring hindi mataranta.

Ang sakit ng ulo ko today. Para pa kong lalagnatin. Nagkaka COVID ba yung hindi naman talaga lumalabas ng bahay?

Saan kaya ko makakakita nung kasing pogi nung crush ko tas hindi taken tas magkakagusto sakin? Hahaha.

Takte, ang random!

Nakakaaning sa bahay, pero ayoko parin matapos ang ECQ. Ang haba kaya ng tulog ko these days.

Ang kanji para sa Wednesday, same kanji sa water. Bakit kaya no?

Sighs, ang gwapo nung crush ko.

Wahh! Paulit ulit? Hahahaha!


06:40 AMにcinderellaareus によって書かれました。

コメントを書く


* * * *

木曜日. April 23, 2020

Tree

5AM and I was off. Ang ganda ng kulay ng langit na tanaw sa may bintana ng kwarto ko. Kulay orange. Kinuhaan ko ng picture pero hindi kasing ganda.

Hwebes ngayon. Off ko na.

Freeeeeeeddddddooooooommmmmm!!!

Ipinanganak kahapon ang aking bagong pamangkin. Sabi ng ate nya, "ang pangit naman". Lol. They are in Cavite, but inside my head, I can hear my niece's voice saying that. Miss ko na ang makulit na batang yun. Excited na rin akong ma meet ang bago naming baby. 

LA sent me a message earlier at nangangamusta. Sabi nya, may babae at lalaking apo na daw ang parents ko kaya hindi na nila ako ipe-pressure. Lol. Actually, they've long stopped pressuring me. Nagsawa na siguro.

Sabi ni LA, she was looking daw sa picture naming apat nila Bea at Neri. Sabi nya, yung isa kasal na, yung isa engaged, ano na??? Lol.

She said she's ok with remaining single. Well I don't know. I think people get what they settle for. Gaya ng sabi ni R nung unang panahon...

"Masaya na ko sa ganito..."

He got just that.

Nakakatawa na ang go-getter namin sa maraming bagay. Achievements, career, company na pagta trabahuhan, finances... pero pag dating sa relationship... ok na yan? Ok ba talaga?

Hindi ok.

I want to stop saying na ok lang kung hindi naman talaga. 

Hindi ok.

Ano kayang mararating ko no? Hindi ko rin alam. Pero ayoko nang sabihin na ok lang.

I started my day yesterday with a prayer asking the Heavens to help me keep someone I don't want to lose. Ang wierd lang. I think this comes effortlessly for other people, pero hindi kasi ganun sakin.

Ano bang gagawin ko? Nako confuse kasi ako. Ano bang gamot sa confusion?

Know what... the kanji for Thursday means tree. Bakit nga kaya no?

Tawang tawa ako sa FB group na "a group where we all pretend to be DDS". Ang saya, sali kayo!


06:24 AMにcinderellaareus によって書かれました。

コメントを書く


* * * *

月曜日. April 27, 2020

Anx

Feeling ko ang harsh ko nitong mga nakaraang araw.

Allergic na allergic kasi ako sa mga messages these days. Pero a few days back, hinarap ko na. I told them what I had to say. Didn't bother to sugarcoat. Okay naman at first. Pero ewan ko.

I hate explaining myself, you know. I hate having to justify my choices. I hate having to choose between being nice or maintaining my self-respect by saying 'no' when I want to. I believe that one should always choose self-respect, and it's always a struggle.

Sometimes I just want to cut these people off para mas madali. Pero patas ba yon?

-----

I'm feeling anxious about work.

"For our account, to be able to extend our contract in Ta***a for 5 years or so pa."

This was my #27 sa listahan ng hiling ko sa langit nung Feast of Divine Mercy. Sana pakinggan Niya.


09:02 AMにcinderellaareus によって書かれました。

コメントを書く


* * * *

火曜日. April 28, 2020

Fire

2:06AM. I just woke up an hour ago. I skipped work today. I'm not feeling well. Been sleeping in my parents room for the past couple of days dahil ang epic ng init dito sa Bulacan, at sa kwarto lang nila may aircon. Takte, ngayon, inuubo na ko. Nagkaka COVID ba ang hindi lumalabas?

Nalaman ko na may delivery option sa ilang kainan sa SM na pinakamalapit samin. So I checked my wallet to see if kaya kong bimili kahit medium na pizza lang. Takte, 100 na nga lang pera ko, dollar pa. Gah!

Pakiramdam ko ngayon nalang ako ulet nakatulog sa gabi. Nagugutom ako. Iniisip ko kung kakain ba ko or matutulog ulet.

Even during my days off, I adjust my sleeping time so I don't have to deal with the other 2 humans at home (parents). I ignore messages so I don't have to deal with the rest of the humans I know. Ano kayang problema ko no? 

The kanji in Tuesday means fire.

------

Teka! Just one happy thought for this day:

So nag message ako sa mga TLs na hindi ako papasok, and his reply was:

"Sige Za pagaling ka ha : )" 

Ayun, mejo sumaya naman ako sa kababawan na to. Lol. But I guess this is the whole point of having crushes anyway.

Salamat, Crush.


02:26 AMにcinderellaareus によって書かれました。

コメントを書く


* * * *

火曜日. April 28, 2020

Not poor

So, naghalughog ako sa singit singit ng wallet, pouch at garapon na pinaglalagyan ko ng salapi, at ito ang aking natagpuan.

Cash on hand:

100 USD

600 NT

96 Ringgit

 ...

Gusto ko lang naman bumili ng pandesal. T_T


04:16 AMにcinderellaareus によって書かれました。

コメントを書く


* * * *

木曜日. April 30, 2020

Thursday is the new Saturday

Thursday. I just wrapped up my work week a few hours ago. Know what, akala ko pag mas malapit ang bahay ko sa office and hindi na kailangan ng long hours sa byahe, magkakaron na  ko ng mas maraming oras.

9 hrs work

8 hrs sleep

2 hrs prep before work

2 hrs prep before sleep

These leave me only 3 hours to do everything else.

Ang precious ng oras no? 

Ngayong ECQ ko na realize na ang daming oras ang nilalaan ko responding to other people's demands. Yeah, club related. Hindi konparin masustain ang pagkaumay ko sa lahat ng to. Pero in 2 months, lalaya na ko. Iniisip ko nga na wag nalang ako mag renew at all. I mean, with my current work setup, parang sayang lang rin ang bayad. Will think through this.

Allergic parin ako sa messages. Kung papatulan ko lahat ng to they'll be consuming so much of my time and energy.

May nagpapaschedule ng speech.

May nagpapaturo mag Japanese.

May naghihingi ng info.

Ignored

Ignored

Hingi ng info

Small talk

Small talk

Ignored

Blah

Iniisip ko kung mawawalan ba ko ng kaibigan sa ginagawa kong ito. Pero ayoko nang pilitin yung sarili ko. Ayokong unahin i-avoid na ma offend ang feelings ng ibang tao at the expense of my time and inconvenience. Because right now, I feel tired and anxious and I think the only way I can survive all these is to take good care of myself. This is the best self-care I have came up with.

Alam ko. Hindi patas.

Nitong mga nakaraang araw, late akong nakakapag out sa work.

Yesterday, 15 minutes before my shift ends, nag iinstall pa ko ng vpn sa user. Ang hirap, ang complex. Ang lifesaver ko nun e yung RDS namin na si Jannglenn. Kahit out nya narin ng 5, he stayed to assist me until almost 6AM na. Sabay na kami nag remote sa user para mabilis. Na install naman, pero di na resolve yung issue. Kahit ganun, sobrang thankful ako kay Jannglenn. 

Kanina rin almost 6 na rin ako ulet nakapag out kahit 5AM end ng shift ko. Online repair. Thankfully, PK was there to assist me kahit almost 6 na rin ako natapos. 5AM lang din out non.

These people are helping me out, spending their time and energy. Samantalang ako, iritang irita pag nag ooffer ng few minutes to answer messages. Lol. Pero syempre, hindi ko naman gagawin yun kila PK at Jannglenn.

Nakakatuwa lang na kahit mejo masama talaga ang ugali ko, ang daming mababait na taong nilagay ng langit sa paligid ko. I pray that the Heavens will bless them with joy, peace, monetary abundance and protection. I'm super thankful.

Sighs... iniisip ko tuloy kung kailangan ko na ring maging mabait sa iba pang mga taong nasa paligid ko. Hindi ko naman talaga intensyong magmaldita. Ayoko lang talaga silang kausap. Nakakapagod silang kausap. Hindi naman talaga nila kasalanan. That's just how I feel.

------

Ang haba ng 2020. Sahod na pero wala parin akong pera. We're living with whatever Mom is earning sa aming munting sari sari store. I do have money. Ayoko lang mag withdraw. Wala akong quarantine pass at ayaw naman ng nanay na mag withdraw para sakin. Di daw sya marunong. Siguro may way naman. Ayoko lang rin talagang lumabas.

It feels weird to not have money. But not that bad. Mejo nalungkot lang ako nung may dumaan na taho at hindi ako makabili. Pero ok lang naman.


03:08 PMにcinderellaareus によって書かれました。

コメントを書く


* * * *
« 2020/03 · 2020/05 »

私について

My name is Z. Let's get along :)


ナビゲート

ホーム
アーカイブ
プロファイル
ギャラリー
お友達
Friendsof
お気に入り

メッセージボード



クレジット

レイアウト || zaia
画像1 || R A V E
画像2 || ruffled
パターン || hongkiat
ブロッグホスト || Tabulas
コンテンツ|| zaia


***

Google Analytics Alternative

http://www.hitwebcounter.com/
Counter For Wordpress


adopt your own virtual pet!
online
Online Casinos